Hindi ko na alam. Ang sakit-sakit. Hindi na ako makagalaw ng maayos.
Nagdrive ako papunta sa park na malapit sa bahay. Ayoko pang umuwi.
Dumiretso ako sa swing. Ang dami kong naaalala. May masaya, may masakit, meron ding hindi ko maintindihan. Halos mapatalon ako nang narinig ko ang pagkulog.
Bumuhos ang napakalakas ng ulan pero hindi ako umalis sa swing.
"Deja vu.." ang pinagkaiba lang ngayon, walang Kevin na yayakap sakin.
Naramdaman ko nanaman ang pag-agos ng luha ko.
"Kevin! Ano bang ginawa ko? Ano bang kulang?" napaluhod ako sa sobrang kahinaan.
May narinig akong mga yapak sa likuran ko kaya lumingon ako.
"Kevin?" pero mali, hindi sya.
"Ree.." si Gab.
Si Gab ang nandito, may dala syang payong at pilit na isinisilong ako pero itinutulak ko sya palayo.
"Halika na.. Iuuwi na kita.." hinawakan nya ang braso ko pero nagpumiglas ako.
Umiling lang ako sa kanya "Dito lang ako.. Dito lang.. Dadating si Kevin.. Pupuntahan nya ako.. Hindi niya ako iiwan.. Maha---"
"Mahal ka nya? Kung talagang mahal ka nya bakit hanggang ngayon wala pa sya?" lalo akong nanghina sa mga salitang binitawan ni Gab.
"Mahal nya ako.." lumuhod sya para lumebel ang mukha nya sakin.
"Umuwi ka na.." pilit nya akong kinukuha pero nagpupumiglas ako.
"Ayoko! Kevin! Kevin! Hihintayin kita dito! Mahal mo ko diba!" nanginginig na ako.
Sobrang sakit na ng nararamdaman ko pero hindi ako aalis dito. Dadating yun, pinagtritripan lang ako nun.
"Ree! Ano ba!" napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Kuya na tumatakbo palapit samin.
"Kuya! Sabihin mo kay Gab.. S-sabihin mo na babalikan ako ni Kevin.. Sab---"
"What the fuck Ree! Naririnig mo ba yang sinasabi mo! You sound so desperate for him! Hindi ka nya mahal!" hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Kuya.
"Mahal nya ako! Sinabi nya yun! Pinatunayan nya yun! Nangako sya sakin! Babali---" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong binuhat ni Kuya sa balikat nya.
"Kuya! Ibaba mo ako! Hihintayin ko sya!" ibinaba ako ni Kuya saka hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Hindi sya dadating dahil iniwan ka na nya!" natigilan ako sa sinabi ni Kuya.
"No.. H-hindi yan totoo! No!" nanghina na ako ng tuluyan.
Napaupo na lang ako sa bangketa habang tuluy-tuloy ang pagagos ng luha ko.
"H-hindi nya ako iiwan..." naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Kuya.
"Umuwi na tayo.." nagpahatak na lang ako sa kuya ko.
Hindi ko na kaya. Wala na akong lakas na magpumiglas pa.
Pagdating namin sa bahay ay agad tumambad sakin sina Riley.
"Oh my god Ree! Akala namin kung napano ka na!" hindi ako makapagsalita.
Hindi na ako makagalaw. Hindi na din ako makaiyak, naubos na yata ang luha ko kanina.
"Bakit ganun? Diba dapat puso mo lang ang sasakit? Bakit ang sakit ng buong katawan ko? Bakit.." hinang-hina na ako "Why does it feel like every part of me is also broken?"
Hindi na ako makaiyak, nararamdaman ko na lang ang pagkadurog ko habang nakatingin ako sa kawalan.
Naramdaman ko ang pagyakap sakin nina Riley kaya lalo ko pang naramdaman ang sakit.
"Excuse me.." kumalas ako sa kanila saka dumiretso sa gazebo.
Pagdating ko dun ay nakita ko ang gitara ko, naalala ko lahat. Nung kinakantahan nya pa ako. Tapos sasabihin nya na mahal.na mahal nya ako. Pero ngayon.
"Kevin.. Ano bang kulang sakin? Ano bang ginawa ko na mali? What did I do to deserve this kind of pain?" hinawakan ko ang gitara ko.
Dinama ko ang hangin na humahampas. Nilalamig na ako dahil basa ako sa ulan pero wala akong pakialam. I'm hurt.
Nagstrum ako sa gitara ko habang inaalala ko lahat ng pinagsamahan namin ni Kevin.
Pour me out
On the concrete
Next to your feet
Do I have to cry?
Can you hear me
Oh just to be with youI want to pour my heart out. I want the pain to disappear. Ayoko nang umasa pa. Alam ko naman na hindi na nya ako babalikan. Pero ang hirap tanggapin. Sobrang hirap.
Nagstrum pa ako ng isa pang kanta na syang nagpatulo ng luha ko.
Mean it truly
Sincere heart
Why do you do this to me?
Tear me apartWhy did you have to break me so bad? Bakit mo pa sinabing mahal mo ako? Bakit mo pa kailangang mangako na hindi mo ako iiwan?
"Fuck you Kevin Draze..." fuck him. Kasi kahit anong pananakit ang gawin nya sakin, mahal na mahal ko padin sya.
Mahal na mahal ko padin sya. Sobrang mahal na mahal. I hate how he can make me feel this way. I hate it how he can make me fall in live with him. I hate him but I still love him.
Narinig ko ang paglapit sakin ni Kuya na may dalang tuwalya.
"You need to come inside now.." umiling lang ako.
"I want the pain to fade.. Please let me cry and feel this pain.. Malay mo kapag binuhos ko na lahat, mawala na sya.." lies.
I am such a liar. Alam ko na hindi basta mawawala yung sakit.
Hindi umalis si kuya sa gazebo, sinamahan nya ako dun, pinanood ako.
"Why did he do this to me kuya?" hindi nakapagsalita si kuya.
Alam ko naman na walang makakasagot nun kundi si Kevin, pero I just felt as if na gusto ko lang ng kahit anong rason. Kahit anong rason, tatanggapin ko.
Ganun ko sya kamahal.
BINABASA MO ANG
The Search For Mr. Impossible
Fiksi RemajaDreamboy Checklist: Matangkad Matalino Mabait Gentleman Basketball Player Tumutugtog ng gitara Gwapo Hindi Babaero Yan ang laging hinahanap ng mga babae sa mga lalaki, pero nahahanap nga ba sila? It's too impossible to find all of these features in...