Chapter 3 // May sasabihin ako

3.9K 157 55
                                    

 Chapter 3

 May sasabihin ako

 

*** 

Nang mapatingin ako sa kamay niya, napansin niya ito kaya tinanggal agad niya ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko.

"Wag ka muna bumaba, may sasabihin pa ko." ang sabi niya.

Hindi na ako tumuloy sa paglabas ko ng sasakyan kaya isinarado ko na ang pinto at umandar na ulit ang kotse. Nakalayo na kami sa pinagtigilan namin kanina pero di parin umiimik tong si Mark. Lakas din ng topak no? 

"Ano bang sasabihin mo? Pwede bang pakibilisan dahil inaantok na ko." Ang sabi ko naman pero di pa rin niya ako pinansin. Hay naku, kung hindi lang importante sakin yung makinis kong balat  baka kanina pa akong nakatalon dito sa pinto kahit umaandar pa ang kotse. Kaasar kasi talaga. 

Medyo inilapit ko ang aking ulo at ikinaway kaway ang aking kamay, "Hello? Jupiter? Nasa Earth ka pa ba? Hello? Helloooooo?" Pangaasar ko at sa wakas! Bigla na siyang lumingon. 

"Pwede bang wag mo kong tawaging Jupiter. Ang pangit pakinggan kapag ikaw ang tumawag. Mark na lang. Mas sanay ako."

"At bakit naman? Di ba Jupiter ang tawag nila sayo? Edi Jupiter ang itatawag ko sayo."

"Eh ano?! Mark nga sabi ang itawag mo sakin!"

"Ayoko nga. Di ako pauso no!!"

"Wala kong paki kung maging pauso ka basta Mark ang itawag mo sakin."

"Ano ko sira?! Jupiter ang tawag nila sayo tapos ako Mark? Baka sabihin nila, nababaliw na ko."

"Oo, sira ka at Oo, nababaliw ka na. Kaya Mark lang ang itatawag mo sakin!"

"Hindi ako sira at lalong hindi ako baliw kaya Jupiter ang itatawag ko sayo!"

"Mark ang itatawag mo sakin sa ayaw at gusto mo."

"Ano ba talaga ang problema mo! Gusto mong maiba ako. Bakit? Para mapahiya ako? Para asarin nila ko? Para sabihan nila akong pauso? Para sabihang feeling close sayo? Para inisin nila ako? Bullyhin? Ano?!"

Hindi siya umimik at ibinaling na lang ang kanyang tingin sa may bintana. Tss! 

"Ano?! Hindi mo na naman ako kakausapin? Tatanga na lang ako dito? Hindi ka na naman magsasalita? Para na kong mababaliw dahil sa importante mong sasabihin na iniintay ko naman. O baka naman wala naman talaga-"

"Di ba ex kita?" tapos tumingin siya sakin habang nakasmirk! Yung para bang nangaasar na ewan.

Natigil ako bigla. Di na ko nakapagsalita. Umurong ang dila ko. Natuyo ang lalamunan. Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko. Bakit ba kasi sobrang straight forward naman nung tanong niya. Nakakahiya! Nahihiya akong sagutin ang tanong niya kaya lumingon ako sa may bintana at hindi ko siya binigyan ng sagot.

Ilang minuto rin na walang nagsalita samin ni isang letra.

"Gusto kong ibalik ang dating tayo." Bigla tumigil ang mundo ko sa mga salitang narinig ko. Dahan  dahan ko ng ibinaling ang aking tingin sa kanya. Nakatingin rin siya sakin pero di siya nagsasalita. "Hay, kung pwede lang sana akong bumalik sa kahapon, sana.." muli niyang ibinaling ang tingin sa may bintana.

It's Complicated with My Ex and My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon