"Grrrr!kung bakit ngayon pa walang tubig!Kainis!Kanina pa sinasabuntan ni Aya ang sarili.Nagmumukha na siyang si Sisa na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin sa nawawalang si Basilio at Crispin. Interview niya mamaya sa inaplayang Panda homebased online English learning kung saan isang pindot lang ng mga hapon sa iphone nila,eh,pwede na nilang mahasa o kaya ay matutunan ang wikang English.
Bahala na si Batman, oo nga at ok naman ang English niya pero ang tunog ay isang napakalutong na noypi,Hahaha!Eh, kaya nga may screening!Keber ba niya if hindi makapasa, hanap ng ibang pag aaplayan,heller?Try and try until you die nga,di ba?In all fairness, she passed the grammar test- 89% rate niya,not bad!
Pero isang oras na lang, she must look pretty good,pampagood vibes. Paano mangyayari 'yun hindi siya makakaligo.She could not afford to use the purified water,mahal kaya padeliver niya,at saka hindi nman siya masyadong diyosa para ipanligo iyon,ano?Sisigaw na naman sana siya ng "paksyet" pero biglang nag ilaw ang bombilya sa utak niya. Namataan niya ang iron curler sa tuktok ng cabinet .
"Aba,magamit nga!Kung ganitong parang si Sadako itong da fesh ko, mas mabuti pang kulutin ko na lang para mukhang legal ang mga nagtitikwasang vuhok ko.Dali dali niyang kinuha ito at sinimulang kulutin ang ala bird's nest niyang crowning glory.Ngalay na ngalay na ang kamay niya kaya nang sipatin niya ang sarili at mukha naman siyang tao,eh, tinapos na niya ang pagpaparusa sa sariling anit.
Ayan!Mukha na akong si Medusa,bwahahaha!Ang baliw lang,well, anong magagawa ko ,eh,sa talagang ipinaglihi ako sa mga famous.Half Sisa at half Gabriela Silang ako.But I have to ace this interview kung gusto kong makapagtrabaho at magkaboss ng imported.Sana lang, generous itong magiging boss ko at biyayaan ako ng sandamakmak na dollars.That would be perfect!
Speaking of perfection, ano ang pwede kong suotin?Pwede na itong maong shorts ko,hindi naman ito makikita,no?Hmmnn,blue sando and black blazer,ok na!Kagalang galang sa taas,huwag lang matingnan ang ibaba kasi kitang kita na halos ang panty ko sa super ripped maong shorts na ito.My favorite, sobrang presko nga, sa sobrang presko ay nagagalit tuloy ang tita ko.Rason niya?Wala na daw siyang pag-asa na makapagsuot ng maiikli,kasi ang taba sa thighs niya ay umaalon alon,pang wave pool!Hahaha!
Ehhhh!Malapit na!She got her laptop and logged in her Skype account.She applied a very subtle make up kasi ayaw niyang magmukhang momo.Ewan nga ba,feeling niya kasi nagmumukha siyang multong bakla kapag nakamake up.Simple lang ang ganda niya,pero may angas.Yeah,gumaganda siya lalo dahil sa angas.Sa isang tingin,parang karaniwan lang ang ganda niya.Mahabang buhok,mahahabang pilik mata,maliit na ilong,and deep set eyes that spell trouble, yes.Sabi ng iba, parang may pinaplanong kabulastugan lagi ang mga mata niya.Naughty eyes,'ika nga. She's petite,pero ang ganda ng legs niya.Parang legs ni Barbie, pero kulay honey nga lang.Makinis siya at pantay pantay ang kulay ng kanyang balat maging sa alak alakan. So, kahit hubaran siya,nakakaproud ang makinis niyang balat na siguradong papatok sa mga banyagang trying hard magpa tan.
Five minutes before the scheduled interview,nasa harap na siya ng laptop.She accepted the contact request of the interviewer na...OMG!Ang CEO mismo na si Ed Grisham ang makakausap niya!Biglang nag init ang buong katawan niya,parang tumaas ang BP sa sobrang kaba.First time niya,sana makapasa siya't makapagtrabaho.
"Ayan na,ayan na!She clicked accept para sagutin ang skype video call. She was star strucked.Goodness,si Ed Sheeran ba ng kaharap niya?Ang gwapo,weeeee!!She was speechless for quite a while.Nasaan ang hustisya?Kung alam ko lang na ganito kagwapo ang makakausap ko ,eh di sana'y nagpa facial at nagpa spa,diamond peel at iba pang kaek ekan sa mukha ako,waaah!He studied my face and smiled.
"Hmmmnn.. wow!Interesting",he said.He looked intently as if trying to knock me out.Para niyang hinihigop ang katawang lupa ko.Nakakaliyo ang bughaw niyang mga mata.Blue-eyed,ehhhhh!My weakness!Cat got my tongue big time,and if this will continue,mamumulubi ako nito.Paano na lang ang pambayad sa internet connection,ilaw,tubig,credit cards...stop!
"Hi, I'm Aya.I am thrilled to meet you."
"Oh,yeah. So,how are you today,Aya?
"Nervous to the bone,sir!
"Come on,call me Ed.
* Your COMMENTS and VOTES will surely inspire me to continue writing. Thanks heaps!*
BINABASA MO ANG
MALDITO: Messing with the Prince!
RomanceLife isn't fair, yeah! Disgusted with the "sipsipan" system in the corporate world, Aya decided to resign and tried applying for homebased online jobs.Nagsawa na siya sa traffic at pollution,idagdag mo pa ang konsumisyon sa pagkucommute araw- araw...