Lumingon Ka Lang (One-Shot)

16 1 1
                                    

Lumingon Ka Lang

By: Seventh Letter

-=O=- -=O=- -=O=- -=O=- -=O=- -=O=- -=O=-

"Ay nako Best! Grabe talaga! Ang gwapo nya!"sabi ni Aaliyah habang pangiti-ngiti

"Talaga?" sagot ko, may maisagot lang.

"Oo naman! Ang gwapo nya pag tumatawa sya tapos ang cute nya kapag malungkot. Grabe. Naaadik na ko sa kanya!" pagpapatuloy pa nya.

"Ah ... okay."

Siya si Aaliyah, ang bestfriend ko. Di naman ako manhid at mas lalong hindi ako timang para di ko sya magustuhan. Yung nga lang, ibang lalaki yung bukambibig nya. Di ko pa nakikita yung gag- ... yung taong yung pero sa salita palang ni Aaliyah, wala na kong mabubuga.

Best ang gwapo nya!

Mas matangkad sya sa kin kaya bagay kami! Haha! 

Nakakainis nga eh, mas maganda yung mata nya sakin!

Grabe, ang talino nya Best!

Medyo moreno sya kaya ang hot tignan. Hehe~

Sya? Oo, ang bait nya. Suuuuper!

Ang tahimik talaga nya Best. Pero di bale, yun naman yung best asset nya.

Best ang sarap nya talagang kasama! Heaven~~

Promise Best, kapag nakilala mo sya matutuwa ka rin!

"BEST?! NAKIKINIG KA BA?!" singhal nya.

"Ha? Oo naman Aal. San ka na nga ba?"

"Sabi ko na nga ba eh! Di mo ko pinakikinggan!" simangot nya.

"Pakiulit na lang kasi."

"Sabi ko binigyan nya ako ng gift nung birthday ko! Grabe~~ Nagustuhan ko talaga yung gift nya.. Ang cute!"

"Ah.. Binigyan din naman kita ah?"

"Ah, yun ba? Hehe. Ah basta! Ang ganda nung gift nya. Itatago ko talaga yun. Ipaglass cover ko kaya?"

"Yung akin din ah?"

"Oo naman!"

"Ano bang binigay nya at natalo yung necklace na binigay ko?"

"Seeeeecret!"

Pinag-ipunan ko pa namann yun. Hindi nga ako nag-DOTA ng one month para dun, tapos si ganyan na naman ang kinukwento nya. Silver na necklace din yun na may pangalan nya sa gitna. Minsan na nga lang ako magbigay ng regalo sa bab- Hay. Tama na nga to. Medyo gay na.

"Uhmm, Best... May date pala kami.."

"Ano?!"

"Oo ...  Ano ... Ako yung nagyaya ..."

"Bakit naman?! Ganyan ka na ba talaga kadesperada sa kanya?!"

"Best naman eh ... May problema nga ako eh ..."

"Wag mo kong aasahan dyan."

"Best naman ... Di ko kasi sinabi sa kanya directly kaya ... di ko alam kung pupunta sya..."

"Ikaw na rin pala yung nagyaya, di mo pa inayos."

"Basta, pupunta na lang ako sa may playground bukas ng 8 AM. Bahala na! Sana pumunta sya!"

KINABUKASAN...

[10:00 AM]

Nasa playground ako. Bakit pa? E di para sundan tong hibang na bestfriend ko. Para naman di masyadong halata, nagtago na lang ako sa likod ng nagtitinda ng ice-cream. Alam kong medyo nawiwirduhan na sakin si Manong pero ngayon lang naman to. At hibang talaga kung hibang yung kaibigan ko. Two hours late na yung date nya pero di pa rin sya umaalis sa swing na kinauupuan nya. Minsan pa nga eh humahaba ang ulo sa mga dumadaan.

Sana ako na lang yung hinihintay nya. Ito na naman ako sa mga sana ko. Ginawa ko naman kasi yung lahat para sa kanya. Lahat-lahat, mapansin nya lang. Bakit hanggang ngayon, nasa friendzone pa rin ako? Hay. Sa gwapo kong to. Sa libo-libong babaeng tinurn down ko. Sya yung pinili ko. Pero bakit pumipili pa sya sa iba?!

Siguro nga, kalahati nito kasalanan ko. May katorpehan din naman ako pagdating sa salita. Pero naman! Bawing-bawi naan sya sa mga kilos ko. Sa mga maliliit pero maraming kilos na bumubulong ng Best, I love you.

Pero siguro nga, ganito ang nangyari kasi ito yung dapat mangyari. Ako si bestfriend. Mahal ko sya. Mahal nya yung garapatang yun. At wala akong karapatang agawin sya sa magpapasaya sa kanya. F.

Pero kahit gaano pa karami yung reasons na pinipilit kong paniwalaan. Wala. Ni isa. Walang nakakapigil sa sakit sa puso ko. Madrama pakinggan, pero masakit talaga na makitang nawawala sya sakin. Yung mga kwento pa lang nya torture na, paano pa pag nabuhay na yung taong yun sa tabi nya. Sino na ko? Ano ng papel ko? Tagatawa sa harapan at nakaiyak sa likod? Bestfriend?

Two hours na yung lumipas Best, umalis ka na. O kahit man lang lumingon ka lang sakin. Nandito naman ako eh. Hinding-hindi ka papabayaan. Hinding-hindi ka iiwan. Hinding-hindi ka paghihintayin ng two hours sa playground. Best, nandito lang naman si Bestfriend Gian.

Lumingon ka lang...

Lumingon ka na Best...

Isang oras na naman yung lumipas at nandun pa rin sya. Binuo ko na yung isip ko. Kapag lumingon sya. Kapag tinignan nya ko. Kapag tinawag nya ko ...  sasabihin ko na yung lahat-lahat. Yung lahat-lahat na hindi lang bulong. Yung lahat-lahat na kinimkim ko, para sa kanya.

Pero sa gitna ng lahat. bumagsak bigla ang mundo ko.

Umiyak sya.

Di ko na napigilan yung sarili ko, pinuntahan ko sya. Niyakap mula sa likuran. Nakihati na naman sa mga luha nya.

Siguro nga hindi na ako magiging boyfriend nya. Bestfriend forever na lang talaga. Pero sa pag-iyak nya, isa lang ang na-realize ko. Kahit bestfriend lang, may karapatan pa rin ako. Karapatang patahanin sya at patawanin sya.. Kahit bestfriend lang.

"Best," mahinang iyak nya.

"Tama na Aal."

"Best ang daya-daya nya."

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Please tama na, Aaliyah..."

"Hindi Best, okay lang ... " sabi nya habang pinupunasan yung luha nya. Bahagya pa syang napatawa. 

"Aal..."

"Okay lang talaga Best," sabi nya habang pinipilit pa rin yung tawa nya. "Ganun talaga yun. Medyo bad. Haha! Alam mo bang twenty-three na yung ini-indian nyang date? Haha! Yayayain ko na lang sya ulit.. Baka sa susunod ... pwede na sya ..."

"Oo Best, dadating na sya sa susunod..." sabi ko, habang pinipilit na itago yung luhang hindi na naharang ng bestfriend abilities ko.

-=O=- -=O=- -=O=- -=O=- -=O=- -=O=- -=O=-

Sev:

Spell cliche? I-T-O! XD

Vote kung gustong makita ang second ending. Medyo masakit yata sa puso itong una. XDD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lumingon Ka Lang (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon