Kailan?

57 3 0
                                    

isang tanong ang laging nsa isipan

isang tanong na hindi malaman ang kasagutan

kasagutan na hangad kaagad makamtan

kailan ka muling magigisnan?

ngayon ay dina kita makakasama

dahil sa piling mo ay iba na

buhay lagi sa aking alaala

ang pagmamahalang pinagsaluhan nating dalawa

ang muling magisnan ka ay inaasam-asam pa rin

makita ka lang muli at aking makapiling

ngunit kung ito'y hindi ipagkait ng panahon sa'kin

ako'y patuloy pa rin na aasa sa muli mong pagdating

hindi man ako ang nasa piling mo

sa dalangin ko'y di ka mawawaglit

kaya't sa'yo ay aking ipapangako

hindi ka lilimutin kahit ni isang saglit

Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon