Chapter 21

86.6K 878 73
                                    

Kath's POV


"Guys! May I have your attention?" Napalingon kaming lahat kay JC.


Pinagpag ko ang skirt ko dahil sa dumi nito at bumaling ulit kay Jayce.



"Pack up na tayo. Tapusin na natin to bukas. Mukhang pagod na pagod na kasi kayo eh. Linis na tayo." Sumang ayong naman lahat sa sinabi ni JC kaya nag tulong tulong kaming lahat sa pag linis.


Lumapit na ako s bag ko pagkatapos kong mag walis at niligpit ang gamit ko.


"Girl! Uwi na kami. Ano? Sabay tayo?" Sabi ni Ell nong nakalapit na siya saakin.


"Uhhh..." Tinignan ko ang oras at nakita na malapit nang mag five. 


Magsasalita na sana ako pero biglang lumapit sa Dan saamin.


"KC, sabay tayo ngayon." Tinignan ko sina Julia at kitang kita ko ang pagtaas ng kilay nila at nakakalokong tingin.


"Ahh, may kasabay ka na pala eh. Sige alis na kami ah? Ingat kayo." May bahid na panunukso sa tinig ni Julia kaya inirapan ko nalang siya. Tumawa nalang si Yen at hinila sina Julia paalis.


"Sige, magpapaalam muna ako kay Mich ah? Tapos alis na tayo." Tumango nalang ako.


Hindi talaga mawala ang ngiti sa labi ko kaya habang nagliligpit ako ay may malaking ngiti sa labi ko. Nadtnan ako ni Kats na ganon kaya todo asar siya saakin.


"Ano yan? Para kang nakahithit ng katol." Tumawa siya sa sarili niyang joke kaya inirapan ko nalang siya.


"Ewan ko sayo." Pinilit kong mag galit galitan sakanya pero hindi talaga eh, may sisilay talagang ngiti sa mga labi ko.


"Di nga, bakit ba ang laki ng ngiti mo?" Tanong ni Kats saakin. 


"Eh kasi, sabay daw kami umuwi ni DJ ngayon." Nilingon ko siya.


"Oh ano madam? Mag aasume ka nanaman?" Biglang nawala ang ngiti ko.


"Masama ba?" Umiling siya naging sagot ko.


"Alam mo ang sagot diyan." Napabuntong hininga nalang ako.


"Pipilitin kong hindi umasa Kats, promise." Tumango siya sa naging sagot ko at umalis na nong paparating si Dan.


"Anong kailangan ni Kats?" Nakakunot noong tanong niya.


"Ah yon? Wala." Kinuha ko ang bag ko at sinukbit yon.


"Di nga? Ano yun?" Umiling nalang ako.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon