Chapter One

3 0 0
                                    


"Bye bye po."

"Babay ate Allison!"

Nginitian ko lang sila at lumakad na paabante.

-------

Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko na nakahiga ang katawan ko sa isang malambot na bagay.

"Teresa halika dali!"

"Magmadali ka't tawagin mo ang mag-asawa!"

"Hindi ako makapaniwala."

Eh? Sino kaya ang mga iyon? Iminulat ko ng bahagya ang mga mata ko at inilibot ito at napansing wala ng puti, wala na ako sa ulap. Tagumpay akong naibaba dito sa lupa ng Idol ko. Haha!

Kung wala na ako sa mga ulap, ano itong malambot na bagay kung saan kasalukuyang nakapatong ang aking katawan?

"Oh, hi miss?" Sino iyon?

"Sino ka po? Mabait ka naman po diba?"

"I-I'm Elena Monica Fuentes and he is Robert Fuentes, my husband." Sabi ni Elena, kaso sa pagkakakita ko sa kanya ngayon ay may edad na din siya mga nasa 40's si ate Elena, pwede na ba yun?

"Ah, hello po. Hello." Bati ko sa kanila.

"What's your name by the way?" Sobrang ganda ng ngiti nita at ang gaan ng loob ko naman sa kanya.

Nakakaintindi naman ako ng mga ingles na lenggwahe, sinaulo namin ni sara— kaibigan ko sa langit, ang ibang salitang ingles. Dahil dati nung nabubuhay pa daw siya, sanay siya na ginagamit ang lenggwahe na iyon. Namimiss ko na tuloy sila agad.

"Ah kasi po galing po ako sa l—"

"At! Bawal mong sabihin na ikaw ay isang anghel na ipinababa sa lupa para sa kanyang itinakdang mission, is that clear?"

O___O

"Where?" Sabay na sabi ng magkasintahan sa akin.

"Ah, wala po, wala po, nakalimutan ko na po kasi hehe." Sabi ko habang iwinawagayway ang dalawang kamay ko sa harap nila.

"B- What's your name?"

"I..I am.. I" ang hirap namang mag ingles.

"Hahaha, oh my. Y-you can speak tagalog naman, pinapahirapan mo pa ang sarili mo."

"Ako po pala si Allison."

"Allison? What's your surname?" Umaasa ang tono niya.

"Hindi ko po alam."

"Saan ka nakatira?"

Hala! Naku naman! Anong isasagot ko? Hindi ako nakapaghanda ah!

Umiling na lang ako, wala akong masabi eh.

"Eh? W-who are your parents? Ibabalik ka na namin sakanila after we eat."

"Wala na po akong mga magulang."

Nalungkot sila sa sinabi ko at pati ako ay nalungkot. Ang totoo hindi ko talaga alam kung nasaan sila, kung nasa heaven na rin? Labing-walong taong gulang na ako ngayon, at sa pagkakatanda ko at ayon na rin sa kwento ni San Pedro, apat na taong gulang daw ako ng mapunta sa langit dahil may sakit daw ako nung bata, kaya labing apat na taon na rin ang nakalilipas? Matagal na. Sobrang tagal na, kung sakali, makikilala pa kaya ako ng tunay na mga magulang ko? Hindi naman ako pwedeng magpakilala dahil imposible na buhay ulit ako sa paningin nila at isa pa hindi ko na sila nakikilala. Nakakalungkot naman. Gusto ko pa man din sana silang hanapin sa anim na buwang naibigay sa akin, balak ko lang silang masilayan at kung paano silang namuhay nung nawala ako sa mundong ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UlapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon