#26. 'Bente'
'Hanggang saan ang mararating ng bente pesos mo?' tanong ng isang komersyal ng ice cream sa telebisyon.
Bigla akong natakam sa pinapanuod ko. Kasabay ng biglang pagpatay ng mga luha sa aking mata. Gusto kong kumain ng ice cream pero hindi maaari kahit pa may bente pesos ako.
Siguro, kung buhay si Nanay, hindi ganito ang buhay namin.
Kung sana nakinig ako sa kanya, buhay pa sana siya.
Kasalanan ko ang lahat. Kung 'di niya sana ako hinabol matapos kong magtampo dahil sa tagbe-benteng ice cream na yan, edi sana hindi nabundol si Nanay ng truck.
Masyado kasi akong mapilit kahit wala naman kaming pera.
"Toy! Ito na yung kape at tinapay." wika ni Aling Tere. At inabot ko ang bente pesos ko. "Dinamihan ko na ng mainit na tubig yan para magkasya sa inyong limang magkakapatid."
"Salamat po..." tanging natugon ko na lamang kay Aling Tere. At umalis na ako para puntahan ang maliliit ko pang kapatid na kagabi't kaninang umaga ay hindi pa nakakakain.
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
PovídkyNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...