Iyak lang ako ng iyak sa kwarto ko.
Sa totoo lang these days, hindi ko na masyadong naiisip si Giann. For what reason? Hindi ko alam. Pero palaging pre-occupied ang utak ko kay Yaelle.
Don’t get me wrong.
Wala akong gusto sakanya. Sadyang napapasaya lang niya ako. Yun lang yun. Although nabiyayaan naman talaga ng angkin kagwapuhan at talent, the perfect package sa madaling salita.
And speaking of Yaelle, siya nalang ang tatawagan ko.
But turns out,
*Yaelle calling ..*
He’s the one calling me now.
“Yaelle.”
Sabi ko.
“Ssshhh. Tahan na. Nandito lang ako.”
Thankful talaga ako.
Yaelle came at the very right time in my life.
Iyak lang ako ng iyak sa phone.
Wala talaga kami yung conversation na nag-uusap talaga. Pinapakinggan niya lang ang pag-iyak ko.
Parang baliw lang no?
Iniisip ko nga baka tinatawanan na ako ni Yaelle ngayon.
Nung medyo okay na ako,
“Yaelle, thank you kahit puro pag-iyak ko lang ang narinig mo hindi mo padin ako binabaan.”
Pagpapasalamat ko.
“Okay lang yun no. Para saan pa’t kaibigan mo ako.”
Sabi naman niya.
Ewan ko ba. Bigla nalang akong napangiti.
“Anyway, pwede ka pa bang lumabas at this time? Tara. Labas tayo.”
Pagyaya niya.
6:30PM na.
Okay pa naman siguro.
“Magpapaalam lang muna ako. Itext nalang kita.”
“Oh sige. Sunduin nalang kita kung sakali mang mapayagan ka.”
“Sige.”
*call ended*
Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba. Ayoko namang makita ako ni Mommy na mukhang baliw dahil sa sobrang pag-iyak ko.
Nagpaalam ako at napayagan naman ako. Kaya eto ngayon, nagpapaganda ako. Haha.
*beep beep*