1st Piece

6 0 0
                                    

Dustin's POV
----------------------------
Note:
Kung sino man ang makakuha nito, please pakibigay sa taong ito: Lia Posadas
As much as I'd like to give this to her personally, I can't. Please try your best to find her. I know that she lives far from where you are right now. But please... I beg you... Her picture is inside the jar. Don't tell her what happened to the bus I rode. Wag niyo po sanang basahin yung nasa loob nito. I know you don't know me. Pero please lang po... kayo na lang po yung pag-asa ko. Kung sino man po kayo, I know my guardian angel will thank you someday. Thank you!
-Ianne
----------------------------
Binasa ko yung note na binigay sakin nung kapatid ko kanina.

Who the hell wrote this?
Kung sa inaakala niya ibibigay ko ito sa Lia Posadas na sinasabi niya, nagkakamali siya.
Ano siya chixx?
Hindi ako pinanganak na gwapo para lang maghanap ng nawawalang tao. Lalo na kung hindi ko kilala.

Tsaka ano bang jar yung sinasabi niya?
Tanga ba nagsulat nito?
Kitang sticky note lang to eh!
Tinignan ko yung likod ng papel para tignan kung meron man lang bang kahit na nakadrawing na jar
Pero wala naman...

"Finally Ariel happened to me
One wash cle-"
Kasabay ng pagcommercial nung TV ko sa kwarto ang pagkatok naman ng isang nilalang sa pinto ko

"Dustin anak? Mommy mo ito" -mom
"Come in mom!" -ako

Masama pa pakiramdam ko para tumayo at pagbuksan siya ng pinto kaya sumigaw na lang ako

"Ano pong sadya niyo?" -ako
Kakatapos ko lang naman magbreakfast... Anong masamang hangin ang nagdala sa nanay ko dito sa kwarto ko?

"I want to give this to you. Actually dapat nung naging okay ka pa after what happened, pero nawala sa isip ko eh. So ngayon ko lang maibibigay. Sorry anak" -mom

Speaking of jar, may iniabot sakin si mom na isang jar na pun. ong-puno ng papel na nakabalot sa loob...

"San niyo po nakuha ito?" -ako
"Kasama ito sa narecover na gamit mo after the incident. At first, inakala ko na hindi sayo ito. Kasi hindi ka naman mahilig mangolekta ng mga ganyan diba? Pero naisip ko na baka nagkakamali ako. So sinabi ko dun sa inspector na nagbigay sakin niyan na itatanong ko na lang muna sayo. Nak sayo ba yan?" -mom

Napaisip ako. Sigurado akong hindi sakin toh
Kaya kong bumili ng ilang libong jar, so bakit naman ako mangongolekta nito? Wala akong amnesia para makalimutan ko ang nakaraan. So sure akong hindi sakin yun

"Hindi mom, hindi sakin yan" -ako

"Ah oh sige, ibabalik ko na lang dun sa mga inspector baka sa iba ito." -mom

Palabas na ng kwarto ko si mommy ng tawagin ko siya

"Yes nak?" -mom

"Sakin pala yan mom! Nakalimutan ko binigay pala sakin yan ni Vincent nung araw na yun" -ako

I lied
Walang binibigay si Vince sakin na ganyan.
Pero kasi naalala ko si Ianne, yung nagbigay ng letter. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at bigla akong naawa sa kanya. Binuksan ko yung jar at nakita ko yung picture na sinasabi niyang pagbibigyan nung jar.
I don't know what's up with me

A part of me says na hayaan ko na lang kasi tutal hindi ko naman kilala yung Lia Posadas

But a part of me says that I should give it to her. Hindi ko alam kung urgent yung message na yun. Pero feeling ko importante yun.

Peste ka Ianne!
Kung sino ka man, siguraduhin mong hindi mapupunta sa wala itong gagawin ko kundi! Hay naku!

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon