Saturday.
9 AM.
One hour early.
Yet, I AM READY.
Ace Choi, be ready ;)
"Siena!! " Tinignan ko naman yung pinagmulan ng nakakairitang boses.
Sino pa ba? Sino bang tunatawag sa akin ng Siena? Edi si Ja-Waaaaahhh!
O.O "A-Ace?"
"Yes." Saka siya lumapit at...
Waaaahhh! Hinalikan ulit ako!!!
"Punyeta ka! Ang kapal ng mukha mo! Raaaappppeee!!"
Huhuhu T.T bakit ba walang pumapansin sa akin pag sumisigaw ako dito sa bahay? Mga bwisit! Papaslangin ko silang lahat.
"Hahaha. Wala man lang pumansin." Sabi ni Ace habang umuupo. So feel at home talaga siya ha? Imbyerna to. Ako nga na MAY ARI nakatayo padin tapos siya nakaupo na?! Nakakahiya naman sa balat niya.
"Ha." Isa lang talaga. At sarcastic pa yan na tawa.
"Isa lang ang tawa mo? Hahaha."
"Bwisit ka wag mong gayahin si Neo. Wag kang magbilang ng tawa leche ka." Nanggagaya e. Psh.
"Whatever. So, excied ka yata masyado sa date. One hour early pa e."
"Mukha mo. Hinihintay ko yung isa ko pang date. Nakapila kasi kayo." Saka ako nagsmirk at umupo. Nakakahiya naman kasi sa kanya na nakaupo na.
"Date? Siya lang kaya date mo Siena." Lingon...Si Jada. Peste pinahamak pa ako.
"Haha. Ikaw ha aminin mo nalang kasi. Di naman ako magagalit e"
"Talagang di ka magagalit dahil wala kang karapatang magalit sa akin!!"
"Ang sungit mo naman. Pero okay lang haha." Tawa ng tawa gusto na yatang mag-asawa. Psh.
"Excuse Ace. May sasabihin lang ako sa kapatid kong baliw tapos pwede na kayong magpatayan este date pala. Hehe." Sabi naman ni Jada.
Kinaladkad niya ako sa kusina para malayo sa bwisita ko.
"Bakit kayo tawa ng tawa? Ako lang ba ang malungkot dito?" Takang taka kong tanong habang kumakain ng ubas. Grapes yun baka di niyo alam. Last week ko lang din nalaman e.
"Siguro misirable ka kasi. Anyway ano ba yang attitude mo?!"
"Ano?"
"Akala ko ba makikipag laro ka sa kanya ha?"
"Oo nga."
"Ah so tingin mo maiinlab yan sayo ng ganyan ang ugali mo? "
"Alam mo kaya nga ako type niyan e. Kasi ngayon lang yan nakatagpo ng magandang sexy na masungit na babae na ayaw sa kanya. Nachachallenge yan. Pero di niya alam maiinlove siya sa akin unti....unti.. Haha!"
"Sigurado ka diyan? "
"Oo kaya kung ako sayo chupi na."
Bumalik na ako dun sa sala. At itong lalaking mayabang nanonood na ng TV! Buset talaga!!
"Hoy halika na. Wag kang feeling akala mo naman sayo tong bahay."
"Di naman ako nagaangkin ng bahay ng may bahay. Isa pa may mansion ako" Sabay smirk.
"Ah so pinagmamayabangan mo ako? Gusto mo yatang masampal kita ng bolo sa mukha?!" At pinantaasan ko siya ng kilay. Bolo na din talaga di na kutsilyo.
"Grabe ka talaga. Whew. Tara na nga."
"Saan ba tayo?"
"Sa puso ko?" Aba Aba Aba
BINABASA MO ANG
When the PlayGirl Plays
Teen FictionWhat happens if the playgirl meets the playboy? may mabubuo bang love? o war? Sino ang pipiliin niya? the good boy or the bad boy? Will she take the chance and is she ready to be hurt again?