Chapter 6: Confused

21 1 0
                                    

Ngayon lang ako naging ganito. Ang bigat talaga sa pakiramdam. It's been a week noong nag-confess sa akin si Ivory na gusto niya si Thaddeus.

*kriiing kriing*

Bumalik ako sa wisyo at sinagot yung tawag.

"Hello?"

[Nandito ako sa building 6, Bonifacio hall, sa tapat ng room 654.]

"Tsk. 5 minutes pa lang akong nakapagpapahinga e. Sanay ka bang huminga? Hinga ka muna. Chill ka muna dyan. Inhale exhale."

[Hindi pwede. Pumunta ka na dito.]

"E--"

*toot toot toot*

"Punyatera.", bulong ko nalang sa sarili ko. Tumayo na ako sa bench at nagsimula ng pumunta sa lugar na sinabi niya.

Kung nagtataka kayo kung anong kahibangan ang ginagawa namin which is idea ni Thaddeus. Nailibot na kasi niya ako sa buong university at para makasigurado na may pumasok daw sa maliit kong utak, magtatago daw siya tapos sasabihin niya yung lugar thru call and pupuntahan ko siya then mag-iistay ako doon then tatawag na naman then repeat! Ang gago no? Gusto lang atang magpagod, di na lang mag-gym.

Yung ngiti na naman niyang yung ang sumalubong sa akin yung nakaka-P na ngiti. Lam nyo na yun!

"Ang galing ah. Meron pa tayong--"

"Ayoko na! Pagod na ako. May number mo naman ako e, tatawagan nalang kita in case na hindi ko na naman pinagana yung maliit kong utak.", sabi ko wirh a very serious and sarcastic tone.

"Okay. Buti tanggap mo na."

"Ang alin?", tanong ko.

"Bobo mo talaga. Yung maliit mong utak, tanggap mo na maliit lang siya.", sabi niya tapos ngumiti na naman siya ng nakaka-P.

Inirapan ko lang siya at lumakad na paalis sa building na yun. Tinawag pa niya ang pangalan ko pero di ko siya nilingon. Bobo? Ako? Kaya nga ako nakapasa sa U.P e kasi magaling ako. Nakapasa rin ako sa scholarship ko kasi deserving ako tapos, bobo?

"Bahala ka nga!", narinig ko pang sigaw niya pero hindi pa rin ako nagpatinag. Sundan mo ako para magbati tayo. Nagiging sensitive na naman ako. Para akong tanga minsan.

Haaaay! Kaya ka nasasabihang bobo e. Sige na nga, susunod na ako kay Thaddeus. Lumingon ako at naglakad pabalik pero habang papalapit ako ng papalapit, mas lumilinaw sa akin na....

Wala na siya.

Wag mong sabihing iniwan nga niya ako!?

"Thaddeus!", sigaw ko. Pero walang sumagot. Nagsilingunan lang yung ibang estudyante na binigyan ako ng kakaibang mga tingin.

"Mr. Brecken?!", louder this time. May kumalabit sa akin kaya napalingon ako.

"Punyeta ka talaga! Pang-ilang beses mo na akong iniwa--- sorry! Sorry, miss. Akala ko---"

Ayun napahiya ako. Minura ko yung kumalabit sa akin which is hindi naman si Thaddeus! Nadagdagan na naman ang atraso sa akin ni Thaddeus.

"Miss, okay lang. Ganyan din kami ng boyfriend ko kapag LQ kami. Yung lalaki hinahanap mo, bumaba na ng building.", sabi nung babaeng kumalabit sa akin na itago natin sa pangalang Kathryn Bernardo dahil siya ay menor de edad palang at hindi pa maaaring isiwalat ang tunay niyang pangalan at pagkatao. Hanudaw?

"Ay ate, hindi ko yun boyfriend. Alalay ko yun. Pinasweldo ko na kasi tapos hindi ako sinusunod. Diba? Nasaan ang katarungan doon?", pagpapalusot ko.

"Hahahaha! Ginanyan ko na rin yung boyfriend ko, sinabi ko family driver namin siya and iba yung sinabi ko tungkol sa kanya but in fact, LQ talaga kami. Tsaka, paano naman magiging alipin ang isang Student Councelor?", sabi nung babae. Napanganga na lang ako. Psyc major ba to?

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon