TULA 7: Sumabay-sabay, Hinatid-hatid

97 11 18
                                    

Ayaw ko sanang

maghiwalay kami ng daan

Pero sa timog siya

Ako nama'y sa hilaga

Ang mahalaga

ay aking nakuha

ang numero

ng cell phone niya


Nang siya'y nakalayo

kaagad akong nag-send

ng isang text message


Ingat ka, Rose Marie.

Ako ito,

iyong lalaking kausap mo.

Na guwapo.


Kaagad naman siyang

nag-reply


Salamat, Raffy.

Ingat ka rin

sa mga babae.


Sa mga babae?


Oo.

Hindi ba ang sabi mo

guwapo ka?

Baka ma-kidnap ka nila.


Huwag kang mag-alala.

Kaya kong makawala.

Iisipin lang kita.


Talaga?


Mag-ingat ka rin

sa mga lalaki.

Ang ganda mo kasi.


Nambola ka pa.


Totoo ang sinasabi ko.

Maniwala ka.


Bahala ka.

Pero ayaw ko.


Maganda ka.


Oo na.

Guwapo ka na.


Hanggang sa nakauwi na ako

at nakauwi na rin siya

patuloy ang pagpapalitan

naming dalawa

ng mga mensahe

Pakiramdam ko

siya pa rin

ay nasa aking tabi


Nang mga sumunod na araw

sabay na kaming

naglalakad sa campus

kumakain kapag break

tumutungo sa library


Hinatid ko siya

nang minsang

siya'y ginabi


"Ang ganda ng mga bituin,"

sabi niya

habang nakatingin

sa mga diyamanteng

kumikislap sa langit.


"Parang ikaw,"

sabi ko naman

habang siya'y tinitingnan


"Hayan ka na naman.

Inuumpisahan

ang iyong mga kalokohan."


"Ang ibig kong sabihin,

para kang bituin."


"Ikaw,

gusto mo rin ba

ang mga tala?"


"Oo.

Pero

mas gusto ko

ang langit.

Gusto kong maging langit."


"Bakit?"


"Para makita kita

kahit saan ka pumunta.

Para masubaybayan

at mabantayan kita.

Ayos lang ba?"


"Okay lang naman.

Kahit medyo stalker ka,

alam kong nandiyan ka lang."


"Ang ibig kong sabihin

kung ayos lang ba

na ligawan kita?"




Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon