Chapter 1: Bigbang

50 5 1
                                    

  Sage's POV

      
        Hindi ko alam kung ano ba talaga ang isusubmit kong canvas sa darating naming Math Camp.

    Hindi ko alam kung bakit wala akong maisip.

  
  Dahil ba 'to sa nalaman kong kakayahan ko? O dahil ba to dun sa nalaman kong video ng gf ko at ng classmate naming si Calid?

Heto ako. Nakalupasay sa kama kong malambot na parang mamon. Nagiisip na naman ng pwede kong isumbit na painting sa math camp namin.

Nakakatamad. Nakakatamad palang magisip.

Since tulog na si Kuya Macku at Tita Ailene.
Napagisipan ko munang itesting ang natuklasan kong kakayahan.

Inabot ko ang lapis na nasa table na katabi ng kama ko at nilagay ito sa harapan ko.

Kaya ko to... kaya ko tong palutangin. Alam kong kaya ko. Dahil nung isang gabi, nagawa ko rin to.

Umayos ako ng upo at nagconcentrate ng maigi.
Pumikit ako at huminga ng malalim.

Marahan kong idinilat ang mga mata ko at nasaksihan ko ngang nalutang na ang lapis ng paunti-unti. Pumikit ako at dinama ang lamig ng hangin na nagmumula sa labas.

Sa aking pagpikit. Di ko inaasahang mapadali sa isipan ko sila mama at papa. Mga kulitan at tawanan... Lahat ng yun nawala sa isang pangyayari. Pangyayari na babago sa takbo ng buhay naming lahat.

Naramdaman kong wala na ang hangin na kanina'y nadampi sa balat ko kaya naman otomatiko akong napadilat.

Ngunit sa pag dilat ko. Hindi ko inaasahan ang mga nakita ko.

Lahat ng gamit sa kwarto ko ay nakalutang! Maging ang table na nasa tabi ng kama ko. At ang kama ko! Nakalutang! Inilibot ko ang panigin ko sa buong kwarto at nakita ko ang dahilan kung bakit wala na ang hangin na kanina'y ramdam na ramdam ko.

Ang cabinet ko at ang mga laman nito, nakalutang din. At halos lahat na ata ng mga nasa loob nito ay nakalabas na. Kahit ang kumot kong pagkakapal kapal ay lumabas na din at nakatakip na sa buong bintana. Kaya naman di nga makakapasok ang hangin -__-

Bigla akong napabalikwas  ng may marinig akong sigaw sa labas ng aking kwarto.

Kaya dali-dali kong tinahak ang pintuan at lumabas doon na nakahanda ang kamao. Yellow Belter kaya ako sa taekwondo.

Muntik na akong madapa ng marinig ulit ang isang sigaw. Sigaw na parang tinatamad. And this time malapit lang to sa kinatatayuan ko. And alam ko kung sino yun.

Dali-dali akong naglakad papunta sa kwarto nya. Dahan dahan kong binukasan ang pintuan ng kanyang silid. At hindi nga ako nag kakamali.

Nananaginip na naman si kuya.

Sanay na kaming lahat kay kuya. Halos gabi gabi nananaginip yan. Pero pag tatanungin mo naman kung anong napaginipan, sasabihin nya lang ay wala.

Pinilit kong gisingin si kuya dahil palakas na ng palakas ang sigaw nya. Baka magising si baby Alyannah pag nag sisisigaw pa sya.

Tinapik tapik ko ang pisngi nya na kulang na lang ay sampalin ko na sya, ngunit wa epek. Tulog mntika pa naman to. Niyuyugyog ko na rin sya pero wala talaga.

Tumigil na ako sa paggising sa kanya. Di na namn sya nasigaw e.

Napagpasyahan ko na lang na bumalik sa kwarto ko at mag muni-muni.

Akmang pipihitin ko na ang doorknob ng kwarto ni kuya ng may makita ako sa peripheral vision ko.

Isang lapis...

Unti-unting kumurba ang isang pilyong ngiti sa muka ko. Yung ngiting nakakaloko.

"God, hindi naman po kasalanan tong gagawin ko kay kuya diba? Pinapalawak ko lang po yung kakayahan ko. Ahihihi."

Humarap ako kay kuya at tinantsa kung kaya ko sya. Mabigat kaya tong isang to.

Itinaas ko ang mga kamay ko at itinutok ito sa kanya. Mas mabuti ng dalwang kamay. Mamaya di ko pa kayanin to e,  mapahiya pa ako sa mga readers.

Huminga ako ng malalim at nag simulang mag concentrate.

Itinaas ko pa ang mga kamay ko sa tapat ng muka ko. And next thing I know, nakalutang na din si kuya.

May naririnig akong mumunting ungol at alam kong si kuya yon.

Hindi nya pwedeng malaman na may superpowers ako.

Dali-dali kong ibinaba ang mga kamay ko sa pagaakalang bababa din si kuya. Ngunit taliwas ito sa inaasaha ko. Habang binababa ko ang mga kamay ko. Si kuya naman pataas ng pataas.
 
   Dugh!...

Ayun. Si kuya nauntog na sa kisame ng kwarto nya. Buti nalang di sya nagising. Kahit ata mag karaoke pa ako sa tabi nito wala parin atang epekto. Tulog mantika talaga.

Muli, itinutok ko kay kuya ang mga kamay ko at dahan dahan itong ibinababa. At sa wakas, naibaba ko din si kuya, clean and safe.

Hindi nya pa talaga kelangan malaman ang tungkol sa kakayahan ko. Hindi nya pa kelangan malaman na may powers ako...

Hindi pa ngayon.

End of Chapter 1.

Thank you for reading :)

Pls Vote and Comment.


ZODIAC CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon