[FINALE'S FIRST HALF] XXVIII - Heartstrings

300 3 0
                                    

 

[FINALE’S FIRST HALF] XXVIII – Heartstrings

"Kyaaa~!!! Ang sweet nyo talagaaa.. What a perfect couple!" tuwang-tuwang sabi ni Eunice after kong ikwento ni Ces yung nangyari kagabi.

Yeah, kung itatanong niyo, YES! MAY LOVE LIFE NA ANG KAIBIGAN NAMING SI CES!

"Oo nga teh! Pakasal na kaya kayo? Hahaha!" – ani ko. Aaminin ko, sobrang saya ko for Ces at alam kong ganun din ang nararamdaman ni Eunice.

"T-teka? Nakinig kayo?" – Ces. Eh? Ano’ng ibig sabihin niya dun? May bagay ba na di dapat namin malaman?

"Don't worry teh.hindi naman talaga kami nakinig pero alam namin na nakakakilig naman talaga yung nangyari sa inyo kagabi." –Sahchi. Si Sahchi nga pala ‘yan na actually Cath ang real name niya. Nakakatuwa nu? Parang… may pumalit sa pwesto ni Bru! Kasi alam niyo, magka-ugali din sila somehow. Pero.. iba pa rin talaga si Bru. Hayahay. Namimiss ko na naman yun.

"ah, buti naman! O ikaw naman Hya. Kamusta na kayo ni Manesca? Sinagot mu na?" tanong naman ni Ces. Kung naguguluhan kayo, si Jeremy ang tintutukoy nila. Nasanay na rin sila na yun ang itawag kay Jeremy. Oo nga pala, may atraso pa ko dun sa tao.

"Eee. Ayun nga e. Nagtampo ata sakin. "

"Hala girl. Anyare?" tanong ni Sahchi.

 "E, ewan ko dun. Wala naman akong ginagawa e. Bigla na lang syang naging ganun.."

 "Hay nako teh. Kulang lang sa lambing yan." -Eunice

 "Nice Eunice! Gumaganooon!!" sabay na sabi ni Sahchi at Ces

 Nagtawanan kaming apat. And ayun, mukhang naisip na nila na okay na ko.

Well, I couldn’t actually say na okay na ko. Nagdaan ang 2 months ng summer vacation at eto ngayon college na nga kami. Sure, mahirap pala talaga ang college nu? Lalo na’t accountancy pa ang kinukuha naming tatlo nila Eunice at Ces at to think na sa UST pa kami nag-aaral! Hayahay. Buti nga nakakasurvive pa kami. Yeah… at sa loob ng mga araw na ito, walang naging paramdam sa’kin si Xander kahit isang beses.

Malinaw na napag-usapan namin ng Judges isang araw na, dapat ko nang ibaon sa limot lahat ng namagitan sa’min ni Xander at dapat si Jeremy na ang pagtuunan ko ng pansin. And yeah, pumayag ako sa kasunduan dahil ayun na rin sa tingin ko ang dapat gawin. Dapat… tama, dapat gawin.

Kahit hindi ko gusto.

Pero kailangan ko ngang gawin yun dahil, si Jeremy aaminin ko gusto ko na rin naman siya ng higit sa isang kaibigan. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang lalaking ni minsan hindi ako iniwan? Sa lalaking buong pusong nagmamahal sa’kin at walang sawang naghihintay.

May tampuhan nga pala kami, kagabi kasi inaway ko siya. Nakita ko kasi siyang may kasamang ibang babae. Yeah sige na, nagseselos na kung nagseselos. Oh diba? Magandang sign ‘to na gusto ko na talaga si Jeremy.

Pero sana lang… dumating na din yung araw na mahigitan na niya sa puso ko si Xander.

Easy lang kayo. Hindi niyo naman ako masisisi kung hindi ko pa rin siya makalimutan eh. Sadyang, mahal na mahal ko lang talaga yung tao.

“You and me, forever.”

Hindi ko pa siguro makalimutan ngayon pero, sana dumating na yung tamang panahon na makalimutan ko na nga siya.

---

Hay. 2 weeks na ulit ang nakalipas pero… hindi pa rin kami ayos ni Jeremy. Hayahay! Anebeeeyeeen! Hindi pa rin ba niya naiisip kung bakit ko siya inaway? Hindi ba niya naisip na nagseselos lang talaga ako?? Naman oh. So ngayon, ako pa dapat ang gumawa ng move para makapag-ayos kami? HA?

MOVING CLOSER by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon