Mabuti lang talaga malabo mga mata ko..... baka MAS MASAKIT kung makita ko SILA nang malinaw...
*~*~*~*
Nandito ako sa park.
Nagmamasid sa kung saan-saan.
Ewan ko ba kung bakit palagi kong nakakalimutan na dalhin yung glasses ko tuwing namamasyal ako mag-isa.
Kung sa bagay nakakaya ko pa naman na makita yung paligid.. 'pag sa malapit lang.
Umupo ako sa isa sa mga bench ng park.
May nakikita akong mga batang naglalaro sa malaking plaza ng park. Ang saya-saya nga nilang tignan.
May mga magsing-irog din akong nakikita.
Pero may isang tao nakatawag pansin.
Kahit malabo 'tong nakikita ko, alam kong SIYA yun.
Walang iba kundi ang taong MAHAL ko.
Kaso may iba siyang kasama.
Nagkabalikan na pala sila.
Buti talaga MALABO MGA MATA KO.
Nang patayo na ako, may isang likidong dumapo sa lupa.
Tumingala ako. Wala namang ulan.
Hindi naman ang langit ang umuulan... ang mga mata ko.
Napapunas nalang ako sa pisngi ko.
Lumakad nako papalayo.
Papalayo sa nararamdaman kong sakit.
Akala ko kahit malabo 'tong mga mata ko. Hindi na ako masasaktan.
Akala ko lang.
WELCOME to my #WHOGOAT world!! *insert confetti* Maraming maraming salamat sa bumasa nito. I hope you like it :) Please vote and comment :)
Ps: sino po sa inyo magaling mag-gawa ng cover?? PM me pls kasi walang talent po ako sa mga ganyan. Salamat din po :)
BINABASA MO ANG
Blurred Vision
Short StoryWarning! Ang storyang ito ay puno nang kahugotan. Kaya pagpasenyahan ang inyong Author ^^v