[SPECIAL CHAPTER] The Way You Look at Me

303 2 0
                                    

*** SPECIAL CHAPTER ***

The Way You Look at Me

“A player will always be a player.” Nawika ko sa kanya dahil sa sobrang galit ko. Ugh! Naiinis talaga ko sa kanya! Bakit pa kasi ako na-inlove sa isang playboy eh?!

“And a childish one will always be childish.” What?

Di ko alam pero napaiyak na lang ako nang marinig iyon sa kanya. True, madalas ko namang marinig sa iba yun eh, pero masakit pala kapag sa kanya mismo nanggaling.

Umalis na lang ako. Hindi ko kaya. Hindi ko muna siya kayang makita.

Ako nga pala si Catherine Alexia Domenique. Kaklase ako nila Hyacinth, Ces at Eunice kung maitatatanong niyo lang :P. At Pasensya na pero ganyan talaga kahaba ang pangalan ko. Ewan ko ba kay mama kung bakit ganyan kahaba ‘yan -.- Sabi nila, ang ganda ko daw, simple lang rin kasi ako manamit, hindi ako marunong mag-make-up at bonus pa daw yung pagiging sobrang matalino ko to the point na kahit hindi ako mag-aral ay matataas ang nakukuha kong scores sa exam. Isa pa, mabait daw ako at napakamatulungin. Yun ang sabi nila at natutuwa naman ako dun. Actually, marami ngang nagkakagusto sa’kin pero ni isa sa kanila hindi ko pinayagan manligaw.

Eh bakit nga ba hindi ko sila pinayagan? Yun ay dahil nag-iisa lang naman ang nasa puso ko eh at yun ay si Dylan. Si Dylan na mayabang, na hindi naman ganun katalino, at higit sa lahat, playboy yun. Siguro nayayabangan na kayo sa’kin nu? -.- Sorry ha, pero pawing katotohanan lahat ng sinasabi ko. At yun nga, mahal ko yung taong yun. Yun din yung taong kaaway ko kanina lang kaya nga, eto nag eemote ako dahil nasaktan ako sa sinabi niya.

Kung tutuusin, dapat wala na kong hihilingin pa eh. I am almost perfect but I am not complete without him. Yeah, stupid na kung stupid pero sadyang mahal ko yung tao. Hindi ko mawari kung paano, kailan o saan. Basta, bigla ko na lang naramdaman na gustong gusto ko na pala siya at hanggang sa mahal ko na.

Hm, kung iisipin, siguro nagustuhan ko siya nung moment na nawitness ko kung paano niya iniligtas yung isang bata na muntik na masagasaan. Narinig ko yung mga encouraging words na nagmula sa bibig niya para tumahan na sa kakaiyak ang naturang bata. That very moment, naramdaman ko yung puso ko na biglang bumilis ang tibok. Napangiti ako, natuwa dahil narealize kong may lalaki pa pala na ganun. At bigla kong nasambit, “Gusto ko siya.”

Then the story goes on, isang araw nagkita ulit kami dahil naging kaklase ko siya. Bigla kong naexcite pa lalo pumasok. Tadhana nga naman nu? Hanggang sa naging close kami… at nagtapat ako na gusto ko siya. Tapos sabi niya, gusto niya rin ako. Everything went well naman and every second of the day na kasama ko siya sobrang saya ko. Wala na nga akong maihihiling pa, eh.

Sure, minsan nagkakatampuhan kami pero naaayos din naman ang mga yun. Kaya lang, yung kanina.. yun yung pinakamalaking away na nangyari sa pagitan namin. Nakita ko kasi siya nung isang araw na may kasamang ibang babae. Kaya, nasabi ko ang mga salitang yun sa kanya kanina.

--

“So ganun ganun lang? Nag-away na kayo ng dahil dun?” wika ni Pam.

Nandito kami ngayon sa Dorm. Yeah, dormmates kami nila Em at Pam eh. Tapos eto nga, shinare ko na sa kanila yung problema ko matapos nilang mapansin na nakabusangot na ang mukha ko kanina pa.

“Cath, bago pa kayo pumasok sa relasyon ninyong iyan, alam mo na naman kung sino talaga siya diba?” –Em

“Oo. At tanggap ko naman yun eh. Kaya lang..”

“Yun naman pala eh, alam mo na. Eh ano pa inaarte mo ngayon?”- Pam

“Nasaktan kasi talaga ko sa sinabi niya.”

MOVING CLOSER by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon