Hindi magbibigay ang Diyos ng problema kung di mo ito kayang sulusyonan. Kaya humarap ka nang may ngiti sayong mukha :)
Kapag may nang-agaw ng mahal mo, pabayaan mo na sila. Kasi di naman yan maaagaw kung di magpapaagaw eh. Chill ka lang. :)
Paano nga ba yung feeling na maging inspired? Siguro sa tuwing nakatingin ako sa’yo. Bakit? Napapangiti kasi ako pag nakikita ka. :D
Minsan may bumatok sa’kin sabay sabi, “Matauhan ka nga! Hindi ka n’ya mahal at ‘di na mamahalin pa!”
Nasabi ko na lang…”So, dapat talaga may batok?!”
“Pag ako nagselos, simple lang naman.
Kakausapin ko lang yung pinagseselosan ko.
Sabay bulong ng, “Distansya o ambulansya?”.
Hindi mo kailangan ng maraming chance kung willing kang magbago. Yung pagbigyan ka nang una sapat na kung talagang pursigido ka sa sinasabi mong pagbabago.
Lahat tayo nabibigo, okey lang ang umiyak ng isa o dalawang beses, pero pagkatapos nyan, siguraduhin mong matututo ka. Dahil ang pagkabigo ginagamit yan para matuto hindi para muling magpauto.
Alam ko hindi madali ang mahalin ako, pero pangako, lahat ng bagay na gagawin ko ay para sa ikabubuti nating dalawa, ganyan kita kamahal. Hindi ko kayang masaktan ka at umiyak nang dahil sakin.
Yung mga babaeng kahit di kagandahan at nakakarinig ng panlalait sa iba, kinukuha lang sa tawa dahil may kalooban silang mas maganda.
Minsan, hindi lahat ng nakangiti masaya. Ayaw lang nila ipakita na malungkot sila.