[FINALE'S SECOND HALF] XXXIX - Fate is now making its move.

326 2 2
                                    

[FINALE’S SECOND HALF] XXXIX – Fate is now making its move.

Authors’s POV

Pasensya na dahil inangkin na masyado ni Hyacinth ang mga POV. Wel, sige hayaan na lang natin tutal, last chapter na ito before epilogue then yosh! Tapos na ang moving closer. Hahaha. Pero mamaya na natin ituloy’to sa author’s note. Balikan na muna natin si Hya.

Hawak-hawak na ngayon ni Hyacinth ang sulat na ginawa ni Xander. Yun pa yung sulat nung first time nilang magpunta dito sa Subic. Yung kauna-unahang pagkakataon rin na naamin ni Hya sa sarili niya na gusto at mahal niya si Xander. Ang tanong lang, siya nga lang ba ang nakarealize nun nung mga panahong iyon? ;)

 

Dear Hyacinth,

 

~There is a door where I am standing

Without a key, without a clue

Without you, I am wondering

Wondering about you~

 

Unang una, gusto kitang icongratulate dahil sa wakas, nagkabati na kayo ng best friend mong si West. Alam kong maluwag na ang loob mo ngayon dahil wala ka ng dinadalang mabigat at masaya ako para sa’yo.

 

Napangiti si Hyacinth. At nawika sa sarili na, “Salamat, Xander.”

Ngayon na katabi kitang nagsusulat rin, alam kong hindi mo ko napapansing tumitingin-tingin sa’yo. Hanggang sa napapangiti na lang rin ako dahil nakikita kong nag-eenjoy ka diyan sa sinusulat mo. Napapaisip tuloy ako, ano kayang isinusulat mo? Ayan oh, ngumingiti ka na naman. Hindi ko alam ung bakit pero, gusto ko sana ako lang ang dahilan ng bawat pag-ngiti mo. Ang selfish ko ano? Nakakainis. Haha. Pero ganito ata talaga kapag may gusto ka, gusto mo ikaw lang ang nakikita niya, gusto mo ikaw ang dahilan ng bawat pag-ngiti niya, gusto mo ikaw lagi ang nasa isip niya. Kaakibat nga siguro ng love ang selfishness. Did you read between the lines?

 

Between the lines? Inisip muna ni Hya kung ano’ng ibig sabihin ni Xander at napangiti siya sa nabasa niya.

Sige, aaminin ko. Gusto kita Hyacinth. Gusto ko na kita noong una pa lang kitang makita. That moment nung pinaupo ako ni Cher Ryan sa tabi mo nung first day ko sa school natin, nung nakita kitang nakakunot ang noo mo dahil siguro ayaw mo ko makatabi, napangiti ako nun and naging interesado na din talaga ko agad sayo. Simula nun, inaasar na kita kasi ang cute mo maasar eh. Natutuwa ako masyado. Di mo lang siguro napapansin pero, lagi kitang pinagmamasdan ng palihim at sa tuwing nahuhuli mo ko, pinagbibintangan mo pa nga akong nangongopya sayo. Sabi mo pa, kinokopya ko yung nasa utak mo na sagot sa recitation. Doon ko narealize na may pagka-sayad ka, pero joke lang ah. Haha. That moment, narealize kong masyado mo na kong pinapasaya na pati hanggang sa pagtulog ko, ikaw ang nasa isip ko. Ako yata itong baliw eh nu?

 

“Baliw nga!” nawikang muli ni Hya sa sarili. Masaya ngayon ang pakiramdam ni Hyacinth. Lalo niyang napatunayan na noon pa lang talaga ay gusto na siya ng lalaki. With that thought, she can’t help but smile.

Pero seryoso, gusto kita Hya. Gusto ko ang bawat ngiti mo at pagtawa hanggang sa narealize kong gusto na lagi kitang protektahan. Naisip ko lang na sana napapansin mo lahat ng ginagawa ko sayo. Sana ako ang nakatulong sayo para maging maayos na kayo ni West. It’s because you’re happiness is also mine’s. Ganito talaga siguro kapag gusto mo ang isang tao. Lalo’t nagugustuhan ko na rin ang lahat-lahat sayo. Salamat sa pagwelcome sa’kin maging parte ng buhay mo.

MOVING CLOSER by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon