Chapter 7

22 1 0
                                    

We were enjoying our meal here at Mang Inasal when my phone vibrated. Sino naman kaya 'to?


From: Kuya

Xyra, are you guys already dismissed? Kasi possible daw na magkaroon ng aftershocks mamaya gawa nung lindol. Ingat kayo!


To: Kuya Xander

Hindi pa po kami nadi-dismiss. Magingat ka rin, kuya.


Hindi na siya nagreply at kumain na ulit ako.

"Sino yon Bestie?" tanong ni Rain sa akin.

"Si Kuya, magkakaroon daw kasi ng afterschocks mamaya, tinanong kung dinismiss na daw tayo. Eh, yung principal natin, wala yatang pake," sabi ko.

"Oh! Si Thessibomb!" sabat ni Abi.

"What? Anong Thessibomb?" tanong ko kay Abi habang natawa.

"Hahaha, diba pangalan non Thessie? Narinig ko kasi sila Leo na naguusap, yun yung tawag nila sa principal."

"Oo nga! Ang funny ng name eh, Thessibomb!" sabi ni Rain.

Tumawa na lang ako at nagpatuloy sa pagkain, nang biglang lumapit si kuyang extra rice.

"Ilan po, Mam?" tanong niya kay Abi. Maybe this girl called him. Hmmmm. I must admit it. He's handsome.

"Isa lang kuya, stick-to-one ako eh, hehe," sabi ni Abi sabay kindat. Nginitian lang siya nung serbidor.

Hindi na kami humingi ni Rain ng extra kasi busog na kami sa dalawang kanin.

"Pang-ilan mo na ba yan? Ha? Nakakaawa ang Mang Inasal sa'yo."

"Pang-apat na yata."

Hindi namin napansin na napatagal pala ang pag-kain namin doon, biglang tumunog ang relo ni Abi.

"Ano ba yan! It's so noisy! Pakipatay naman oh," sabi ko kay Abi habang nakain pa rin siya.

"Teka, eto na," pero pagtingin ni Abi sa relo niya ay nanlaki ang mata niya at parang gulat na gulat.

"Why?" tanong ni Rain.

"Girls, it's one o'clock!" sabi niya.

"Ohmygod, I don't want to sing!" sabi ni Rain.

"Ako din naman," baling ni Abi samin.

A very brilliant idea struck my mind.

"Girls, tara na lang sa MegaBitez!" masiglang sabi ko. Para silang nabuhayan sa ideya kong 'yon.

"Tara't mag LOL!" sabi ni Abi.

"Let's go! Na-miss ko na maglaro!" sabi naman ni Rain.

Binilisan namin ang pagkain at umalis na sa mall.

After ng mga 30 mins na byahe, narating na namin ang MegaBitez. Sa loob din to ng Sappyhra Ville, ang subdivision namin nila Abi, Rain, at nung kambal.

Hindi pa kami nakakapasok, nagmamadali na yung dalawa sa loob kasi kanina pa daw sila nasi-CR. Tsh, alam ko namang gusto lang nilang malaman kung andyan ba yung kambal.

Medyo malayo ang pinaradahan ni Rain kaya naglalakad pa lang ako papunta doon nang bigla akong nahilo.

Para umiikot yung paningin ko at sumasakit ang ulo ko. It feels like my head is ripped into two. Ang namalayan ko na lang ay tuluyan na akong bumagsak at may sumalo sakin.

"Miss! Miss! Ok ka lang ba? Gising! Mi--"

I feel dizzy. Naramdaman kong nakaangat ako sa lupa at nang malaman ko na may nagbubuhat pala sakin ay medyo nainis ako. Naamoy ko ang pabango niya and it's good. Pero nang nakita ko ang pagmumukha nito, pinaghahataw ko siya at pinagsisigawan.

A Moment to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon