01 | Seventeen

892 40 7
                                    

Khaleesi

5:30 na ng umaga ako nagising ngayon. Medyo napa-aga ng ilang minuto pero okay lang naman. Tutal eh, medyo mahaba haba ang morning routine ko. Bumaba na ako para mag-almusal pagkatapos. Simpleng pancake lang naman ang almusal ko ngayon. If not pancake, sandwich. Binilisan ko na din na kumain para maka-ligo na ako.

Kung tatanungin niyo kung may kasama ba ako sa bahay? Oo. Si Wonwoo hyung. I know I should call him "Oppa", but I prefer using "Hyung" more. Matanda lang siya sa akin ng siguro 2 o taltong taon? Nag-aaral din siya pero hindi na siya sa high school.
Si hyung at ang ilang mga maids lang ang kasama namin sa bahay. Bakit? Dahil una, si Dad ay madalas na nasa trabaho. Minsan out of the country for business. O di kaya'y out of town.

Si mommy naman? Matagal nang nasa langit. Siguro mga 5 or 7 ako? Ang alam ko ay nagka-sakit siya kaya napaaga ang alis nya sa mundo. Hindi ko na matandaan dahil hindi ko na tinatanong si daddy at baka malungkot pa.

Pagkatapos ko maligo at mag-ayos, ay bumaba na ako pumunta sa school. Asa namang mag co-commute ako. Heller? Syempre sasabay ako kay hyung. Lagi niya akong hinahatid tuwing umaga dahil sabay kami. Pero kapag uwian naman, nilalakad ko nalang since medyo malapit lang.
Syempre dapat kapag maaga laging fresh ano! Okay lang kapag uwian na pero kapag umaga? No way.

"Hyung!"

"Oh, you're finished?" sabi niya pagka-upo ko sa passenger's seat.

Tumango lang ako. Nag-simula na siyang mag-drive at after some minutes, naka-dating na din ako sa school.

"Thank you, hyung!" sabi ko.

"Mhm, study hard ah? Umuwi ng maaga."

"Ne~ Annyeong!" kumaway nalang ako sa kotse niya hanggang sa maka-alis na.

At on cue, dinumog nanaman ako ng mga girls. As always, wala namang nag-bago simula noong nag-transfer ako dito.

Baket kamo? Huh.

"EONNIEE SASABIHIN MO NA BA NGAYON?"

"TAMANG PANAHON NA BA EONNIE??"

"JEBAAL, KAHIT FB LANG! HUHU"

"ANG GWAPO NIYA TALAGA EONNIE!"

"NAG-BREAK NA BA SILA NG GIRLFRIEND NYA?"

"PWEDE NA BA AKONG SISTER IN LAW MO?"


See? Ang kamandag ni hyung. I, thank you. Bow.

Bumuntong hininga ako.

"Girls, unfortunately, sila pa din ng girlfriend nya." I lied.

Nagsi-Aww naman silang lahat. Nauna na akong mag-lakad papuntang room at as usual madami na kaagad na tao. Umupo na ako sa upuan ko. Maya maya pa dumating na ang lokaret 'kong best friend since birth.

"BHEEE ASDFGHJKL WHERE HAVE YOU BEEN?"

"Utut mo Aphrodite, nauna ako sayo dito."

Sya si Aphrodite Kim. Kasing edaran ko lang. Magbestfriends na kami simula bata pa lang. Pati ang kuya namin mag-kaibigan din. May kuya siya. Mingyu Kim ang pangalan, best friend ni hyung at kasing edaran lang din. Gwapo din promise! Buti at di siya hinahatid dito, kundi nako. Dinudumog na din yan si Aphrodite.

"Tsk. Nauna ka pala, pasensya. Di ako na-orient."

Nag-simula nang magsi-datingan ang iba naming ka-klase nang may biglang nagsi-tilian sa corridor.
Don't worry, sanay na kami. Dumaan lang naman yung Seventeen sa corridor namin. Malamang kasi pupunta sila sa sari-sariling room nila.

Sino sila kamo? Alam niyo yung grupong F4? Parang ganon. Grupo sila ng mga gwapong lalake or should i say campus heartthrobs. Hindi sila flower 4 kasi ang dami nila. F10 sila guys, flower 10. Binubuo sila Vernon, Seungcheol, Dino, Hoshi, Minghao, Jun, Seungkwan, Joshua, Woozi at Dokyeom ang members ng Seventeen. May isa kaming ka-klase dyan, si Joshua. Yun lang, ka-klase ko siya. Pero never ko pa yan naka-usap.

Pumasok si Joshua sa room namin, at syempre never mawawala ang mga fangirls. Ayun, dinumog nanaman siya.

"Kapag gwapo nga naman." sabi ko.

Napa-tsk lang kaming mag-kaibigan.

"Oh Khal, ano nang ganap?"

"Huh?"

Khal at Ditey ang tawagan namin. Ang haba naman kasi ng mga pangalan namin.

"Wala pa rin ba si Mr. Right?"

Pfft.

"Loka."

Kahit 16 na ako, wala pa rin akong nagiging puppy love. Although nagkaroon ako ng mg past crushes.. noong nasa elementary ako. Pero crush lng talaga as in inspiration na tumatagal lang siguro ng 3 or 5 weeks? I'm not sure.

"Seryoso, wala 'pang dumadating? Matatapos ka na sa high school Khal, wala pa din? TIBAY. Kahit puppy love manlang di mo maranas-ranasan."

May point sya. Pero,

"Hindi naman ako naghahanap eh, dadating nalang yan. At WOW, so ikaw may boyfriend na? Ganon?"

"Edi wow."

Bigla namang dumating yung adviser namin. Nagsi-upuan naman kaagad yung mga ka-klase ko.

"Good morning class, i have an announcement."

Tahimik lang kami kasi nakakatakot 'to ma-beast mode.

"We have a transferee."

Bigla namang nagsi-bulungan. Mostly girls.

"Okay, Mr. Yoon? You may come in." sabi ni Miss.

At first i was just focusing on staring at the view outside the window since my table is beside the classroom's window.

But then the girls started squeeling, even Ditey.

I suddenly got curious and faced in front.. only to see a medium length-hair guy, smiling.

I was shocked.

And for the first time in 16 years, i think i felt my heart... skipped a beat.

--x

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon