Chapter 24

22 1 0
                                    

Nagpunta ako sa may poolside ng Randclifee para makahinga ng maluwag. Gusto ko nang sumaya ulit. Ayoko na ng malungkot. Gusto ko ng ngumiti uli. Yung ngiti na sobrang genuine. Yung hindi pinilit.

Inilubog ko ang paa ko sa tubig. Naalala ko bigla yung gabing iyon sa condo ni Riley. Sa may poolside.

Bumalik sa akin lahat. Nasasaktan padin ako. Hindi padin nababawasan yung sakit.

"How can I forget you Kevin Draze? Kung lahat ng nakikita ko ay ikaw ang unang pumapasok sa isip ko?" iyon ang totoo.

Kahit saan ako magpunta ay naalala ko sya. Kahit saan ako tumingin ay nakikita ko ang mukha nya. Paano ko sya makakalimutan kung sa bawat galaw ko ay sya agad ang pumapasok sa isip ko. How can you forget someone that gave you so much to remember?

Naramdaman ko uli ang pagtulo ng luha ko. Pero this time hindi ko iyon pinunasan. Hinayaan ko syang umagos. Hinayaan kong mapagod ang mga mata ko sa kakaiyak ng dahil lang sa parehong rason.

Naalala ko pa yung kinanta nya sakin noon. Tumakbo yung tune sa ulo ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na kantahin iyon.

It took one look
Then forever lay out in front of me
One smile then I died
Only to be revived by you

Napapikit ako habang unti-unti kong nararamdamang pinipiga ang puso ko sa bawat salita na lumalabas sa bibig ko.

Oh, they told me that this wouldn't be easy
But I know,
I'm not one to complain

It was never easy. Never for the both of us. Lagi na lang may hadlang. Lagi na lang mali. Lagi na lang masakit.

I take one step away
Then I find myself coming back
To you
My one and only
One and only you

Nakapikit lang ako doon. Sabi kasi nila kapag nakapikit ka, doon mo daw malalaman ang totoong nararamdaman ng puso mo. At masakit. Yun ang totoong nararamdaman ko. Sobrang sakit. Nakakapanghinang sakit.

"Be strong Ree.." bumulong ako sa sarili ko.

Naalala ko bigla yung "Dreamboy Checklist" ko. Ilan lang doon ang sumakto kay Kevin pero minahal ko sya ng sobra. Nawala yung konsepto ko ng Dreamboy dahil lang sa nakilala ko at minahal ko ang isang Kevin Draze.

"Okay ka lang?" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Nathan na may dalang gitara "Alam ko na nakakapagpagaan ng loob mo ito.."

Kinuha ko sa kanya yung gitara saka nagstrum.

I hear your taking the town again
Having a good time
With all your good time friends
I don't think that you think of me
You're on your own now
And I'm alone and free

Tinititigan lang ako ni Nathan. Kung dati ay pinigilan nya ako. Ngayon ay hinahayaan mya akong ibuhos ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagtugtog.

I know that I should get on with my life
But a life that's without you can never be right
As long as the stars shine down
From the heavens
As long as the rivers
Run to the sea
I'll never get over you getting over me

Hindi ko alam kung ano ang naging pagkukulang ko. He didn't give me the chance to ask him. Matapos nyang makipahiwalay ay nawala na sya na parang bula.

Oh, no matter what I do
It feels like a lifetime to live through
I can't go on like this
I need your touch
Cause you're the only one I'll ever love

Tumigil ako sa pagstrum. Hindi ko na kayang ituloy pa ang kanta dahil naramdaman ko na ang pagkabasag ng boses ko. Alam ko na kapag tinuloy ko pa iyon ay aagos ang mga luha ko.

Damang-dama ko pa ang sakit. Hilaw na hilaw pa yung sugat. Gusto kong malaman kung bakit. Kung paano nya ako nagawang iwan. Kung paano nya nagawang mangakong hindi nya ako iiwan tapos kabod na mawawala na lang sya. Gusto kong malaman kung ano ang nagawa ko para saktan mya ako ng ganito. Kung anong pagkukulang ko. Kung bakit nya ako kailangan iwanan.

Ang dami kong tanong na hindi ko alam kung masasagot pa ba. Mga tanong na tanging si Kevin lang ang makakasagot.

He took the key into my heart then left without giving it back. Kaya pakiramdam ko ay hindi ko kayang magpapasok ng iba dahil nandito padin sya. Sya padin. I still love him kahit na ganito kasakit.

"Alam mo, ang mga bituin bago makarating satin ang liwanag nila, patay na sila.." napatingin ako kay Nathan "Siguro, ganun din yung relasyon nyo, patay na pero huli na ng makita ninyong dalawa.."

Natahimik ako sa sinabi nya. Totoo nga ba? Parang bituin nga ba ang relasyon namin? Matagal ng patay pero ngayon lang namin narealize?

Hindi! Ayokong maniwala! Alam ko sa sarili ko na minahal ako ni Kevin. Alam ko na totoo yung mga pangako nya. Ramdam ko sa mga halik nya na totoo yung nararamdaman nya.

Alam kong ang gulo pero hindi ko na din alam. Sobrang gulo na din ng isip ko. Gusto ko nang sumaya pero umaasa padin ako na babalik sya. Na babalikan nya ako. Na mahal nya padin ako.

"Ganun ba talaga yun?" nilingon nya ako pero nakatitig ako sa tubig "Kapag nagmahal ka, at nasaktan ka, umaasa ka padin na sya ang magtatanggal ng sakit na nararamdaman mo ngayon.. Na hanggang sa dulo, kayong dalawa padin.."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Nathan "Siguro, hindi ko din alam.."

Tumango na lang ako sa kanya. Kahit na nasasaktan ako ngayon nang dahil kay Kevin ay umaasa padin ako na sya din ang magaalis ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Na hanggang dulo kaming dalawa padin. Na ako at sya padin.

Gusto kong sumaya. Oo. Gusto kong sumaya, pero sa piling nya. Gusto kong maging masaya na sya ang kasama ko.

"Pinanghahawakan mo padin ba yung sinabi nyang mahal ka nya?" napatingin ako kay Nathan.

Alam nya na ang sagot ko dyan. Alam nya kung ano ang isasagot ko sa tanong nya.

"Oo, ganun talaga.." napatingin akong muli sa tubig bago nagsalita "Mahal ko eh..."

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon