6:00 pm...
"Gabi na pala? Kailangan ko nang umuwi at baka pagalitan pako nila papa at mama.", napatingin siya sa kanyang relo habang kumakain sila ng kanyang girlfriend.
"Ayy? Hhhmm...kakabitin naman!?", napahinto sa kanyang iniinom nung narinig niya yun.
"Pasensya na babe eh...kailangan ko munang umuwi...alam mo naman sila mama."
"Mama's boy ka talaga!? Tsk!." Bigla siyang nagpout at nang-asar.
"Hay! Hhmm sige next time na lang...mas mahaba time natin...promise ko yan....okay?"
"Talaga?", kumikinang ang kanyang mga mata.
"Oo babe...sorry I have to go.", sabay kiss sa pisnge bago umalis.
"Mag-iingat ka sa pag-uwi ah? Baka makagat ka ng aso! Hahaha!", sinigaw niya habang papalayo si Vin.
Biglang kumunot ang kanyang noo. Tssss! Nang-asar nanaman! Oo na alam ko na takot ako sa aso...makaalis na at majackpot pa ko nila mama...di pa nila alam na may GF ako.
"Sorry babe! I love you!", pero di siya pinakinggan nito at umalis agad.
Ilang oras ang nakalipas sa Coastal Road. Nasa byahe pa rin si Vin....
"Hay! Ang haba lagi mg byahe ko....lagi na lang ganito tapos ang layo pa ni Shaine sakin? Di ko pa siya matira...gusto ko siya makasama kahit isang gabi at alam na hihihi!" Nag-imagine siya ng sandaling kalibugan.
BOOM!
"What the heck!? Ano yun!!!" Napatingin siya sa bintana at binuksan niya ito para mas makita niya ang banggaan ng mga sasakyan. "Shit! Bakit may banggaan?"
Huminto ang mga sasakyan at nagsilabasan ang mga pasahero para tingnan ang insidente kasama si Vin.
"Bumaligtad na truck? Halos hinarang niya ang buong kalsada! Kainis naman!" Nakita niyang sira ang center isle na nagsisilbing dalawang lane ng mga sasakyan. "Nanggaling siya sa kabilang lane? That's insane! Ano ba nangyari sa driver ng truck nato? Nawala ba siya sa control kaya siya bumangga?"
"Tingnan niyo! May tao sa ibabaw ng truck!", may sumigaw na isang lalaki nang makita siyang taong buhay pa mula sa truck. Nilapitan niya ito upang tulungan. "Sir okay lang kayo? Ano po nangyari?"
Walang response yung tao na yun.
"Sir?...", may naramdaman siyang malagkit sa kamay niya nang hinawakan niya ang braso nito. Nagsimula siyang natakot nang makita niya ang mukha nito. "Ano ka ba!? Monster!", dahil sa takot ay napaupo na lang ito sa sahig.
Tumingin ang halimaw sa lalaki na takam na takam at bigla siyang kinagat kagat nito.
Nakita ng ibang pasahero ang pangyayari kaya nagsitakbuhan silang lahat.
"Bakit kayo tumatakbo!?", nang makita ni Vin na nagkakagulo ang mga tao. May hinablot siyang isang pasahero. "Ano nangyari? Bakit kayo tumatakbo?"
"Ma..may...zombie!!!", sa sobrang takot bigla tong takbo.
"Hey! Di pa ko tapos magtanong!? Ano sabi niya? Zombie?"
BOOM! Sumabog ang tanker sa likod ng truck dahil may laman ito ng oil at gas. Tumama kay Vin ang impact ng sabog kaya napahiga siya.
"Aray! Di ko napansin na biglang sumabog.....huh!", nakita niyang maraming naglalakad na mga zombie sa daan at unti unti na silang nilalapitan nito. Walang nagawa at nginginig sa takot si Vin habang pinapanood ang mga tao na kainin ng mga ito.
Bakit ganoon? Di ako makagalaw? Dahil ba ito sa impact? O dahil...takot lang ako? Ano ba mag-isip ka naman Vin!!
May papalapit na isang zombie sa harapan niya....di pa din gumagalaw si Vin ng mga oras na iyon. Hinawakan ang kanyang paa at bumalik ang kanyang diwa, "The fuck!!! Bitawan mo ko!!!", pilit niyang sinisipa papalyo ang zombie pero masyado mahigpit ang pagkakapit nito. Kumuha siya ng bakal na katabi lang niya. "Take this!", tinusok niya sa mukha ang bakal sabay takbo. "Kainis! Bakit ba nangyayari to sakin!?....huh? Ayun! May sasakyan...sana mapaandar ko!", buti na lang may susi ang sasakyan na nahanap niya, kaagad niyang pinaandar ito at umalis sa lugar na iyon.
"Hay! Buti na lang nakaalis nako...kailangan ko ng umuwi para mag-evacuate...hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari ngayon."
Hindi niya ang alam ang gagawin sa ngayon pero pusigido siyang umuwi para iligtas ang kanyang pamilya mula sa mga halimaw na tinatawag na zombie.
BINABASA MO ANG
Cannibal Rampage
AdventureFun to read, much to recommend, such story. Gore content is inapplicable. Wow! - Doge/Cate