Prologue

2.2K 60 7
                                    

Naalimpungatan si Julie nang mapansin na wala na sa tabi ni Maddie si Elmo. Naramdaman niyang gumalaw ang anak niya at idinantay pa nito ang isang binti sa may beywang niya. Dahan-dahan siyang tumagilid at napangiti nang nakita si Elmo sa tabi ng crib ng bunso nila.

Buhat ni Elmo si Onzo at halatang hinehele ito. Natawa pa siya nang marinig niyang kinakausap ng asawa niya ang anak nilang lalaki na ngayon ay dalawang buwang gulang pa lang.

"Why are you still awake, Little Guy? Do you want to sleep beside Daddy huh? Kaso hindi pwede, baka mapilayan ka dahil sa sobrang likot matulog ni Ate Maddie."

Napahagikgik naman si Julie nang marinig iyon. At dahil sa mahinang pagtawa niya ay naagaw niya ang atensyon ni Elmo.

"Hey there, Mommy.." Ngiti ng lalaki saka pa humarap kay Julie Anne. "Did we wake you up?"

Bumangon si Julie saka umiling. "No, Babe. Ikaw lang naman ang nakagising sa akin at hindi si Butching." Tukoy niya sa bunso. Tumayo siya at nilapitan ang mag-ama. "Right, Sweetheart?" Tanong niya sa bunso saka inilagay ang hintuturo sa kanang palad ng anak.

They smiled immediately when Onzo grips on his Mom's finger.

"Why is he awake? Umiyak ba?" Julie asked her husband habang nilalaro pa rin niya ang palad ni Onzo.

Agad namang nailing si Elmo. "No, Baby. Actually, tahimik lang si Butching kanina pa. Napansin ko lang na gising pa siya kaya ko siya binuhat. Ako talaga 'yung hindi makatulog." Saka pa ito natawa.

"Why, Babe? Problem?" Pag-aalala ni Julie. Tumayo siya nang tuwid saka hinawakan ang balikat ni Elmo gamit ang isa pa niyang kamay.

Muli namang umiling si Elmo. "I was staring at you and Maddie earlier. I was silently thanking you for giving me millions of chances just to be with you and Maddie. May bonus pang Baby Alonzo Luis Psalmuel."

Julie smiled sweetly at him. "Thank you." Was all she can say.

"Thank you... for what?"

"Thank you for not wasting those chances, Babe. You're still proving na hindi nasasayang 'yung mga pagkakataon na hiningi mo dati para magkaayos tayo."

"I was stupid and selfish before pero ngayon, hindi na ang sarili ko ang iniisip ko kundi kayo. If I waste another chance, baka hindi mo na ako pagbigyan ulit.. baka masiraan ako ng bait kapag nawala ulit kayo sa akin.." Elmo stared at his wife. "Mahal na mahal kita and I cannot afford to lose you.. Again."


To be continued...

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon