[OneShot]

397 9 0
                                    


"Happy 4th monthsary!" bungad ni Alden na nakaupo nanaman sa lungga niya. Naka-flash sa screen si Yaya Dub at nakatitig lang siya doon. Hindi niya parin lubos maisip kung paano umabot sa 4 months and tambalan nila. Oo, masaya siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya ngayon at thankful siya kay Yaya Dub dahil malaking part siya sa success nilang dalawa.


"Alden," pa-sweet na sabi ni Yaya.

"Happy 4th Monthsary din. Alam mo, ang dami mo nang nabigay na regalo, ang dami mong surprises, at ang dami mong sacrifices." Patuloy ni Yaya.

"Wala yun, ano ka ba? Alam mo naming lahat ibibigay ko para sa'yo." Alden replied pero feeling niya hindi si Alden ang nagsasalita kung hindi si RJ. Nalilito na siya minsan kung si Alden ba na character ang nagpapakilig kay Yaya o si RJ na iba na ang nararamdaman habang tumatagal.

"Thank you!" Sabi ni Yaya,

"pero ngayon, hayaan mo namang ako ang mag-surprise sa iyo." Patuloy nito na ikinagulat ni Alden. Pinapanood niya lang ang screen nang biglang mag-production number si Yaya ng isang sayaw. Habang pinapanood niya, mas lalong lumalabas si RJ at unti-unting nagtatago si Alden na character.

"This girl." Nasabi niya sa sarili niya at napangiti nalang. Pagkatapos magsayaw ni Yaya ay may message ito para sa kanya. Biglang nag-iba ang expression ni Yaya. Hindi na siya si Yaya kung hindi si Maine na. Maraming hindi makakapansin kundi si RJ lang kasi memorized na memorized na niya ang difference sa expression ni Yaya at Maine.

"Alden, alam kong ang dami mong schedules, ang dami mong gustong pasayahing tao." Sabi ni Maine. Nararamdaman ni RJ na nanggigilid na ang luha niya.

"Pero sana, alagaan mo rin ang sarili mo." Patuloy ni Maine. Ramdam mo yung sincerity at pag-aalala sa boses ni Maine.

"Oo naman." Sabi ni RJ na nagpipigil hindi maiyak. Hindi naman kasi usually ganito ka-expressive si Maine eh. Ayaw nga niyan ng mga pa-sweet-sweet.

"Pero, alam mo. Pagnakikita kita, okay na ako eh." Pahabol niya sabay ngiti kay Maine na medyo namumula na dahil nahihiya.

"Sus, bolero ka talaga!" Napatakip ng bibig bigla si Maine; na-out of character siya. Patay.

"Oi, hindi ah! Totoo kaya yun!" Nakita ni RJ na medyo nagiba expression ni Maine kaya sinalo niya agad. Out of character man sila, totoo naman mga sinasabi nila. Hindi na kaya ni RJ ang nararamdaman niya. Kahit anong pigil niya, gustong kumawala eh. Kaya sumuko nalang siya.

"Maine," bungad niya at nanlaki ang mga mata ni Maine.

"May gusto lang sana ako itanong sa'yo. Ku-k-kung *ehem* Kung papayag ka." Pasunod nito na medyo nauutal pa.

"A-ano yun?" kitang kita na hindi na-orient si Maine. Kitang kita niya rin na hindi na si Alden ang nagsasalita kung hindi si RJ na. Napabuntong hininga muna si RJ bago magpatuloy.

"Na... natatandaan mo pa ba yung 2nd Monthsary?" tanong ni RJ na kinakabahan.

"Oo naman! Isa yun sa memorable episodes natin." Hinayaan nalang rin ni Maine ang sarili niya na ma-out of character. Para saan pa siya aacting kung si RJ nga hindi na umaacting.

"Natatandaan mo pa ba 'to?" tanong ni RJ tapos biglang pinakita yung video nang pinakita niya yung katagang "READY NA AKO". Pinapanuod niya ang reaksyon ni Maine.

"o-o-Oo naman." Nauutal na sabi ni Maine na may halong kaba lalo na ang facial expression niya. Napapaisip tuloy si RJ kung itutuloy niya pa. Mahal na niya si Maine. Mahal na niya si Maine at handa na siya para umibig muli.

"Nagulat ka ba?" naka pilit na ngiting tanong ni RJ. Tumango lang si Maine.

"Alam mo, Meng, nung mga oras na yun, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para isulat yun." Naghahanap siya ng magandang paraan para sabihin pero wala siyang maisip dahil yung emosyon niya ay nangingibabaw.

"Pero ang masasabi ko lang...."

"Teka." Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Maine. Hindi niya alam kung saan to hahantong pero natatakot siya.

"Di ba act..."

"Hindi.... Hindi Na." Alam na ni RJ ang sasabihin ni Meng kaya inunahan na niya ito.

"Noong mga panahong yun, lahat ng sinulat ko dun, si RJ yun, Meng. Hindi si Alden yun na inlove kay Yaya, kundi si RJ na unti-unti nang nahulog sa'yo, Meng." Nag-crack na boses ni RJ dahil naiiyak na siya pero pinipigilan niya.

"Oo, sinabi ko dati na pang-gulo lang ang lovelife pero alam mo, nung una kitang nakita, dun ko nalaman na totoo pala ang love at first sight." Hindi na napigilan ni RJ at napaluha na siya.

"Tapos, nung Tamang Panahon, si RJ ang lahat ng yun. Si RJ ang nagsabi na 'God gave me you' kasi totoo, Meng. Totoong binigay ka sa akin ni God para pasayahin, baguhin, at kumpletuhin and buhay ko. Si RJ din ang yumakap sa'yo ng mahigpit; na ayaw ka na pakawalan. " Napangiti ng konti si Maine, magaling magtago ng emosyon si Maine kaya hindi halata na naiiyak din siya.

"Alam mo..." umpisa ni Maine habang nagpupunas ng luha si RJ.

"Alam mo, nung mga panahong yun, si Maine rin and nandun, hindi si Yaya." Nahihiyang sagot ni Maine.

"Si Maine ang nagsulat ng 'SANA'; pati yung 'panindigan mo yan'; pati yung 'magpaalam ka muna sa tatay ko.' pero may isang tanong na hindi nasagot RJ; hindi mo nakita kasi busy ka na nung dulo." Malungkot na sabi ni Maine.

"Ano yun?" medyo okay na si RJ, namumugto ang mata pero okay na at biglang pinakita yung dulo ng episode na yun. Nandoon siya nakikipaghalubilo sa mga fans nila at si Maine sa split screen na may hawak na 'SERYOSO KA BA TALAGA?'. Napangiti si RJ. May ganoong eksena pala, hindi man lang niya alam. Pero eto na nga ang sagot. 2 buwan bago masabi ang sagot. Grabe siya!

"I know it might sound crazy, Meng." Dito palang pinipigilan na ni RJ umiyak.

"pero, seryoso ako nung sinabi ko na 'READY NA AKO', handa na akong buksan ang puso ko; handa na akong umibig ulit, Meng." Medyo sumabit nanaman boses niya. Ito nanamn si RJ, nagiging iyakin pag si Meng ang nasa harap niya. Pero pinigilan niya.

"Hindi kita pinipilit, Meng. Gusto ko lang malaman mo na seryoso ako sa'yo. Na mas lalo akong nahulog sa'yo nung nagsimula na tayong makapagusap. I feel comfortable whenever I'm around you at yun ang isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa'yo." Napangiti si RJ kahit may luha pang tumutulo.

"Ang rami-raming rason kung bakit ako nahulog sa'yo Meng, hindi ko naiisa-isahin at baka maging nobela 'to." Napatawa siya, si Meng din naman ganun din.

"Gusto ko lang ipa-alam sa'yo ng maaga bago pa mahuli ang lahat." Pinunasan ulit ni RJ ang mga luha niya at ngumiti.

"Handa ka bang maghintay?" seryoso na si Meng.

"Kahit gaano pa katagal dumating yung time na 'READY NA TAYO'. Handa ako maghintay." Seryosong sagot ni RJ. Katahimikan ang sumagot sa kanya ng mga ilang segundo.

"EDI NGAYON NA! JOKE!" pasigaw at napahalakhak si Maine at ikinagulat naman ni RJ at napatawa nalang rin. Alam niya na ang sasabihin ni Maine kahit hindi niya pa ito nasasabi. Ganun sila eh. Paminsan-minsan. nararamdaman at nababasa na nila ang iniisip ng isa't isa. Alam niya rin na paraan lang yun ni Meng para hindi maging emosyonal.

"Minsan, may mga bagay na hindi natin ineexpect na mangyayari sa buhay natin. May mga bagay na hindi natin ineexpect na dumating sa buhay natin. At minsan, hindi natin ineexpect na yung bagay na yun ay ang bagay na magbabago sa buhay natin. Ikaw yun, Meng." Nakangiting sinabi ni RJ habang nakatingin kay Meng.

"Handa akong maghintay, Meng. Handa ako maghintay para sa'yo."

Parang walang sila sa TV no? Oo, nasa TV sila at maraming komento ang Dabarkads at ang mga audience, live ang revelation, maraming nagkasakitan at nahampas o nasabunutan sa kilig. Maraming umiiyak. Maraming natutuwa at napapsigaw. Pero nung mga oras na yun, wala silang naririnig, wala silang ibang kasama, nasa sariling mundo nila sila; mundo kung saan nadoon lang si RJ at si Meng.


The 4thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon