PART 14

151 6 0
                                    

dahil mahal ko kayo. yan ang picture ni Seth sa gilid.---->

FELICITY's POV

kahit pala masungit tong si Angelo, mabait din pala to pag dating sa mga bata. hehehe

andito na kami sa entrance ng subdivision.

"sige Angelo salamat sa pag hatid, dito na lang. nakakahiya naman sayo."

syempre noh, naabala ko na nga sya e.

"tsk, hindi mo man lang ba ko papainumin ng Juice? matapos mong ipakuha ang chuckie ko, ganun ganun na lang. tsaka hihintayin ko pa yung Big bike ko. pinakuha ko pa e."- sungit ni Angelo noh.

=___= di talaga sya maka get over sa pagkawala ng Chuckie nya. ang sarap sana nyang tawaging Chuckie Monster kaso baka masapak ako nito. hahaha

pero kahit masungit to at laging seryoso. nakakatuwa pa rin dahil may cute side pa din sya. at yun ay ang pagkahilig nya sa Chuckie.

kaya ayun naglakad na kami papunta sa bahay nila Trinity.

ang tahimik namin walang nagsasalita.

ay may gusto nga pala akong malaman.

"ahmm. Angelo pwedeng magtanong?"

".. nagtatanong ka na nga e." -__-

"=__= sungit (bulong ko). bakit nga pala ayaw mong tawagin kang Gian, ang ganda kay---"

"alis na ko." tapos nag lakad na sya paalis.

ano ba yun kala ko ba gusto nya ng Juice?? (o_o)7

ANGELO's POV

ayoko ng pagusapan ang mga bagay na yun. tuwing may tatawag sakin ng Gian naaalala ko lang "sya"

ang babaeng di ko nagawang ingatan.

ang babaeng, nasaktan ng dahil sakin.

ang babaeng walang masamang ginawa pero sya pa din ang nagdusa sa huli.

si "Gilliana Abigail Perez"

sya si Yana, ang kapatid ko.

*FLASHBACK*

"kuya, tsk sabi naman sayo na wag ka na makikipagaway e diba."-Yana

masungit na sita sakin ni Yana. habang dala dala ang First aid kit at dalawang Chuckie para saming dalawa.

ibinigay nya sakin ang isang Chuckie at inumpisahan ng gamutin ang mga sugat at bangas ko.

"di naman ako nakikipag away baby e, di ko na nga sila pinan--aww dahan dahan naman"

"didiinan ko pa yan e. tsk kuya naman e. dito ka na nga lang sa loob ng bahay. wag ka ng lalabas. *pout*"- Yana

high school ako nun masyado akong lapitin sa gulo.

maangas daw kasi ako e. ewan ko sa kanila.

tahimik lang naman ako. lagi ko lang kasama nun sila Seth at Julius. sila lang namang dalawa  ang maingay e.

sabi nung mga gumawa nito sa mukha ko, inagaw ko daw ang girlfriend ng leader nila.

tss. mga panget nga naman. wala naman akong panahon para sa mga babae na yan.

"oh ayan kuya tapos na. makipagsuntukan ka ulit ha. ako na talaga susuntok sayo. magpahinga ka na.akin na yang lalagyanan ng Chuckie, sipsip ka pa ng sipsip e ubos na yan. laway mo na ang nasisipsip mo dyan e. kadiri ka. " -Yana

The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon