Present
.
.
.
.
.Mistress yan ang tawag sa mga babaeng pumapatol sa may asawa na. Salot ang tingin nila dahil sila ang dahilan kung bakit may nasisirang pamilya. Pag nalaman nilang isa kang kabit mag iiba ang turing nila sayo. Sa bansa natin para kang isang kriminal kung isankang kabit. Galit sayo ang mga tao bibihira lang ang may makakaintindi sa sitwasyon nila. Tulad ko isa akong kabit, oo isa akong mitress ni sa panaginip ko hindi ko inakala na magiging ganito ako. Hanggang sa nakilala ko si JD Monteverde.
Lahat ginawa ko para iwasan sya, andun na yung nangibang bansa ako. Nakipagrelasyon kung sino sino para lang makalimutan sya pero ganon ata ang pag-ibig. Kahit anong gawin mo hindi talaga agad mawawala.
Oo nagmahal lang ako, nagmahal sa isang maling tao. Sa taong may pananagutan na, pero anong magagawa ko kung mahal ko sya at kahit anong layo ko sa akin kung sya itong lapit ng lapit sa akin.
Na halos magmakaawa sa akin na wag ko syang layuan. Anong magagawa ko kung lahat ng paglayo at pag iwas ay ginawa ko na pero parang balewala lang ito.
Kasalukuyan nasa condo unit ako ngayon kasama si JD, dito sya natulog kagabi. Oo minsan umuuwi sya dito. Hindi naman ako nagdedemand na dito sya matulog kusa nya yung ginagawa.
Alam ko madami galit sa tulad ko, pero kailanman hindi ko ginusto maging ganito. Akala ng lahat ideal girl ako pero alam ko sa sarili ko na hindi ako ganoon. Lahat ng tao me secreto at ito ang secreto.
Madaming bakit, bakit sya pa ang minahal ko, bakit sa may asawa na, bakit sa pamilyado na, bakit? Siguro ganon talaga ang pag nagmahal ka walang pinipili kung anong estado. Oo siguro masasabi nila na dapat piliin mo yung yaong walan sabit.
Alam naman namin yun, kaso talagang sya ang na tympohan na mahalin ko. Ayoko man pero yun ang nararamdaman ko walang babaeng gugustuhin maging kabit.
Hi guys! Experiment ko lang po ito some of the details po ng story ay base sa mga personal kung kakilala (hep! Married na po ako happily married po.) sinubukan kung gawan ng istorya yung taong pinakahate ng mga may pamilya. Hindi naman sa agree ako dito, o payag ako sa kanilang ginagawa. It just that I want to hear their side, kasi diba marami nagtatanong kung bakit sila pumatol sa may pamilyang tao. Bakit nagawa nilang sirain ito. O talagang sila ba mismo ang sumira nito. Kasi karamihan nasirang pamilya isinisi sa kabit o tama bang isisi lahat.
Thanks po sa pag unawa.❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
Becoming a Mistress!
General FictionBroken Family salitang kaakibat ay ang Third Party. Nasira dahil sa pagkakaroon ng bawal na relasyon. Mistress o kabit tawag sa taong nakipagrelasyon sa may asawa. Mistress na kalimitang dahilan ng pagkasira ng isang pamilya. Mistress isang titulo n...