KAIBIGAN

47 2 0
                                    


Stacy:Talaga!?Magkaibigan na tayo!?

Mika:Hindi lang magkaibigan kundi Bestfriends..

Stacy:Yehey!!I love you bestfriend Mika!!

Mika:I love you too Bestfriend Stacy!!

Yun ang araw na naging mag-bestfriends sila.At simula ng araw na iyon, naging mas close sila.

Hanggang may isang transferee na lalaki, si Frank, na sabay nagpatibok ng kanilang puso.Mahal nila itong dalawa, pero hindi nila pina-alam sa isa't isa na isang lalaki lang ang mahal nila.

Hanggang isang araw napag-isipan nilang isabi sa isa't isa ito.

Stacy:Best, may sasabihin ako sayo.

Mika:Talaga!?Ako din eh..

Stacy/Mika:May gusto ako kay Frank!!

Mika:Talaga Best!?May gusto ka din kay Frank?

Stacy:Oo Best, at ikaw din.

Mika:May the best woman win!

Stacy:Right back at ya!

Imbis na magalit sa isa't isa ay naging mas close pa sila kasi kahit na iisang lalaki ang mahal nila ay tanggap nila ito.Naglaro sila ng patas at walang biruan.Pero isa lang sa kanila ang nagpatibok sa puso ni Frank, at yun ay si Mika.Siya ang mahal ni Frank.

Frank:Mika, meron akong sasabihin sayo..

Mika:Ano naman yun?

Frank:Mahal na kita.

Mika:Ta-talaga!?

Frank:Oo Mika.Mahal mo rin ba ako?

Mika:Pasensiya na Frank pero hindi kita kayang mahalin kasi mahal ka ng bestfriend ko.

Naintindihan naman agad yun ni Frank.Pero hindi niya alam kung gaano siya kamahal ni Mika pero dahil mas importante sa kanya ang pagkakaibigan nila ni Stacy kaya nagparaya siya.At ayaw niya din iton masaktan.

Gabi-gabi siya umiiyak noon dahil nagsisi siya pero pinilit niyang iurong ang kanyang pagsisi kasi para sin yun kay Stacy ang ginawa niya..Pero nagsisi siya ulit nang may nalaman siya.

Stacy:Best!!

Mika:Ano yun Best?

Stacy:May sasabihin ako sayo.

Mika:Ano naman yun?

Stacy:Kami na ni Frank!

Mika:Talaga!?

Stacy:I guess nanalo ako.

Mika:Oo nga.Bilib talaga ako sayo Best.Congratz ha?

Stacy:Salamat best.At no hard feelings ha?

Mika:Of course Best.I'm so happy for you.

Stacy:Bestfriends?

Mika:Forever..

Gumraduate silang tatlo ng sabay.Pagkatapos nilang gumraduate ay naghanap sila ng kani-kanilang mga trabaho.Naging engineer si Frank habang Chef naman si Stacy.Pero walang nakakaalam sa kanila kung nasaan si Mika at ano ang nangyari sa kanya.

Lumipas ang dalawang taon ay ikinasal si Stacy kay Frank.Masayang-masaya si Stacy kasi dumating si Mika sa kasal niya.

Stacy:Best!?Saan ka ba galing!?Bakit ka ba nawala?

Mika:May inasikaso lang.

Stacy:Ano ba ang inasikaso mo at ang putla putla mo.Pumayat ka din.Okay ka lang ba?

Mika:Hehe.Stress lang to.

Pagkatapos ng araw na yun ay tumira na sa iisang bahay sina Stacy at Frank.Pero nawala na naman ang kanilang komunikasyon kay Mika.Parang nawala siya na parang bula.

Makalipas ang isa at kalahating taon ay nabalitaan nalang nila na matagal ng na-confine sa Ospital si Mika.Excited na siyang pumunta doon dahil sa wakas makikita na niya ulit ang Bestfriend niya.

Pero pagpunta niya doon, huli na ang lahat.Pinapunta na siya sa Morgue.Naglakad siya doon habang umiiyak at hawak-hawak siya ng asawa niyang si Frank.

Pagdating niya doon ay niyakap siya agad ng pamilya ni Mika at may inabot na sulat sa kaniya.Binuksan niya ito at binasa.

Dear Stacy,

Alam kong habang binabasa mo ito ay patay na ako.Kaya unang-una sa lahat gusto ko humingi ng sorry kasi matagal akong hindi nagparamdam.Natatakot kasi ako na baka malaman mong malapit na akong mamatay.Meron kasi akong leukemia.Nung ilang taon na nawala ako ay nag try akong magpa-chemotherapy.Nakaya ko naman kaya nagpasalamat ako sa Diyos at naka-attend ako sa kasal mo.Pero bumalik ang sakit ko kaya nawala na naman ako pero this time hindi ko na kinaya ang chemo kaya meron ng taning anh buhay ko.At bilang nalang ang araw ko.Sorry kasi hindi ko matutupad ang gusto mo na maging bridesmaid ng kasal mo.

Salamat din pala kasi naging kaibigan kita at hindi lang kaibigan kundi bestfriend.Diba yun ang sinabi mo?Masaya ako kapag nakakasama kita kaya nagparaya ako dahil natatakot ako na mawala ka sa akin kasi mahal na mahal kita.Pasensiya na at hindi ko sinunod ang sinabi mo na fair game.Nagparaya ako kasi mas mahalaga ang pagkakaibigan natin kesa kay Frank.Sobra kitang mahal.Salamat at nakilala kita.Salamat at nakipagkaibigan ka sa akin.Salamat at tinuring mo akong kaibigan.At higit sa lahat, salamat kai hindi mo ako iniwan.

PS:Sorry kung hindi matutuloy ang pinangako kong Forever..

Your Bestfriend,
Mika

Parang mapunit na ang sulat habang nagbabasa si Stacy.Nagagalit siya kay Mika kasi naglihim ito at nagparaya.

Stacy:Ang daya daya mo Mika..Ang daya mo..Sabi mo Forever..At ano naman kung ikaw ang pinili ni Frank..Wala akong pakielam dun kasi hinding-hindi kita iiwan.Sana sinabi mo sakin.Sana hindi ka nalang naglihim.Mahal na mahal kita..

At dun nagtatapos ang storya ng pagkakaibigan nila..Gaano katibay ang kanilang pagkakaibigan?Matibay matibay..Kasi kahit nawala na ang isa..Hindi pa din siya tumigil na magmahal sa kanyang kaibigan..

The End..

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon