Requiem
(c) berlstephendutosme
Ngayo’y nakatayo ako sa kung saan lahat ng mga alaala ay muling nabuhay sa aking ulirat.
Sa aking harapan ay kitang-kita ko ang aninong minsan ko ng hindi maaninag.
Sa aking harapan ay kitang-kita ko ang buhok niyang nahuhulog sa kanyang mga mata at ang buhok niya na siyang hinahangin.
Mga mata niyang singkintab ng diyamente, ang mala-porselana niyang balat ay nabibigyang buhay sa pagtama ng sinag ng araw.
Ngunit, hindi ko alam – lahat ay pawang imahinasyon ko lamang.
Bumalik agad ako sa katotohanan na ang namumukod-tanging babae na minahal ko bukod sa aking ina ay sa piling na ng may likha – wala na siya sa piling ko, sa piling naming naiwan niya, pumanaw na siya at ang tanging naiwan niya sa mundong ibabaw ay tanging mga alaala kasama siya.
Heto ako ngayon sa isang burol na may puno ng Narra at mga sangay-sangay ng kung anu-ano mang bulaklak, lahat bumabalik sa aking diwa ang mga alaala na minsa’y aking binabalik-balikan sa tuwina’y siya ang aking hinahanap.
Dito sa burol na ito nabuo ang lahat – pangarap, pagkakaibigan at pagmamahal – ngunit wala na siya, iniwan na niya akong mag-isa at doon ako nalulungkot.
Dala-dala ko ngayong ang mga sulat na iniipon ko mula nung nawala siya halos anim na taon na ang nakalilipas at ngayon ko lang naisipang bumalik sa lugar na ito dahil ngayon lamang ako nagkalakas ng loob na tanggapin ang lahat na mas nauna siya sa aming lahat.
Binuksan ko na ang huling sulat na ginawa ko kagabi lamang – sa sulat na iyon ay naibuhos ko na ang lahat ng nadarama ko, ewan ko ba kung bakit hindi ako nauubusan ng sasabihin pero sadyang maraming mga bagay na hindi ko man nasabi noon ng harap-harapan ay sa sulat ko na lang idinaan.
Binuklat ko ito at nagsimulang mag-basa. sa bawat titik na aking nalagay ay puno ng pagsusumamo ngunit may pagmamahal.
Dear Brenna,
Masaya ba diyan? Hindi ka ba naiilang sa mga taong nakikilala mo diyan? Nakita mo na ba ang mga anghel diyan? Pakisabi naman na sana bantayan ako. Siguro, naiinggit mga anghel diyan sa’yo noh? Ang ganda-ganda mo kasi eh, ang ganda mo na mala diyosa dahil sa mukha mong hindi nakakasawang tignan, yung buhok mo na nalalaglag sa mata mo, ang mga mata kong singtingkad ng diyamente kung matatamaan ng sikat ng araw, ang kulay ng mata mong sumasalalim sa buhay ko, ang balat mong mala-porsela sa ganda, ang tindig mo, ang ngiti’t tawa na gustong-gusto kong tingnan. Alam mo ba sa tuwina’y ika’y aking hinahanap? Alam mo ba nung nawala ko, hindi ko mapigilang umiyak ng iilang araw dahil hindi ako sanay na sa bawat araw wala ka man lang sa aking tabi, hindi ko mawari pero ang tanging nadarama ko ay pagsusumamo at kalungkutan. Naaalala mo pa ba yung unang araw na nagkita tayo, sampung taong gulang pa lamang tayo noon at nakita kitang umiiyak habang nakaupo sa swing sa parke, pinahiram ko sayo ang panyo ko diba at sinabihan pa kita na pahiran mo na ang mga luha mo dahil hindi magandang tignan sa isang magandang batang babae – doon, doon ako unang nahumaling at nahulog sayo. Natatandaan mo pa rin ba na sa burol na ito, dito lagi tayong naglalaro? Ang saya-saya natin nun. Nakalipas ang mga araw at ang mga buwan na tayo’y naging magkaibigan, lalong umalab ang pag-ibig na nadarama ko sayo. Noong unang tumuntong tayo sa high school, maraming nagkakagusto sayo at sa isang tabi naman ako’y hindi umiimik dahil na seselos ako. Natatandaan ko pa na nadapa ka sa canteen ng paaralan at natapunan mo ako ng mainit na inuming tsokolate – hindi ka noon nagsorry, tinawanan mo lang ako at sabay peace sign sa akin ngunit ang kinagulat ko ay nung bumulong ka sa tenga ko ng mga katagang “Mahal Kita”, hindi mo ba alam kung anong nadarama ko? Tinding kilig ang bumalot sa katauhan ko dahil sa unang pagkakataon ay sinabihan mo akong mahal mo ako. Natatandaan ko pa rin nung sobra kang nagmamadali na umuwi at lumabas ng paaralan dahil ang crush mo noon na gitarista ng isang banda ay papauwi na at dadaan sag awing direksyon kung saan din tayo umuuwi. Naabutan natin siya at nung binanggit niya pangalan mo at kinamusta ka niya, kitang-kita ko na masayang-masaya ka pero hindi ko pinakita na nagseselos ako. Yun ang unang pagkakataon na umiyak ako dahil sayo – dahil nasasaktan ako. Dumating ang pagkakataon na tayo’y tumuntong sa ikalabinlimang taong gulang, doon dumami pa ang mga lalaking umaaligid sayo kabilang na doon ang dati mong crush ang gitarista, ang crush mo noon na muntik mo ng sagutin kahit isang linggo pa lang ang panliligaw niya sayo – siya yung basketbolista at ngayon ang tanga mong bestfriend na minamahal ka ng buong puso’t kaluluwa ngunit hindi mo man lang maramdaman. Dumating din ang panahon nung una kang nagkanobyo, akala mo masaya ako? Masaya nga sa panlabas pero alam mo ba na dinudurog-durog ang puso ko. Yung un among nobyo na basketbolista at sabi mo tunay na pag-ibig na iyon. Hindi ako sumang-ayon dahil ang bata pa natin para malaman mo ang kahulugan ng habangbuhay at tunay na pag-ibig. Selos – yun ang tanging nararamdaman ko dahil nawawalan ka na ng oras sa akin dahil sa relasyon niyo nahumigit kumulang apat na buwan ay nag-iisa na lamang ako tuwing recess at lunch lalong-lalo na tuwing uwian. Hindi ko rin makakalimutan nung tinawagan mo ako ng hatinggabi para sabihan lang ako na hinalikan ka ng nobyo mo – punyemas, sana ako ang unang halik mo, sana ako lang ang unang minahal mo pero imposible dahil para sayo isang di hamak na kaibigan mo lang ako na pwede mong takbuhan kung may problema ka. Alas tres ng ika-siyam ng Hunyo, tinawagan mo ako, umiiyak ka, walang mga salita ang nanggagaling sa iyo, puro paghikbi na puno ng kalungkutan at galit. Sabi mo hindi siya naging tapat sayo dahil nakita mong may kahalikang iba ang gago na iyon. Isang linggo bago umiyak sa sakin sa telepono, nakita ko na lang ulit kayo na masaya at ramdam ko na nakipagbalikan ka sa kanya. Tinapat na kita na nagmumukha ka ng tanga- alam mo ang tanga mo, nagmumukha ka ng gaga pero pilit mo paring isinisiksik ang sarili mo sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo dahil grabe talaga ang tama mo sa kanya. Mali yata si Kupido sa pagtama sayo ng kanyang palaso. Nahantong pa kayo sa isang relasyon na nagpapakatanga-tangahan ka habang ang nobyo mong gago kung wala ka, nakikipaglandian sa iba. Ilang beses ko ng sabihin sayo ang nakita ko pero nagalit ka pa sa akin dahil sabi mo sinisiraan ko daw siya sayo. Gusto kitang iuntog sa dingding alam mo yun? Dahil tanga ka, ang tanga-tanga mo. Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap nung umuulan ng malakas noong ika-sampu ng Setyembre, malakas ang pagkakabagsak ng ulan at natutulog ako noon sa condo unit ko. Pinagpag mo ng malakas ang pinto. Alam kong may problema ka noon dahil nagkaaway kayo ng gago mong nobyo. Pinagbuksan kita at nakita kong gula-gulanit ka na, mga dugong dumadaloy sa iyong mga paa, mga punit-punit mong damit, ang hindi maipintang mukha mo at ang nakalugay mong buhok. Kinutuban ako pero hindi ako nagtanong. HInagkan mo ako at naiyak sa aking bisig. Hindi ka tumahan at patuloy pa rin ang pag-iyak mo. Makalipas ang iilang minuto ng iyong paghikbi. Nagsalita ka. Nagulat na lang ako sa nakakawindang at nakakabagabag na rebelasyong isiniwalat mo sa harapan ko – na ginahasa ka, na pinagsamantalahan ka. Biglang tumulo ang mga luha ko at napaluhod sa harapan mo. Hindi kita nabantayan ng maigi, mas inuna ko pa ang selos ko dahil mahal kita higit pa sa kaibigan kaysa maging kaibigan mo lang. Hinagkan kita at kitang-kita ko sa iyong mga mata na natatakot ka, na galit ka sa kanya. Humingi ka ng tawad sa akin dahil sa hindi mo pagkinig sa aking mga sinasabi. Tumawag ako ng pulis para bantayan ka. Pumasok tayo sa paaralan na may nakabantay na mga pulis sa ating mga tabi. Kung saan ka pumunta, nandoon din ako para may tagapagtanggol ka kung sakaling gagawin niya ulit ito. Ika-labingwalo ng Setyembre, ang araw na parang binagsakan ako ng langit at lupa. Sabi mo magbabanyo ka lang at sumunod na rin kami ng mga pulis pero syempre sa labas lang kami. Kinabahan ako nung narinig kitang sumigaw para humingi ng tulong pero huli na ang lahat – nakita ka naming nakabulagta sa sahig, duguan, punit-punit ang damit habang nakatambad sa amin ang demonyong pumatay sayo – ang nobyo mo. Pinaputukan din ang pumatay sayo at bulagta rin siyang nakahandusay, duguan at hindi maalis sa mukha niya ang mala-Santanas na tawa.
Ilang linggo ang nakalipas, lumipad ako kasama ang pamilya mo at ang bangkay mo patungong Europa dahil doon lahat ng mga kamag-anak mo kahit alam kong Pinoy ka. Doon ka inilibing. Natatandaan ko pa na nagbigay pa ako ng eulohiya sa misang inialay sayo. Hinatid ka na naming lahat sa iyong huling hantungan. Habang ibinababa sa hukay ang iyong katawan ay hawak-hawak ko parin sa aking bisig ang litrato mo. Inilapag ko yun kasama sa kabaong mo. Naglagay kami ng paborito mong bulaklak – ang mga puting rosas. Ngayo’y nakalagak na ang iyong katawan sa ilalim ng lupa, umalis kami na mabigat ang puso naming lahat. Patuloy pa rin ang pag-iyak ko pero kailangan kong tanggapin.
Alam mo ba Brenna na mahal na mahal kita? Sa sulat ko na lang idadaan lahat. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hintayin mo ako diyan ha? Pakakasalan kita sa langit at doon mo malalaman ang tunay na kahulugan ng panghabangbuhay na pag-iibigan. Mahal na mahal kita, Brenna.
Nagmamahal,
Brent, ang masugid mong bestfriend na may lihim na pagtingin sayo.
Itinupi ako ang mga liham at inilagay sa isang silidlan. Nakita ko ang mga litrato ng masasayang araw nating dalawa. Kumuha ako ng kutsilyo at umukit ng bilog sa puno ng Narra na sumisimbolo ng walang hanggan kong pagmamahal sayo kahit ang pagitan namin ay langit at lupa. Alam kong hihintayin niya ako sa langit. Sa burol na iyon, mismong inilibing ko ang ibang mga sulat pero hindi ang huling liham. Inilibing ko lahat ng mahahawakang alaala. Ramdam ko ang paghalik niya sa akin dahil sa malamig na hangin na humalik sa aking pisngi. Kinuha ko ang balloon na nakatali sa bag ko at siguro handa na ako ngayon na yayain siya dahil dalawampu’t tatlong gulang na naman kaming dalawa. Kinuha ko ang isang maliit na kahon, itinali ko ang sulat at inilagay ko ang singsing sa loob ng envelope na may liham ko para sa kanya.
Alam kong hihintayin niya ako at ako naman ay maghihintay. Sa muli nating pagkikita mahal kong, Brenna.
Umalis na ako na may saya sa aking puso at pag-asa na sa bandang huli – magmamahalan kami sa langit ng walang hanggan.
BINABASA MO ANG
Requiem
Teen FictionAno ang gagawin mo kung ang tanging mahal mo ay wala na sa piling mo? Ipagpapatuloy mo pa ba ang pagmamahal mo sa kanya o bibitawan mo na lang ang pangakong mamahalin siya habangbuhay?