Chapter 43

4.2K 81 0
                                    

II- Barkada


"C'mon Kath, sumama kana samin, sinabi mo samin na kapag natapos ang awarding na to sasama kana samin"

Simula nang makauwi kami dito sa bahay ay kinulit na ako nang kinulit ni Julia.

Hindi ko naman sila masisisi, dahil simula nang itayo ko ang kompanya ay nawalan na ako nang oras para sa sarili ko.

Mas marami akong kailangan pagtuonan kesa ang magpakasaya.

Ayokong sa isang iglap mawala lahat nang pinaghirapan ko dahil lang sa mas inuna ko ang sarili ko.

Mas marami na ako ngyong dapat e-priority kesa sa ibang bagay.

Ang mga anak ko lumalaki na. Si xyrel, dalaga na, 14 years old na. Ayokong magaya niya ang ginagawa ko nong highschool ako. Alam ko naman na hindi magagawa ni Xyrel yun. Mabait at matalinong bata si Xyrel. Si bugoy naman ay binata narin, medyo may kapilyuhan, alam ko naman na hindi maiiwasan yun lalo pat lalaki siya. Buti nalang at nandiyan si Xyrel para bantayan siya.

Si Candice, siya ang mas kailangan nang atensyon ko. In-advice kasi sakin nang doctor na umaga palang dapat ay kinakausap na siya.

Dalawa lang ata ang alam niyang isagot. Ang tumango at umiling. Pero atleast naiintindihan niya kong anu ang mga sinasabi namin.

Si Daddy, hindi ko alam kong kelan siya gagaling. Matagal na siyang nagte-theraphy pero parang walang improvement.

Sa kanila palang kulang na kulang na ang oras ko. Kaya wala na talaga akong oras para sa sarili ko.

"Nanay, tita Juls is right. Kailangan niyo naman pong mag'enjoy. Ako na pong bahala kay candice at daddylolo. Kaya sige na po sumama na po kayo kay tita Juls"

Aba! At kinunsente pa ang tita Julia niya.

Biglang lumawak ang ngiti ni Julia. At yumakap nang mahigpit kay Xyrel.

Naparolyo nalang ako nang mata.

"Sarah"

Tawag ko sa Personal Assistant ko.

"Yes Ms. K?"

"Check mo nga yong schedule ko for tommorrow if may maaga akong meeting"

Tinignan naman niya ang Ipad na hawak niya at in-scan kong anu man ang laman nang hawak niyang Ipad.

Nakita ko naman na nagcross finger ang dalawang makulit na babae sa harap ko.

Napailing nalang ako.

"Wala po Ms. K , lunch pa po yong schedule niyo tommorrow"

Mas lalong lumawak ang ngiti nang dalawang babaeng ito.

"Okey ! You can go now"

Nagthank you lang siya at umalis na.

"Ayan! Wala kana talagang kawala. Kaya bilis. Kanina pa tayo hinihintay nina Miles sa Rebel."

REBEL PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon