--- I don't wanna waste it, don't wanna waste it
I don't wanna waste it, don't wanna waste it
I don't wanna waste it, don't wanna waste tonight ---Umiiyak noon si Anna at si James naman ay iniwan ng gf niya. Iyak ng iyak noon si Anna kaya narinig siya ni James na tahimik lang. Pumunta sa kabilang panig si James at inalukan niya si Anna ng panyo. Kinuha ito ni Anna. Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan.
Ilang araw ang nakalipas ay naging mas malapit na sila sa isa't-isa. Nagkaaminan sila pero may balita na sinabi si James na dumagundong sa buong pagkatao ni Anna. Aalis si James papunta sa States. Iniwan niya si Anna pero may pangako siya.
Ilang taon ang nakalipas ay bumabalik pa rin doon si Anna sa puno na pinagtagpuan nila ni James. Naalala niya ito at nagsimula na siyang umiyak at napaupo na lang siya.
May nag abot sa kanya ng panyo. Pagtingin ay kamukha lang ito ni James. May inabot ito sa kanya na sulat at umalis na ang lalaki. Binasa niya naman ito.
Mahal kong Anna,
Pagnatanggap mo ito ngayon ay maaring wala na ako dito sa mundo. Pasensya na kung hindi ko ito nasabi sayo. May sakit ako. Sakit sa puso. Pero mukhang wala na akong pag-asa pa. Sana mapatawad mo ako. Basta Sorry dahil hindi ko nasabi. Alam kong mag-aalala ka saakin pero ayaw ko.MAHAL NA MAHAL KITA.......
Nagmamahal,
James