SPECIAL CHAPTER

60 1 0
                                    

SPECIAL CHAPTER:

Kean Jayshin's POV:

"Aaaaahhhh! A-aray ko! Di ko na kaya! Woohhh! Aaaahhhh!" Pinagpapawisan na 'ko ng malamig dahil sa sigaw ni Krizlee. Manganganak na kasi siya at isinusugod na siya sa delivery room ngayon.

"Teka lang, Jewel. Huwag mong hilahin ang damit ko." Natataranta kong sabi habang tumatakbo pa din.

"Aray ko! Aaaahhh! Matagal pa ba?! Ang sakit na!" Tumutulo na ang luha niya pero tangina, wala akong magawa.

"Teka lang po sir, tatawagin po ulit namin kayo." Tumango nalang ako sa nurse at pinasok na nga si Jewel sa loob ng delivery room.

           Hindi ako mapakali sa labas. Maya-maya pa ay dumating si Zack, Darren, Pearl, Kuya John, at Ate Kristine.

"Kumusta, Kean?" Tanong ni Darren.

"Tangina mo, kinakabahan ako. Halos magwala ang asawa ko sa sakit na nararamdaman niya tapos wala akong magawa." Sagot ko.

"Sir, halina po kayo sa loob."

"Galingan mo sa pag-cheer pare. Haha." Gatong ng gagong Zack.

"Namo!" Sagot ko at sumunod na sa nurse.

         Pagpasok ko ay nakaposisyon na siya. Tangina, ibig sabihin makikita nila 'yung 'ano' niya? Anak ng p*ta, masisilipan nila 'yung asawa ko! Kahit babae sila... masasapak ko sila!

"H-hoy! Teka nga! Takpan niyo nga! Makikita niyo 'yung maselang bahagi ng asawa ko!? Namboboso kayo ah!" Reklamo ko.

"Jayshin... huwag mong paandarin ang katangahan mo. Please... Umpisahan niyo na!!!" Sigaw niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Kaya mo yan, you can do it wife."

"Okay na po. Ire lang po Ma'am pag nakabilang ako ng tatlo. One, two, three..."

"Aaaaahhhhh!!!" Sigaw naming dalawa ni Jewel. Di ko siya kayang makitang nahihirapan. Napapasabay ako sa pagsigaw niya.

"One... two... three..."

"Aaaaaahhhhh!" Sigaw ulit naming dalawa.

"Nasisilayan ko na 'yung ulo niya, wife! Konti pa!" Taranta kong sabi.

"One, two, three..." Ulit ng nurse.

"Aaaaaahhhh! Hindi ko na kaya!" Umiiyak na sabi niya. Pinunasan ko ang luha niya at nag-cheer ulit.

"Kaya mo yan! Konti pa."

"Aaaahhhh!!!!"

           Halos mag-iisang oras na nang matapos ang delivery niya. Paglabas ng bata ay iyak agad niya ang narinig ko. Si Jewel naman ay umiiyak ng nakangiti hanggang sa nakatulog na siya. Hinalikan ko nalang siya sa noo dahil sa sobrang saya ko.

"Congratulations sir, it's a girl." Anunsyo ng nurse.

"Alam ko." Sabi ko.

"Lilinisan lang po namin ang bata, Sir. At ililipat na po si Ma'am sa room niya. Maghintay nalang po kayo sa labas. May ipapa-fill up pa po kami."

"Okay. Bilisan niyo ha. Sabik na 'kong makita ang mag-ina ko."

Jewel Krizlee's POV:

          Pagdilat ng mata ko ay nasa tabi ko na si Jayshin habang kalong-kalong ang anak namin. Napangiti naman ako nang makita ko ang Baby Aleyna ko. Ang ganda-ganda niya. Umupo ako at pinagmasdan ko sila.

"Jewel, gising kana pala. Baby, say hello to your mom." Sabi niya habang nilalaro si Aleyna.

"Hindi pa 'yan nakakakita." Sabi ni Ate Kristine sa kanya.

Memories of the Past (One Liter of Tears)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon