*** EPILOGUE ***
MOVED CLOSER
Does every love story require a happy ending?
Nasa bus na ako ngayon papuntang Subic. Si Xander, Oo pupuntahan ko na siya. Tapos, sasabihin kong mahal na mahal ko pa rin siya. Sana lang… sana maging maayos na ang lahat. Sana maging masaya na kami ulit.
Mahaba-haba pa ang byahe kaya… napagpasyahan ko munang matulog.
~When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake~
Di ko alam pero… bigla ko na lang kasi narinig ang isang pamilyar na kanta.
Nagsimulang magbalik ang lahat ng magagandang ala-ala.
Mula nung makilala ko siya hanggang sa ngayon na mahal na mahal ko pa rin siya.
~All I am reaching out to you
I can't be scared, got to make a move~
“Alam mo Hyacinth, mabubuhay ako kahit ilang taon pa tayong nandito lang sa gitna ng malakas na ulan na ito. Alam mo kung bakit? Kasi sobrang sarap sa pakiramdam kapag yakap-yakap kita. Gustong gusto talaga kita, Hya. Gusto ko lahat-lahat sa’yo. Gusto ko ang ngiti mo, kahit ang mukha mong nakabusangot tuwing nagagalit ka sa’kin, gusto ko ang bawat salitang binibitiwan mo lalo na tuwing sinasabi mo sa’kin na gusto mo ko at… mahal mo ako. Hyacinth, gustong gusto kita at mahal din kita. Muli, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko para saktan ka… at malakas ang kutob ko na, ako na naman ang dahilan kung bakit umiiyak ka ngayon.”
Napapangiti ako. Ang swerte ko pala talaga para mahalin ng isang tulad niya.
~While we're young, come away with me
Keep me close and don't let go ~
"I love you."
Tama, at ang bawat pagsabi niya sa’kin ng iloveyou’s.
O.o
Pero bakit parang hindi lang yun isang ala-ala?
Parang… narinig ko ang boses ni Xander mismo?
~Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending~
Napadilat ako ng wala sa oras. Saka ko na lang namalayan na may nakasalpak na pala sa tenga ko.
At narealize kong totoong narinig kong sinabi niya ang mga salitang iyon.
~ Take my heart, this is the moment~
BINABASA MO ANG
MOVING CLOSER by Eunice
RomanceThis story is written by Eunice Laurito with the help of Hyacinth Manesca in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :D She's no ordinary. She loves manipulating people's lives until she met this guy who have turned her world upside down and also the gu...