~"ARE YOU sure about it, Empress ?."
Nakailang ulit na tanong ng kanyang ina sa kanya. Hindi kasi ito makapaniwalang naghihingi siya ng bakasyon dito kahit ilang buwan lang, lalo na ngayon na nasa hospital pa din ang lolo niya. Perp anong magagawa niya ? Masakit ang puso niya. Pakiramdam niya ay may ilang milyong karayom na nakatusok dito na para bang unti unti nitong pinapatay ang puso niya.
Masakit. Sobrang sakit ma sa ika-ilang pagkakataon, hindi nanaman siya ang pinili ni Jack. Bakit niya narardaman ang sakit na ito ? An Empress like her doesn't need to be treated like this. Kahit na sino pa iyon, pero putang ina lang. Mahal niya pa yung taong bumalewala sa kanya.
"Yes, ma. Later, pupunta ako ng office para iligpit yung ibang gamit ko dun." Walang buhay na sagot niya sa ina.
Patuloy pa din siya sa pagtutupi ng mga damit niya at nilalagay iyon sa kulay pula niyang maleta. Pwede naman niya itong ipagawa sa mga maids nila but she felt doing it. Kaya siya nalang ang gumagawa.
"Tell me what happen, Cherry Anne.?" Napatigil siya sa ginagawa niya ng tanungin siya ng kanyang ina. All this time, ngayon lang siya nakaramdam ng pag aalala mula sa kanyang ina. Lumaki siya sa Lolo niya at ito lang ang nagmamalasakit sa kanya. "I know that I am not good enough to stand here and be a mother for you, baby. Ilang taon ka ding namin hindi napagtuunan ng pansin ng dad mo. But believe me, empress. Your dad and I loves you. Kahit na hindi namin madalas na simasabi sayo but we're doing all of it for you. I want you to stand by your own and be the woman of your own. I want you to be strong , baby. I just only want what's best for you. Ayokong matulad ka sa akin na sobra ang naging inggit ko noon kay Ate Arianna, ang gusto ko, ikaw naman ang kaiinggitan pero hindi ko ginustong maging kasing tigas ng bato ang puso mo."
Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Inilang hakbang niya ang pagitan nila ng kanyang ina bago ito ginawaran ng isang mahigpit na yakap. Naiiyak siya, kailan niya ba huling naramdaman ang init ng yakap ng isang ina. Kailan niya ba huling naramdaman ang pagkalinga nito ? Taon din ang binilang niya para mangyaring muli ito. All this time, binuhay niya ang sarili niya na may galit sa mga magulang niya dahil pakiramdam niya, ang Lolo niya lang ang nagmamalasakit sa kanya. But now, her mom .. her mom is here for her. "I just need a few months to fund myself mom. I just need space .. I love you.!" Humihikbing sabi niya.
Hinaplos ng kanyang ina ang kanyang mahabang buhok. "You can go to your father, matutuwa iyon kapag sa kanya ka tumuloy.!"
"I will, mommy."
Siguro nga, kailangan na niyang mag umpisang muli. Kailangan na niyang simulan ang bago niyang buhay without Prince Jack Ferrer. Kailangan na niyang burahin ang ex-boyfriend niya sa sistema niya.
DUMIRETSO muna si Cherry Anne sa Ramirez Hospital para dalawin ang kanyang Lolo Maximo. Gusto niya muna itong makita bago siya umalis ng bansa. Gusto muna niyang magpaalam sa taong nag alaga sa kanya. Anim na buwan lang naman ang hinihiling niyang bakasyon pero pakiramdam niya ay taon ang itatagal niya sa pupuntahan niya.
Napangiti siya ng maramdaman niya ang mainit na kamay ni Sean sa kamay niya. Napapailing nalang siya, kaya sila napag kakamalang mag nobyo dahil sa sobrang ka-sweetan ng pinsan niyang ito. Kasama niya din ito pabalik ng America. Nangako kasi si Sean sa kanya na tutulungan siya nitong makapag simulang muli.
Si Sean na ang nagbukas ng pinto para sa kanila. Pag bungad niya palang doon ay nakita niya ang walang kulay na mukha ng kanyang Lolo. Nasasaltan siya dahil pakiramdam niya ay unti unti na itong nanghihina, perp ayaw niyang sumuko. Alam niyang fighter ang Lolo niya.
"Nandito pala ang babaeng menopose.!"
Doon niya lang napansin na nandito din sa loob ng silid ng Lolo niya ang mga pinsan niyang sina Arra Louisa at Maya. Bumitaw si Sean sa kanya para hagkan sa pisngi ang pinsan nila. Napairap nalang siya, ayaw niya pa din sa mga bubwit na iyan. Dumiretso nalang siya sa gilid ng kama ng kanyang Lolo at hinawakan ang kamay nito.