TULA 5: Bumalik-balik, Inisip-isip

104 13 8
                                    

Bumalik ako sa mall

sa bahaging kinaroroonan

ng mga instrumentong pang-musika

kung saan

doon kayo

unang

nagkitang

dalawa


Aking natanaw

sa aking balintataw

walang iba

kundi siya

at ikaw


Nasaan na kaya kayo ngayon

pagkalipas ng isang taon?

Kayo na ba?

Kayo pa rin ba?

Sana


Sana kayo

Sana kayo na

Sana kayo pa rin

Hindi magkalayo

Magkapiling


Subalit

bumabalik

pa rin

ang mga alaala niya

ang mga alaala ko

ang mga alaala

naming dalawa

Magkasama

Masaya


Iniisip ko pa rin siya

Paano ko ba

makalilimutan

ang aming nakalipas

na hindi parehas

ng isang CD

na habang tumatagal

ay nagagasgas?




Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon