LIN2: XXV

31 5 0
                                    

UPDATE: 11. 16. 15

Chapter 25: "So Much For My Happy Eding"

Mabigat ang aking mga mata ngunit pilit ko itong minumulat. Tila lumulutang ako sa ere habang nasisilayan ang liwanag. Narinig ko ang ingay ng paligid na tila mga natatarantang tao. May pamilyar na boses akong naririnig ngunit tila ito'y galit. Boses ng taong malapit sa'kin. Boses na lagi kong naririnig kapag nalalagay ako sa kapahamakan. Ang boses ni Dan.

Hinihingal syang tumingin sa'kin at hinaplos ang aking pisngi.

Dan: you'll be fine Lin.

Narinig ko pa ang malulutong nyang pagmumura at pananakot sa mga nasa paligid. Marahil nasa bingit na nga ako ng kamatayan, kaya ang malumanay na si Dan ay tila nagwawalang mamatay tao sa loob ng ospital.

Tuluyan nang pumikit ang aking mga mata at nawala na ang aking kamalayan.

Pagmulat ko ay bumulaga sa'kin ang puting kisame at ang nakakasilaw na liwanag na hatid ng ilaw. Pinaling ko ang aking paningin sa kaliwa. May lalaki na nakaupo sa wheelchair na hawak ang aking kamay. Nakaub-ob sya sa aking kama kaya naman hindi ko maaninag ang kanyang muka.

Napatingin naman ako sa may pintuan at doon nakitang natutulog si Allen sa sofa.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Dan na tila natakasan ng dugo ang muka.

Dan: Lin, you're fvcking awake!

Tumakbo sya sa may kanan ko at agad akong niyakap. Nagtaka tuloy ako kung sino ang taong may hawak ng kaliwang kamay ko.

Isa lang naman ang kakilala ko na may itim at makintab na buhok ngunit hindi ito kasing haba ng buhok ng lalaking nakaub-ob sa aking kama.

Napangiwi ako ng hinigpitan ni Dan ang pagkakayakap nya sakin.

Dan: ah, sorry.

Lin: okay lang.

Agad na pinaling ko ulit ang atensyon ko sa taong may hawak ng kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, at naging visible 'yon sa aparatus na nasa tabi ko.

Unti-unti nyang inangat ang kanyang ulo. Nahigit ko ang aking hininga at nanlamig ang aking kalamnan. Nakapikit pa sya na tila tinatanya ang kanyang pagmulat. Pansamantala kong nakalimutan si Dan lalo na ng dahan-dahan nyang imulat ang kanyang mga mata.

Klein: you're too loud Dan Romer...

Tila gripong umagos ang luha sa mga mata ko. Nandito na sya! Pakiusap, kung panaginip man 'to! Huwag nyo na akong gisingin.

Klein: diba sabi ko ang pangit mong umiyak, aish.

Inusod nya ang wheelchair nya para maabot ang muka ko, sabay punas ng mga luha ko.

Klein: hindi pa tapos ang theraphy ko kaya hindi pa ko makakatayo.

Hindi ko na napigilang hawakan ang kamay nya at damhin ito sa aking pisngi. Pansamantala kong nakalimutan ang mga tao sa silid. Nakita kong pumungas-pungas ang kapatid ko, tanda ng kanyang paggising.

Allen: ate ko...

Kitang-kita sa itsura nya na ilang araw na syang hindi nakatulog. Binitawan ko ang kamay ni Kenken saglit at ibinuka ang aking bisig upang salubungin ang kanyang yakap.

Allen: ate, s-sorry... I was blinded by my anger. I didn't think straight. My life's a mess. I hope you can forgive me.

Hinagod ko ang likod nya.

Lin: napatawad na kita Allen, kasi mahal kita.

Lalo syang napahagulgol sa 'king balikat.

After two months...

Lin: wow, sigurado kang okay ka na?

Klein: I'm super, I think I can kick Dan Romer in the butt.

Lin: two years coma, two months theraphy...sure ka na bang okay ka na talaga? As in wala ka ng sakit?

Umiling lang sya at ngumiti. Kahapon kasi tinanggal ang saklay nya dahil naigagalaw na nya ng ayos ang paa nya.

Pareho sila ng naging sakit ni Alden, kaya nga lang si Aldenㅡ namatay, si Kenken naman after ng operation o 'yung pagtanggal ng tumor sa ulo nyaㅡ nacoma naman sya. Ang akala nya nga mamamatay na sya kaya nagpaalam na sya agad.

Nagpapasalamat talaga ako dahil buhay sya at kasama ko sya.

Klein: I heard Erleve John's getting married.

Tumango ako, ginaya naman nya ako sa mercedez nya.

Lin: sabi sakin nung tatay ni Ram mas matanda daw satin 'yon ng two years. Kasing tanda sya ni Kuya Erl.

Hindi na 'ko nakaattend ng graduation ko dahil isang linggo akong nanatili sa ospital. Nagparehab naman si Allen matapos ang insidente. Dinadalaw ko sya sa rehabilitation center kada isang linggo. Tumulong naman si Dice sa theraphy ni Kenken. Nagtaka nga ako ng naging magkasundo sila kaagad. Minsan, nag-uusap sila gamit ang ibang wika kaya hindi ako makasunod sa usapan nila.

Klein: since Erleve John is getting married this year, I can't marry you this yearㅡ so, kailan tayo magpapakasal?

Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Tila ba isa syang negosyante na nakikipag negosasyon sa isang kliyente. Pagminsan talaga, masarap sakalin si Kenken.

Lin: nagpropose ka na ba?

Klein: that's why I'm asking you...

Lin: parang may business proposal lang ang peg ah? Wala bang drama dyan?

Klein: we both know that I'm not that kind of guy.

Lin: alright, maybe next year or the year after...

Klein: parang napipilitan ka lang... I could picture Dan Romer kneeling infront of you asking you the same question and you're reacting and jumping with gleeㅡ

Lin: why do I feel like someone in this very car is insecure?

Klein: yes, I am insecure end of story...

Ibinaling na nya ang kanyang paningin sa bintana. Hindi ako sanay na tumitigil sya sa pakikipagbangayan sakin. Sanay ako na hindi sya nagpapatalo.

Lin: hindi ako sanay na hindi ka nakikipagtalo sa'kin. Nasa'n na 'yung mga prinsipyo ng gulay na alam mo!?

Klein: I don't want to argue with you Dada, I'm tired.

Lin: sinungaling! 'Yung totoo Kenken!

Klein: you want the truth?

Lin: oo

Klein: I'm scared Da...do you think I didn't know what's going on with you? Did you really think that you can hide about that pacemaker? Five or six years Da, you will go through the same phase na dinaanan ko. Ooperahan ka din but with lesser chance of survival. Natatakot ako na baka iwan mo rin ako kagaya ng ginawa ni Mommy. I can't afford to lose you Da... I just can't. Yung five to six years na dapat makakasama pa kita mababawasan pa, cause we can't get married now. I can't wait knowing the fact that you're gonna leave me someday... It's painful, I fought with my sickness cause I'm thinking of my future with you...we're not bad people but why is this happening to us? I know, what I said was a bit selfish but why can't I have my forever with you? Is it too much to ask?

Niyakap ko sya at hinalikan ang pisngi nya.

Lin: Ang nega mo talaga, iniisip mo agad na mamamatay ako. Ang sama mo talaga. Pero pangako, lalaban akoㅡ mabubuhay ako pagkatapos ng operasyon kasi hindi kita kayang iwan, kasi mahal kita. Love is nothing without you, I will fight, because I love you.

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon