Gandang di mo inakala,
iyan ang sabi nila
sa tulad kong walang nakaka-alala.
Noon,walang nakakapansin sa akin
dahil isa lang akong ordinaryo.
Hindi ko sinasabing extra ordinaryo na ko ngayon
pero talagang malaki na ang ipinagbago ko.
Malay ba nila,
na para akong perlas,
sa panget kong kinalalagyan
nagtataglay ang hindi matawarang kagandahan.
Sinuman sa atin
wag lang lalaitin
dahil sa pangungutya ng iba
maaaring lumabas
"ANG GANDANG DI MO INAKALA"