Nag alarm yung phone ko.
----------------------------------------------------------
HAPPY BIRTHDAY MARKUS KO! :* <3
----------------------------------------------------------
(YSABELLIE'S POV)
Ano ba yaaaan! Nauso pa May 23 eh. =|
Akala ko binura na sa kalendaryo yang date na yan? >.<
Ano bang dapat kong maramdaman sa mga sandaling to? Magpaka bitter? I-delete lahat ng reminders? Pictures? Lahat ng magpapaalala sa akin na may isang Markus Tan Ventura palang naging parte ng buhay ko? Yung first boyfriend ko? Yung taong nandyan nung mga panahong parang iniwan na ako ng lahat? Yung taong nagpabago ng pananaw ko sa buhay? Yung lalaking laging nagsasabi sa akin na
"Alam mo maganda ka sana kaso hindi eh."
Yung mahilig pumisil ng ilong ko, yung nangengeelam ng eyeliner sa bag ko tapos tuwang tuwa na tse-tyempuhang tulog ako at pag gising ko puro drawing na yung mukha ko?! Yung mala Jigglypuff ang dating?
Yung lalaking kamukha ng crush ko nung high school na si Arthur Bernard "Champ" Dolino Lui Pio, Christopher John Alandy-Dy Tiu na may pagka Atom Araullo (Reporter)? <3 Yung lalaking bumwisit sa akin nung first day ng klase, ang lakas maka knock knock eh! Yung ultimate man of my dreams na anino pa lang niya yung nakikita ko parang tatalon na yung puso ko sa sobrang saya at kilig. Yung nag-iisang Maku ng buhay ko?
*Cries
Huuuuuu. Yung lalaking gwapo sana kaso may pagkabipolar na ewan na minsan suplado, minsan kenkoy. Yung lalaking never nagbigay sa akin ng totoong bulaklak puro drawings at paintings lang. Yung lalaking lagi akong hinahatid at sinusundo sa bahay, pinagluluto ako, tinuruan akong mag basketball at mag drawing. Yung Markus na yun! Yung Beb ko. =|
*Punas ng luha
Ay, anobaaaaaa! Sige Ysabel, reminisce pa! Ganyan yan. Yung akala mo okay ka na pero hindi pa talaga kasi lahat naaalala mo pa. Hala! Sige, gusto mo yan eh. Stupid ko talaga. >.<
Bakit puro happy moments? Yung nakita ko sa KFC, ano limot na? T.Y na lang? Tengene! Yung ganong kasakit bakit natatabunan ng mga wonderful moments? =|
Pero kasi, tama na to. Lintik na alarm yan! Bakit kasi hindi ko pa binura?! Bakit pati yung mga text messages, lahat ng bagay na makapagpapaalala kay Markus na sa akin pa? Kahit yung 'Today's Advice' na binigay niya ni hindi ko nga magawang tanggalin dyan, sa pader na yan. Pano na? Mahal ko pa ba?
*Text message
From: Leona
"Hey Ysabel, whut up? It's Maku's birthday! Any plans?"
Owwwwwwwssssssshit!
Le--Leona? Anak ng! At nabuhay tong babaeng to?! Ang tagal nitong hindi nagparamdam ah? As in pag graduate namin nung high school, CUT! Wala na...
Naku Leona, nami-miss na sana kita kaso yang text message mo hindi ko matantsa. Yung ang tagal niyong walang communication tapos Maku's? Maku's birthday?!!! GRRRRRRRR! >.<
*Sigh
Kailangan ko ng kanta. Na H-HB ako sa mga pangyayari, wala bang party song dyan. O kahit na anong pangpa-chill please.
*Bukas ng radio
Song: Will You Ever Learn - Typecast
Yaaaaaaaaaa! :(
Bakit sa dinami rami naman ng kanta eto pa?!! Laslas pulso ganon? </3
=|
*Text message