My Love 6

12 1 0
                                    

My Love 6: Athena Shayne Ford

Athena's POV

It's been 2 weeks since I've met him. And I've been working (flying) from country to country. Nung lumapag kami ng Seoul, South Korea nagpahinga lang kami saglit then after 5 hours tumungo din kami sa Tokyo where we stayed 1 day at nagkataon naman na cherry blossom bloom kaya naenjoy ko ung stay namin doon even for a day lang. Then to Beijing, one day din kaming nagstay, then Shanghai mga 5 hours lng then we flew straight to Hong Kong after 3 hours of stay we flew to Toronto which is 2 days stay, tapos straight to London, which we stayed 3 days. Gustong gusto ko ang London it's everyone's dream I love the architecture and of course high standard of lifestyle and fashion. Then Spain for 2 days kung saan ko binisita ang grandparents ko which is parents ng Mom ko.

After that we went to Los Angeles USA, my home, I was born here and yes! my Dad is one of the respectable Hollywood actor and my Mom is a Surgeon, pero ako masyadong inexpose sa pag-aartista ng Dad ko kasi gusto niya daw akong magkaroon ng normal na buhay, pero grabe natutuwa ako pag nandoon ako. Paminsan minsan nagkaKape lng ako sa isang cafe mamaya may makikita na akong mga hollywood star. At 2 days lang din kaming nagstay doon. Syempre umuwi ako sa bahay namin doon kasi miss na miss ko na ang family ko syempre miss na din nila ako. Ung dalawang araw nga na stay ko doon muntik ko na palang natanong sa parents ko kung may kilala silang Hera. Kung may kakambal ba ako. Kasi naman hindi talaga ako pinatahimik nung kung sinong Hera ba yun. Pero kung meron man eh di sana noon pa nila sinabi diba I would be very happy kung meron nga, hindi naman siguro maglilihim ang parents ko sa akin. Hindi ko nalang din pinansin at in-enjoy ko nalang ang stay ko doon.

Matapos sa LA, ngayon nga ay nandito kami sa Morocco last stop namin, 1 day din kami dito, before bumalik ng Manila at salamat 3 days din kaming magtatagal sa Pilipinas. Hindi sa Manila ang main base ng MA kundi sa LA. Pero may branch hub sila sa Manila.

Nandito na naman ako sa loob ng aircraft helping the passengers with their seats, bags and checking their seatbelts. Sa economy ako ulit ngayon minsan napapadpad din ako sa Business Class at First Class pero mas lagi ako sa Economy Class at mas gusto ko dito kasi mas madami akong nakikilalang mga ordinaryong tao.

Magtatatlong taon na akong nagtatrabaho as a Cabin Crew or Stewardess, and I'm 27 now, hindi naman sa pagmamayabang pero ako ang isa sa mga nasa frontrow Stewardess ng MA, and I love everything about my job -- I get the opportunity to travel around the world, stay in luxurious hotels, taste a lot of different cuisines, and meet a lot of different individuals from different cultures.

Since Surgeon ang Mommy ko sabi ng magulang ko graduate ako ng BS Biology sa isang sikat na University, preMed ko daw yun kasi gusto daw niyang magDoctor ako kaya yun ang kinuha ko pero habang ng-aaral daw ako noon madami kaming pinupuntahan as part of the curriculum kaya doon ko narealize na gusto ko daw magtrabaho and magtravel at the same time kaya ayun noong may Open day daw ang MA hindi na daw ako ngdalawang isip pa. My Dad says this is my passion, this is where my heart is and this is my dream. Hindi din makakailang may good benefits ito. Hindi ko alam pero naramdamang kong totoo ung mga sinasabi nila noon sa akin kay tinanggap ko nalang din. This is a very glamorous job sabi nga nila at hindi nga sila nagkamali. Swertehan lang talaga kung matatanggap ka sa klase ng trabaho na ito at ang training before ka maging tunay na Cabin Crew hindi din ganun kadali. Kaya lahat talaga pinaghihirapan.
Kailangan ng tiyaga, stratehiya, talino, mahabang pasensya at ganda (inside and out).

Pero dahil nga sa nangyari noon na hindi ko na maibabalik pa -- un ay noong naaksidente daw ako sabi ng parents ko at hanggang ngayon hindi ko parin maalala lahat. At hindi parin ako sigurado sa pagkatao ko. Ilang buwan din akong parang wala sa sarili ko. Ang sabi nalang ni Mommy eh move on with my life and create new memories. So I did, nakarecover din ako physically pero meron pa talagang kulang. I pray na sana someday kung ano man yung kulang na yun sana mahanap ko na.

Bring Me Back, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon