************
"Rose. Rose." Iminulat ko ang aking mga mata ng makaramdam ng marahang pagtapik sa aking balikat at nang marinig ko ang mahinahonh tinig ni Anthony. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata.
"Hm?" Tanong ko dito.
"Saan bang kanto yung bahay niyo?" Tanong nito habang nagd-drive. Papunta kami ngayon sa bahay namin sa probinsya. Puro tulog lamang ang ginawa ko buong byahe. Dala na rin siguro ng pagiging buntis ko.
"Paglagpas mo ng tulay, kumaliwa ka." Yun lamang ang nasabi ko sa kanya, dala na rin ng sobrang pagtulog ay tula wala pang laman ang aking utak upang magproseso ng kung anong dapat isipin.
"Alright." Sinunod ni Anthony ang sinabi ko. Tulala lamang akong nakatingin sa daan. Nang lumiko ito pakaliwa ay itinuon ko na ang atensyon ko sa kanyang direksyon. Napakunot noo ako ng may nakaparadang itom na kotse sa harap mismo ng bahay namin.
"Woooh. Parang kilala ko ang kotseng 'yan." Wala sa sariling sambit ni Anthony sa ere kaya napalingon ako dito.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko dito.
"Look at the plate number." Pagsagot nito sa akin. Tumingin ako sa plate number nito. Bukod sa mismong plate number may symbol pang nakalagay sa gilid nito. Like, I don't get it. Ipinarada niya sa likod ng kotseng it ang kotse niya.
"Let's go." Utos nito. Nakita ko ang pagseseryoso nito at ang pagpapawis. Ngayon ko lamang nakitang kabado si Anthony ah?
Hindi ko na inantay na pagbuksan niya ako ng pinto. Lumabas na ako at nauna sa kanya. Sumulyap ako sa itim na kotse at ni wala akong makita doon. Tinted ito.
"Rosalia!" Sigaw ni Aian sa akin. Kapag talaga naging parte ng buhay mo ang isang tao, kilalang-kilala mo na ang boses nito. Ngumuso ako ng may pagkairita.
"Oh?" Asik ko dito. Naka-kunot noo akong sinalubong ito. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Anthony.
Sa likod ni Aian ay may babaeng papalapit dito. Kumunot pa lalo ang noo ko. Diana.Hindi ko alam pero parang naiinis ako. Siguro parte ito ng pagbubuntis ko.
Ngumiti si Diana sa akin ng makalapit na ito ng husto sa kintatayuan namin. Nasa gitna kami ng daan. Ngumiwi ako sa kanya.
Nawala na sa awra nito ang pagiging palaban at kaharutan. So Aian will be the one to tame the tiger huh?
"Hi." Mahinhin nitong bati.
"Pasensya ka ba Diana ha? Pero anak ko ngayon ang kaharap mo." Ngumiti ako ng matamis sa pagiging sarkastiko ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga nata niya. Siguro ay nahihiya siya sa mga pinag-gagagawa niya noon. Well, wala na sa akin 'yon.
"A-Anak?" Nanginginig niyang tanong saka sumulyap kay Aian na ngayon ay pinagpapawisan na. Napabunghalit ako ng tawa at tumingin kay Anthony na ngayon ay nakangisi. Buti naman at hindi slow 'tong si Anthony.
"Not what you think." Wika ko habang tumatawa pa din. Napangiwi lamang siya at napayuko.
"Mas bastardo pa kay Aian ang ama nito!" Tumawa ulit ako at nag-peace sign sa kanila. Ayan! Tanggapin niyo lahat ng moodswings ko!
Natigil ako sa pagtawa ng may narinig kaming tumikhim.
Nilingon namin siya at kumunot ang noo.
"Sir Anthony, ano pong ginagawa niyo dito?" Tumingin ako sa lalaking nilapitan ni Anthony na hinila niya palayo sa amin.
Nakasuit itong itim at sosyal na sosyal ang datung. Parang mga datingan ng mga tauhan nila Julius.
Lumapit si Aian sa akin at bumulong.
"Ayan yung matandang laging nagpupunta sa bahay niyo. Kilala ng kasama mo?" Nagtatakang tanong nito. Umiling ako dito.
"May kasama pa yan sa loob ng kotse Rose. Pero mas mabigat ang awra. Parang iyon yung boss niya." Dagdag pa ni Diana. Tumango lamang ako at prinoseso ang lahat. Saka ko naisipang lapitan ang kotseng itim sa tapat ng bahay namin. Tumapat ako sa binatana ng passengers' seat. Yumuko ako at kinatok ang tinted nitong salamin. Nag-antay ako ng ilamg sandali bago kumatok ulit ngunit hindi pa rin lumalabas ang taong nasa loob noon.
"Rose, what are you doing?" Tanong ni Anthony na papalapit sa akin.
"Kakausapin ko lang ang may-ari ng kotseng ito." Paasik kong sagot kay Anthony. Tila nagulat ito sa paraan ng aking pananalita. Please bear with my rudeness.
Umiling si Anthony. Umiling din ako dito at muling kinatok ang bintana ng kotse. May narinig akong nag-click at pagbukas ng pinto sa kabilang side ng kotse. Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang lumabas sa loob ng kotse. Pigil ang hininga ko habang nakatitig lamang sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon naming nagkita ganoon pa rin ang awrang ibinibigay niya sa akin.
"Tito Roryo." Agad bati ni Anthony dito habang papalapit ito sa amin. Hindi niya pinansin ang pagbati sa kanya ni Anthony. Bagkus, ikinagulat namin ang biglang pagyakap nito sa akin at paghagulgol sa aking balikat.
"Ah.. Sir, may problema po kayo?" Nagtataka kong tanong dito. Hindi siya nagsalita. Suddenly, a feeling trigger on my chest. The feel of longing someone you love. Hindi ko alam, pero napaiyak na din ako. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit pati ako naiiyak.
"A-Anak..." Mas lalong nabasag ang boses nito ng binanggit ang nag-iisang salitang nagpatigil sa paghinga ko. Unti-unti kong ninamnam ang sinabi niya. Nang rumehistro ito sa akin ay napapalatak na lamang ako at umiyak na din. Hindi ako makapaniwala.
"Paano po?" Hindi makahingang tanong ko sa matanda. Halo-halong emoosyon ang naramdaman ko. Galit, takot, inis at sakit.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman.
"Come with me and I'll tell you." Marahan niyang sagot sa akin ng bumutaw na ito sa pagkakayakap.
Sandali akong nag-isip habang pinapahid ang mga luhang walang habas kung pumatak.
Tumingin ako kay Anthony. Humihingi ng payo. Tumango lamang ako. Tinignan ko sila Aian na gulat sa pangyayari.
"Kay Anthony po ako sasakay." Yun lamang ang naisagot ko sa kanya. Tumango ito at agad pumanhik sa kanyang kotse. Mabagal ang lakad ko patungong sasakyan ni Anthony. Unti-unti kong pinoproseso ang mga pangyayari.
Matutuwa ba ako o malulungkot? Sumakay ako ng pinagbuksan ako ni Anthony ng pibto. Agad itong umikot sa driver's seat at agad ding ini-start ang makina saka sinundan ang kotse ni Mr. Panganiban.
"Totoo pa ba 'to?" Basag ang boses kong tanong kay Anthony.
"Welcome to your world." Sagot lamang ni Anthony at nginitian ako. Tila... tila alam niya ang mga ito.
"Alam mo?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong dito. Ngumiti lamang siya.
----
A/n: Here's the update. Thank you for patiently waiting lol. Enjoy reading!Xoxo doll_eye
BINABASA MO ANG
His Bed Warmer (MS)
General Fiction"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha. I've been wreck because of you. So you should too. --- July 2015 - May 2017.