A/N: Here's the last chapter! Enjoy reading the last part!
Quote of the last chapter:
• One smile, can start a friendship. One word can end a fight. One look, can save a relationship. And one person, can change your life.
******
Jewel Krizlee's POV:
Nandito kaming lahat ngayon sa cemetery. Binisita namin si Czian. Picnic naming lahat at napagdesisyunan naming dito nalang ganapin para kahit papa'no ay makasama namin si Czian. Sakto namang nandito ang mga magulang niya para bisitahin siya kaya hindi na muna namin sila pinauwi. Si Zack ay papunta pa lang. May mga pagkain din kaming dala tsaka tela na uupuan namin.
"Baby girl, picture tayo." Yaya ni Darren kay Danielle.
"Tayong lahat dapat." Sagot niya.
"Tayong dalawa muna. Mamaya na 'yung tayong buo."
"Osiya. Kung 'yan ang ikaliligaya mo."
"Wife, do you want something to eat?" Napatingin naman ako kay Jayshin.
"Hindi. Busog pa naman ako. Kumain tayo bago pumunta dito eh. Mamaya na. Ikaw nagugutom ka ba? Gusto mong ipag-prepare kita?"
"Nah. Hindi ako gutom. Tsaka kahit gutom ako, kiss mo lang ako busog na 'ko."
"Mga banat mo." Natatawa kong sabi at pinisil ang ilong niya.
"Pakiss ako, Wel." Parang bata niyang sabi at nag-pout pa.
"Nandiyan sina Mama." Sagot ko.
"Hayaan mo sila. Mainggit sila kung gusto nila. Tsaka mag-asawa naman---" Hinalikan ko na siya bago pa niya matuloy ang sinasabi niya.
"Dami mong satsat." Sagot ko.
"Di ako nakapag-ready. Di ko naramdaman. Isa pa."
"Hoy, Mr. Gonzales, huwag kang abuso." Sabi ko at pinisil ang kamay niya.
"Aish, oo na Mrs. Gonzales."
"Ayan na pala si Zack eh." Sabi ni Dad.
"Kanina pa ba kayo?" Tanong niya at umupo sa tabi ng lapida ni Czian.
"Hindi naman masyado." Sagot ni Kuya.
"Czian... good morning. How are you? I'm craving to see you. Here, I bought these flowers for you. Favorite mo sila diba?" Napangiti ako sa sinabi niya. Mahal na mahal talaga niya si Czian.
"A..ahh..." Ang sakit. Nangungulit na naman si Aleyna sa loob ng tiyan ko.
"May masakit ba sayo?" Tanong ni Jayshin at hinawakan ang tiyan ko.
"She kicked me. Pfftt. She's so naughty like you." Sagot ko.
"Talaga?" Pinakiramdaman naman niya ang pag-padyak ng bata, "Oo nga, haha. Ang kulit niya. Gusto na siguro niyang lumabas kaya ganyan. Tatlong buwan nalang baby Aleyna, lalabas kana. Makikita mo na si Mommy at Daddy." Nakangiti niyang sabi.
"She's excited to see us. Sana hindi pasaway paglabas niya." Sabi ko.
"Syempre. Kapag sakin nagmana 'yan hindi pasaway. Haha."
"So gusto mong palabasin na pasaway ako?" Biro ko.
"Hindi naman. Konti lang." Sabi niya kaya natawa nalang kami pareho.
At dahil nandito si Kieron, Sean, at Brianna, naglaro nalang sila. Mga bata talaga ang kukulit. Kaya lang ang dalawang boys, may hawak pa ring libro Halata sa mukha ni Brianna ang pagkainis sa dalawa dahil di siya masyadong pinapansin. Pfftt.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...