We Just Broke Up. [One Shot Story]

767 14 6
  • Dedicated kay Frnz O.
                                    

A/N: Well, this was supposed to be a monologue, but yeah lol :) vote, comment, like, fan whatever, mapapasaya ako ng kahit ano jan, basta maramdaman ko kayo. Haha :) Loveeeee ♥

                                                                     _______________________

We just broke up

6 pm na. Isang oras na lang. Ano, pupunta ba ako o hindi? Ayaw kong pumunta kasi.. nahihiya ako. Nahihiya akong ipakita yung sarili ko sa kanya. Ang sigla sigla niya, ang saya saya, samantalang ako lugmok na lugmok pa rin sa mga pangyayari. Ayaw kong pumunta kasi hindi ko alam kung anong iaakto ko sa paligid niya. Kinakabahan ako na bawat galaw ko mapansin niya. Baka malaman niyang mahal ko pa siya. Ayaw kong pumunta kasi.. ayaw ko siyang makita.

Pero yun din yung dahilan ko kung bakit ko gustong pumunta. Dahil gusto ko siyang makita at, oo, mahal ko pa siya. Mahal na mahal. Gusto kong makita ulit yung magaganda niyang mata, yung makinis niyang mukha, yung mapupula niyang labi. Yung maganda niyang boses. Gusto kong makita yung babaeng kinababaliwan ko. Gusto kong malaman niya yung nararamdaman ko para sa kanya. Gusto kong.. gusto kong maging kami. Ulit.

Tinanong ko siya kung pwede kaming magkita ngayong Sabado, walang pasok, sa may resto dito malapit samin, 7pm. Isang oras na lang. Kung hindi ako pumunta, baka magmukang duwag ako. Kaya nga pala gusto kong makipagkita, dahil hindi na matiis ng loob kong itago lahat ng nararamdaman ko, lahat ng nangyaring totoo.

Limang araw nang nakakalipas simula nung.. nung naghiwalay kami. Limang araw pa lang, pero parang nakamove on na siya. May mga umaaligid na sa kanyang mga lalaki, pero meron siyang isang lalaking laging kasama. Ang totoo niyan, simula nung naghiwalay kami, naramdaman kong parang buong isang taon na naging kami ay niloko niya lang ako. Na hindi niya talaga ako minahal, at binoyfriend niya lang ako para sa popularity, o pagyayabang lang. Yun kasi ang sabi nila sakin.

Masakit isipin, pero wala akong magagawa. Mahal na mahal ko siya.

Hindi lang babae ang niloloko. Hindi lang babae ang pinaglalaruan. Hindi lang babae ang niliigawan para may maipagmayabang. Hindi lang babae ang ginamit. Ako, ako ang buhay na patunay.

Varsity player ako, basketball. Pero hindi ako matangkad. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami raming babae ang nakapagstatus na sa FB na mahal na mahal nila ako. Hindi ko nakikita dahil di naman nila ako tinatag, pero sinasabi ng ibang tao sakin. Oo, maraming nagkakagusto sakin, magaling daw kasi ako sa studies, magaling sa basketball at amgaling mag drawing.

Magaling ako sa basketball dahil yun ang passion ko. Hindi ako magaling mag drawing, maayos lang at mas maganda kung icocompare sa iba, at masipag lang ako mag aral, hindi para magpasikat pero mahal na mahal ko ang nanay ko at yun ang sabi niya sa akin. Ang mag aral ng mabuti, kaya hindi ako nagloloko sa pag aaral di tulad ng iba kong kateam. Sinasabi ko sa nanay ko ang lahat ng nangyayri sakin, pati yung part ng buhay ko na maraming nagkakagusto sakin. Sabi niya, kapag may babaeng nagkalakas ng loob na itag ako sa FB status nya at sabihing gusto niya ko, yun daw yung babaeng naniniwala siyang may gusto talaga sakin.

Kaya isang araw, tulad ng normal na araw, may nakita na naman ako sa News Feed ko na sinabing ang gwapo ko, ang gwapo ko mag laro, ang galing kong mag drawing, ang galing ko sa Physics, at merong mahal na mahal daw ako. Kalokohan. Pero sa lahat ng Status na yun, may isang nakakuha ng atensyon ko. Yung isang status na nakita ko rin sa notifications ko.

“May isang lalaking nagpapatibok na ng puso ko. Hindi niya ko napapansin dahil ang taas taas niya, hindi ko kayang umupo na lang at habang buhay na mangarap na maaabot ko siya. Nalaman kong kelangan kong mag effort. Kaya ngayon, sinasabi ko sa buong mundo, sa lahat ng taong kakilala ko. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si @Dylan Ludovice.” Status ng isang babaeng nagngangalang Yumi Arasawa.

We Just Broke Up. [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon