KAILAN. (a OneShotStory)

92 0 2
                                    

 my first one shot story.

well kalokohan ko na naman umaandar eh hahaha

yung sa gilid na picture kamukha ni ETHAN KO. echos hahaha

pakinggan nyo na rin ang kantang KAILAN by MYMP

please READ and COMMENT..

thanks. mwah

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“KAILAN, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim,

Kahit anong aking gawin di mo pinapansin,

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin,

Kahit anong gawing lambing di mo pa rin pansin.”

Ito. Ito ang kantang gusto kong kantahin sa harap nya. DATI.

Ang lyrics ng kanta, tamang-tama sa lahat ng mga salitang gusto kong itanong sa kanya.

Kung may lakas lang ako ng loob, siguro nagsisigaw na ako sa harap nya.

Pero yan sya, parang hinihigop ang lahat ng lakas ko kaya wala akong magawa kundi ang matahimik at titigan lang sya hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Hindi naman ako inlove sa kanya eh pero bakit ganun na lang ang epekto nya sakin, simula pa nung grade six ako at hanggang ngayon 3rd year college na ako iba talaga nagagawa nya sakin. Hindi nga ba talaga ako inlove sa kanya?

Well. Ewan. Di ko alam ang feeling nun. haha

“dito mayron sa puso ko

Munting puwang laan sayo

Maari na bang magpakilala?”

Maaari na ba? Pwede na ba?

Ilang taon na, kilala mo na ba ako? Ako kasi kilala pa rin kita.

Sa ilang taon na yun, ilang ulit akong nawalan ng pag-asa sayo pero bakit ganun bumabalik ako sa dating bata na naamaze sayo.

Ilang taon na, pano kaya mawawala yung paghanga ko sayo? Nakakatanga na eh.

Yan ang mga naiisip ko NOON simula ng makilala ka.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~FLASHBACK~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Grade six ako nun, Transferee student ako. Oo ngayon ko lang naisipan na magtransfer sa kadahilanang hmmmm akin na lang yun hehe.

Hindi sa pagmamayabang pero lagi akong……………..

LATE. HAHAHHA

At dahil sa late ako, eto at nagmamadaling tumakbo. Na naman. Lagi na lang. maaga akong pumapasok kapag  first week lang ng klase dahil pagkatapos nun lagi na lang ako late at mangyayari na naman ang lagi kong pagtakbo.para akong sasali sa isang marathon buti na lang di ako masyadong inaasthma.

Takbo ako ng takbo nun kung saan nakapila ang mga kaklase ko, sabi kasi nila ang mahuhuling wala sa pila ay mapaparusahan ng teacher o di kaya nung mga tao sa SSG. (School Student Government)

kaya naman ako kahit sino na ang nakakabangga dahil sa pagtakbo ko, wala akong pakialam di naman nila ako kilala eh, haha transferee kasi ako, tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa may isang taong nakakapagpatigil sa akin sa pagtakbo.

Hindi nya ako hinila, ni hindi sya nakatingin sa akin, dalawang tao lang ang nasa pagitan namin kaya di naman nya ako nakikita pero sya nakikita ko. Nakapila sya sa likod kung saan ako dumadaan ngayon. Ang pagkakaseryoso ng mukha nya, ang tinititigan ko. Mukha nya lang talaga ang nakikita ko, medyo matangkad kasi sya. Tapos nakahawak pa sya sa strap ng bag nya. Ang cute nga eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAILAN. (a OneShotStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon