Unspoken Words

23 1 0
                                    

Prologue

"Break na kami ni Daniel." sabi ko kay Trisha sa phone.

"Oh, what's new? Ilang days yang cool-off nyo this time? 3 days?" sabi naman nya. Ito talagang bestfriend ko. Alam na alam kung hanggang kailan kami magtitiisan. Ganyan kasi kami ng boyfriend ko eh. Mag-aaway kami. Magagalit ako. Magagalit sya. Makikipagbreak ako. Kapag nagkakasalubong kami sa office, magtititinginan lang kami tapos wala na. Pero after 3 days, tatawag. Magsosorry sya. Magsosorry din ako. Laging ganyan. Ewan ko ba. Hindi naman kami ganyan nung naging kami nung high school. Siguro nagmamature talaga ang mga tao. Minsan nakakasawa na nga eh. Pero wala eh, mahal ko eh.

"Hindi ko alam Trish eh. Iba kasi ngayon. Siya yung nakipagbreak. Ewan. Pero feeling ko matagal-o siguro malabo nang maging kami ulit this time." Totoo naman eh. Yan talaga yung nararamdaman ko ngayon. Hay.

"Ganun. Sige nga. let's be open sa possibilities. Paaano kung hindi ka nga nya balikan? Ikaw ba gagawa ng first move?" Tanong nya.

"What?! Heck no! Alam mo kung gaano kataas ang pride ko! Tsaka hindi ako yung may kasalanan. Siya kaya. So, no. no. no."

"Bakit? Dati naman ikaw yung may kasalanan kaya kayo nagbreak pero siya parin yung nagbaba ng pride ah? Paano kung hinihintay ka lang niya mageffort? Sayang kayo." Sermon naman nya. Hay. Oo nga naman. Pero kasi, wala naman akong ginagawa! Ako na nga yung pilit umiintindi sakanya kanina pero ano? Iniwan nya ko dun. Sinabi nya lang na break na kami. Hindi nya manlang hinintay yung sagot ko kung papayag ako o hindi for pete's sake!!!

"Ilang beses na ba kayong nagbreak dahil sayo? No, scratch that. Lagi namang ikaw ang dahilan ng break up nyo eh. Ilang beses na kayong nagbreak?" Tanong ni Trisha ulit nung hindi na ko sumagot sakanya.

"Huh? Hindi ko alam eh. More than 10 siguro?" Wow. Ang daming beses na pala...

"Sa 10 na yun, siya lagi yung gumagawa ng paraan? Te, paano kung pagod na siya? Lahat ng tao napapagod. Lalo na kung hindi nasusuklian yung effort nila." :( I know..

"Fine. Kung tapos na, tapos na. Siguro this time wala nang balikan ang mangyayari. Makakamove-on naman ako eh. Nagawa ko nga few years ago diba? Tutal mag-oone year pa lang naman kami diba? Kaya ko naman to." Sabi ko naman sakanya. Acceptance nalang siguro.

"Hay. Ayaw talagang magbaba ng pride. Eh paano kung katulad last year? Yung bumalik sya nung nakamove on ka na?" Napaisip ako dun ah.

"Iba na ngayon. Kasi dati hindi naman ako nahirapan magmove on. Pero this time, alam kong mahihirapan ako. Pero kung babalik sya this month, fine. I'll welcome him open arms. Pero once na tanggap ko na ang lahat at nakamove-on na ko, no. Hindi na. Ganun din naman mangyayari eh. Not until he would take a bullet for me. Haha. Which is so imposibble kasi he loves himself too much." I said then I ended the call. Alam kong pipilitin nya lang akong ibaba ang pride ko. Pero No. Sawa narin ako. Tsaka eto nalang yung meron ako. Atleast diba, kapag nagkita ulit kami. I can say na hindi ako nagmakaawa na balikan at mahalin nya ulit ako. Hindi ako nagmukhang tanga. Not that pathetic like Anikka. Hahaha!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now