VIEEL'S POV
Isang taon ang lumipas at ito, masaya naman sa piling ni Ethan. Sa totoo nga walang araw na hindi niya ako pinapasaya. Ewan ko ba. Parang may iba na sa'kin simula noong gabi na umuwi siyang late. At hindi ako makatulog. Typical wife I must say.
It's already 12am. At hindi pa rin siya nakakauwi! Tatawagan naman hindi sumasagot. Hindi ba niya alam na nag hihintay ang asawa niya dito at hindi makatulog sa kakaisip?
Nanatili pa rin ako sa salas namin at hinihintay siya. Sa loob nang limang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi na ako nasanay na wala siya parati sa tabi ko. God! Hindi ako pwede magpuyat ngayon! May activity pa school namin bukas.
Tumayo ako at sumilip sa bintana namin ng pumarada ang sasakyan nang mabuti kong asawa. Narinig kong bumukas ang main door ng bahay namin. At nanatili akong nakatalikod sa kanya. Alam ko papalapit na siya sa likuran ko pero hindi ko pa rin siya nililingon.
"Honey..." niyakap niya ko mula sa likuran. Pinaghahalikan ang leeg ko. Tapos ako pakipot pa rin. Ano siya hello para bibigay ako agad? Papakipot muna ako mga 2 minutes. "Ano ba!" Pumiksi ako at humiwalay sa kanya. Akmang susundan niya ako pero pinigilan ko siya. "Stop there, Ethen Peter!" Tumigil naman siya. "Honey...."
"Huwag mo akong ma honey-honey diyan kung ayaw mong isaksak ko sa ngala-ngala mo tong vase na katabi ko!" Pagbabanta ko sa kanya. "Ano? 'Wag mong hintaying tanungin kita, sagot agad!"
"Errr...nagkayayaan kasi yung college batch ko. Despidida kasi n'ong ka batch namin, hindi naman ako makatanggi..." inismiran ko siya. "Di ka man lang tumawag o nag text man lang na gagabihin ka nang uwi, piso lang 'yun! Mayaman ka naman. O wala ka bang mga kamay?!" Huuuuuu, relax Vieel.
"Vieel, honey.. sorry na." Sorry mo mukha mo!
Pagkatapos n'ong gabing iyon, doon ko lang nalaman na deep inside in my heart, naka-ukit na siya sa puso ko. Isang linggo ko siyang di ini-imik n'on. Kaya pagkatapos nang isang linggong away namin, nagbago na siya. Halos sego-segundo na siyang nag te-text. At hindi lang 'yun, tumatawag pa. Ewan ko ba, gusto kong maiinis. At the same time, kinikilig ako.
"Good morning."
Naramdaman ko si Ethan na yumapos sa likuran ko. Hindi alintana sa hubad niyang katawan. We make love, yes. Noong una, hindi talaga ako komportableng makipag-sipping sa kanya. Pero kalaunan, natatagpuan ko na lang ang sarili kong sine-seduce siya.
"Ang lalim naman ata nang iniisip mo." Hinarap ko siya. "Hmmm? Morning too, loves." Bati ko sa kanya. Niyakap niya ako at siniksik niya 'yung mukha niya sa leeg ko. Kinikiliti ako. Jusme!
"Ethan, I'm still sore."
"Hmmmm, na miss kasi kita." Sabi niya habang pinaghahalikan ako sa leeg. Na miss daw, halos malumpo ako sa pagiging superman niya hanggang mag bukangliwayway.
"Ethan, nagugutom na ako.. fill me up." Bigla siyang tumigil sa pag aalipusta sa leeg ko, tinignan ko siya na parang tinuboan ng limang ulo. Anong nangyari sa isang 'to?
Kinuha niya 'yung kumot namin at pinulupot sa katawan niya. "Vieel.. alam kong baliw na baliw ka sa alindog ko. Pero.." Ha? Ano raw?
"Hindi ko naman ipinagdadamot-"
"Hep! Stop there." I cut him abruptly. Atsaka ano raw?
"Ethan.. ang ibig kong sabihin pakainin mo ako. 'Yung totoong foods! Hindi ko sinabing ikaw!" Lumaki ang mga mata niya na kala mo aatakihin sa puso. "Ano?! Pakakainin mo ako o hindi?"
BINABASA MO ANG
TBNB: Chasing Vieel (Casper Cabije Story Book1)
RomanceTBNB [mustread] The Boy Next Backdoor is not a typical highschool hearthrobs, a cassanova kings, the noturious gangsters, or they're not even the young and a cute ones that you've dreaming of. They are not a prince in a fairytale, this is not a magi...