Chapter 65

64 0 0
                                    

Blessing

••••••••••••••••••••••••

"Ano nang gagawin mo ngayon?" tanong ni Vladd saakin. Narito kami ngayon sa bahay niya Nakahalukipkip siya sakin. Hindi ko mawari ang emosyong ipinapakita niya saakin. It's like he's upset and disappointed at the same time.

Nagpunas ako ng luha. Hindi ko alam kung paano ito haharapin. It's so awkward ngayon na si Vladd ang kasama ko sa ganitong pagkakataon. Yes. I tried the PT. And it's positive. Bakit ba ganito ang tadhana saakin. Saamin. Sa buhay ko. Nakakaloko. Hindi ko alam ko sinadya ba ito ng tadhana o tinakda talaga ng kapalaran.

"I don't know, Vladd. What should I do now?" naiiyak nanaman ako. Kanina pa ako umiiyak eh. Hindi tuloy alam ni Vladd kung paano ako patatahanin.

Kanina sa restaurant ay umalis kaagad kami ni Vladd matapos kong lumabas sa c.r. Nawalan na rin kasi ako ng gana kaya ipinatake-out nalang namin ang inorder. Tapos dumiretso kami sa drugstore para sa PT. Hindi na nag-usisa pa si Vladd dahil siguro alam naman niya ang sitwasyon. Pinili kong hindi muna umuwi sa bahay dahil natatakot ako sa posibleng mangyari.

At heto na nga. I am really pregnant. With the child of Brayden.

"Anong balak mo sa bata? Itutuloy mo?" mariin niyang tanong.

"Ofcourse! I will not kill anyone, not even this child dahil lang sa problema namin. Wala siyang kinalaman sa away ng pamilya namin at mas lalong wala siyang ginawang kasalanan. Labas siya sa away-pamilya namin ng ama niya..." sagot ko naman. I'm not dumb to that stupid thing.

"And what now? Ipapaalam mo sakanya?" mariin niyang tanong. Kahit hindi ko tanungin ay alam kong alam niya kunga sino ang ama ng bata. Wala naman akong nakasamang ibang lalaki bukod kay Brayden.

Nagkibit-balikat nalang ako. I don't know what to say. I don't know what to do. Ofcourse I'll continue this. This child must've a life that full of love and care. I'll raise him or her well. I never leave him/her. But, should I say it to Brayden?

"Kelangang malaman niya ito, Marionne. Don't let him not to know this. He has the right to know." anito pa na tila nahihirapan.

"I know Vladd. Pero hindi sa panahong ganito!" I hissed. "Hindi ko pa siya kayang harapin! Ni-ayaw ko ngang makita kahit anino niya eh! Kinamumuhian ko siya! Ang pamilya niya!" sigaw ko. Naiyak nanaman ako.

Niyakap ako ni Vladd. Panay ang hikbi ko habang nasa bisig niya. "What should I do now huh? Tell me, Vladd....."

"Shhhh.. Shhh. Magiging maayos din ang lahat.." pagtahan niya saakin.

.
.
.

Nagising ako dahil naramdaman ko ang sikmura ko. Napabangon ako sa sopa at agad na tinungo ang bathroom. Naduwal nanaman ako. Hayyy. Is this really how a pregnant woman feel? Nahihilo at naduduwal? Sinapo ko ang noo ko habang papalabas ng bathroom. Pinupunasan ko ang bibig ko ng lumabas sa kusina si Vladd. Naka-apron siya.

"Goodevening!" bati naman niya.

Ngumiti ako. "Anong oras na?" tanong ko. Closed kasi ang bahay ni Vladd at wala kang makikitang bintana sa loob. Ewan ko kung sadya ba 'to o hindi.

"7pm." sabi nito.

Ah. Gabi na pala. Di ko namalayan ang oras dahil sa tulog ko. Kung hindi pa ako naduwal ay siguro tulog pa rin ako hanggang ngayon.

"Tara na. Kaen muna tayo bago kita ihatid sainyo.." aniya. Tumango naman ako dahil nagugutom na rin.

"Oh, ano gusto mong kainin?"

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon