AUTHOR’S POV
Readers eto po ay special chapter ng love story nila Kara and Zane siguro kilala niyo naman po sila diba? Si Kara ay bestfriend ni Steph at si Zane ay ang brotherlalu ni Dane na ating gwapong Casanova, okay, ang pangyayaring eto ay nangyari noong nakita ni Zane si Kara na kasama si Ken si Ken Jude Villarosa po ha?! So let’s see kung may mga katanungan kayo wag kayong tamaring mag comment at mahiyang mag comment okay hindi ko kayo kakainin busog pa ko. But eniwiys eto na nga very special chapter ng love story nila KARA MELANIE LEE and SWEN ZANE PARK.
Kara’s POV
Naiiyak ako pero may nararamdaman akong masamang kutob na may mangyayaring masama ngayon ewan ko ba dito sa Zane na to pasalamat siya eh natitiis ko siya.
Heto kami ngayon ang tahimik na nakaupo sa upuan ng kotse niya, hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin, namagitan samin ang sobrang katahimikan. Bakit ba siya nagagalit sakin na nakikita niyang kasama ko si Ken argggh palagi na lang siyang possessive this past few days fiancé ko lang siya at pareho naming alam na napilitan lang kami pero bakit masaya siya? At bakit parang mahal niya ko?
Aissssh napakamot ako sa ulo ko, tinignan ko siya habang nagda-drive nakafocus lang siya sa daan at nakikita ko ang galit sa mga mukha niya, pero bakit? Sa sampung taon ba niyang nawala ganun parin yung nararamdaman niya? Pero hindi pwede sabi ng Mommy niya sakin naka-move on na siya.
Ginagawa ng lalaking to ako ng baliw.
“Za…Zane a…ano san mo ba ko dadalhin? Ka..kasi ano hi..hindi naman dito ang daan papunta sa bahay ni Lolo.” Tanong ko sakanya ng nauutal, kyaaa nakakatakot siya palagi pag nagagalit siya, namiss ko siya sa sampung taon ba naman kaming hindi nagkita tapos bigla bigla siyang dadating sa buhay ko
Hindi siya sumagot sakin, instead focus parin siya sa pagda-drive.
Bago ko makilala si Steph at Reash, nauna kong nakilala si Zane or should I say Zen talaga ang tawag ko sakanya nagkakilala kami nung 5 years old ako nung dinala ako ni Mommy sa bahay nila kasi magbestfriend sina Mama at yung Dad ni Zane, Zen yung naging tawag ko sakanya kasi hindi ko mabigkas ng maayos yung pangalan niya noon na Zane sabi ng Mom ni Zane (Zhayn) daw ang pagbasa nun, hindi ko masabi yung Zane eh kaya naging Zen.
Hindi ko alam pero tuwang tuwa si Zane nung tinawag ko siyang Zen sabi niya ganun lang daw mas cute eh, pero nag promise ako sakanya balang araw na masasabi ko rin yung pangalan niya. Natawa siya nun hinamon niya pa nga ako pero ang kinalabasan eh Zen parin.
Siya yung naging super bestfriend ko, halos pagdikitin na namin ang bahay namin, Makita lang namin ang isa’t isa araw araw eh, hmmm tumagal ng limang taong ang pagkakaibigan namin, pero unexpected ang lahat ng pangyayari nung 11 years na kaming dalawa. May naampon na bata yung Mommy niya, ang cute nung baby.
Pero isang araw, naabutan ko na lang ang sarili ko na umiiyak sa park kung saan dun ang tambayan namin ni Zen, sa swing niya ko tinutulak araw araw pagkauwi namin galing sa school. Umiiyak ako kasi nung magkikita na kami sa park, sabi ko itulak na niya ko dun sa swing. Pero bigla niyang sinabi na ‘ayoko na sayo, ayaw na kitang maging kaibigan’ gulat na gulat ako sa narinig tumakbo siya agad nun kasama ng limang van na may dalang mga bagahe
At ayun nalaman kong magma-migrate na sila sa Canada kung saan andun yung Lolo at Lola niya. Sobra akong nainis nun napuno ng galit ang puso ko sa murang edad ng dahil sa kaibigan, sinabi niya noon na mahal niya ko, sinabi niya na hinding hindi niya ko iiwan. Tapos makikita ko na lang siya bigla sa school namin. Alam kong nagulat siya nun kasi nabanggit ko yung pangalan niya ng maayos na Zane talaga at hindi na Zen. Patunay yun na talaga hindi ko pala talaga siya nakalimutan.
Pero ngayon malalaman ko na lang na ipinagkasundo na kami ng Lolo naming dalawa, at ngayon eh mag-fiance na kami. Namiss ko siya sobra pero nangingibaw parati ang galit sa puso ko kaya naiinis ako sakanya.
Kahit isang salita galing sa nakaraan wala kaming pinag-usapan kahit konti, walang ni isa samin ang gusting ungkatin ang nangyari sa nakaraan. Simula noon natakot na akong makipag kaibigan ng lalaki kasi noon binubully ako ng mga babae kaya lalaki lahat ng kaibigan ko at isa dun si Zen, pero ngayon babae na lahat natatakot na kong magtiwala o kaya’y makipag kaibigan sa lalaki.
“Kara mag-usap tayo?” O_O si Zane na nakayuko, binuksan niya kasi yung pintuan sa gilid ko kaya nakikita ko siya ngayon nakayuko nga lang
Tumango ako at sumunod sa kanya, napansin kong nandito kami sa sea side restaurants ng Manila Bay. Ang lakas ng simoy ng hangin, nakaupo kami ngayon sa sea wall.
Naupo siya dun kaya sumunod ako, andito kami banda sa walang maraming tao.
“Kara alam mo ba sinabihan ako ng mga Lolo natin na pag napapayag kitang magpakasal o di kaya’y kahit makipagkaibigan lang tulad ng dati, lalakihan daw nila ang mana nila satin, pero pag hindi ipapadala ako sa Canada ulit kasi dun na kami pareho magtatapos ng pag-aaral ni Gabby at hanggang sa araw lang na ito ang hangganan ng pinag-usapan namin.”
ANo??? Nakayuko kaming pareho pero napatingin ako sakanya ng marinig ang sinabi niya, ibig sabihin pag hindi ako pumayag ng maikasal sa kanya na hindi labag sa loob ko aalis siya agad papuntang Canada, tsaka si gabby ang sinasabi kong kapatid nilang ampon.
Pero hindi ko pa kaya, pero naniniwala naman ako na time will heal all wounds, I believe na baka may second chance pa kami ni Zane.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang right hand niya, nagulat siya nun, pero ako ay nakangiti tsaka umiiyak ako.
“Zen!” banggit ko at bigla niya kong niyapos alam kong umiiyak na rin siya, pangatlong pagkakataon ko na to na makita ko siyang umiyak simula nung bata pa kami
“Mela sobrang namiss na talaga kita, namiss ko rin ang Zen.” Nakayakap parin kami sa isa’t isa nagdadalawang isip ako kung iyayapos ko rin yung kamay ko sakanya, pero sa huli niyakap ko na rin siya
“Me too, but Zane can we please let each other go right now? We should give ourselves a second chance. Maybe hindi pa ngayon ang tamang panahon marami pa tayong dapat gawin sa buhay natin. At masakit parin yung mga sugat na iniwan mo sakin dati.” Paliwanag ko sakanya habang pareho parin kaming umiiyak
Hindi siya umimik nakatingin lang siya sa sunset at alam kong nakikinig parin siya. Tumango tango siya dun.
“Uhm Zane do you know why sunset is more colourful that sunrise?” tanong ko sakanya, hindi siya umimik, pero inakbayan ko siya and I smiled at him, iyak lang kami ng iyak dito
“It’s an irony of life saying that, sometimes good things happen in goodbyes.” At pagkatapos ko yung sabihin niyakap ko na talaga siya, sobrang namiss ko tong betsfriend ko hindi ko akalaing lito parin ako ngayon kung mahal ko ba siya ngayon pero sapat na naman ang three years para samin diba
“Shhh I understand Mela, don’t cry I hate seeing you cry really. Alam kong nalilito ka pa ngayon kaya naiintindihan kita. But please wait for me!?” of course you dumb ass kung alam mo lang na mahal kita eh at ayaw kong sirain ang mga pangarap mo
“Sure I’ll wait for you, after three years make sure you have reach your dreams alright? I promise hihintayin kita Zen.” He wiped my tears away then kissed me in the tip of my nose then he said
“Mela good things will happen, I promise. So I think this is goodbye? I’ll see you after three years?!” I hugged him then there he go
------------------------------------------
Aish bakit hindi ako naging selfish kahit isang beses lang sana pinigilan ko na lang siya. Pero habang papalubog ang araw dito sea side naalala ko na nangako siya sakin na mangyayari ang magagandang bagay pag balik niya at aasahan ko yun.
Siguro nagpaalam nga kami sa isa’t isa pero alam kong babalik siya, dala ang mga magagandang bagay upang palitan ang mga masamang alaala noon.
I know I LOVE YOU Zen pinipigilan ko lang.
Hindi ko kayang sirain ang kinabukasan mo, I will always be here waiting for you, and waiting for the good things to happen between us. Goodbye Zane. Goodbye Bestfriend.
BINABASA MO ANG
Breaking The DJ's Heart Operation (D'Phoenix Series) {REVISING}
RomanceI started editing this story. At yung mga chapters na may equal signs katulad nito [=] ay edited na siya at pwede niyo na siyang basahin. ==== May laro ka na bang sinumulan, na dapat mong panagutan at tapusin? Will a dare make a DJ / CASANOVA fall f...