Chapter 0

38 3 0
                                    

   "Jisoo. Kailangan mo na ba talagang umalis?"-tanong ni papa.

"Opo. Pasensya na po."-sagot ko.

Saka ako nagmadaling bumaba ng hagdanan palabas ng bahay. Baka kasi mahuli pa ako sa oras at mapagalitan pa ako ng alaga ko.

Kung inaakala ninyong bata ang inaalagaan ko, nagkakamali kayo. Isang 18 year old boy ang alagain ko ngayon at ang masama pa nito, may nakaraan kami.

Siya si Lee Chanyoung. Anak mayaman. Tagapagmana ng isa sa mga pinakamalaking company dito sa South Korea.

Oo. May nakaraan kami. Pumatol sya sa isang katulad kong mahirap lang. Walang maipagmamalaking ari-arian gaya nya. Sinabi ng marami na isa raw akong gold digger, pero hindi naman yun ang naging intensyon ko dahil hindi ko naman alam ang lahat. Ang lahat-lahat sa kanya.

Pagdating ko sa mansyon nila. Agad akong nagpunta sa kwarto ni Mr. Lee para gampanan ang trabaho ko. Pagbukas ko ng pinto, nakita kong gising na sya at nakatayo na. Hanggang sa mapansin nya ako.

"Jisoo! Ipagluto mo nga ako ng makakain."-bungad saken ni Chanyoung.

Kakapasok ko pa lang ng kwarto nya, utos agad ang salubong saken. Bilang isang alila, dapat ko agad sunudin yun.

"Opo."-ibinaba ko agad yung dala kong bag at saka nagpunta sa kusina ng kwarto nya.

(kasing laki ng bahay ang kwarto nya)

Habang nagluluto ako.

"Jisoo!"-tawag nya saken habang nagluluto ako.

"Bakit?"-tugon ko.

Napalingon ako sa kanya at napansin kong lumapit sya saken at saka ako kinausap.

"Kantahan mo nga ako."-utos nya.

"Ano?"

"Binge ka ba? Ang sabi ko, kantahan mo ako."-pananaray nya.

Nababarino na ako sa lalaking 'to ha.

Kumanta na lang ako nang matigil na. (Kinanta yung Heart Damage by Gayoon).

Ngayon, wala nang namamagitan sa amin. Kundi isa na lamang akong yaya sa kanya. Dahil lahat ng nakaraan namin, hindi nya alam. Nakalimutan nya nang lahat yun.

Nagsimula ang kwento namin makalipas ang apat na buwan. Bago sumapit ang buwan ng pasko. Nakilala ko sya sa isang kanto.

Treasure Of My Past [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon