Hindi ko alam
kung nabigla ba siya
sa tinanong ko sa kanya
Wala naman kasi
akong nababasa
sa kanyang
magandang
pares ng mata
Kapagkuwan
siya ay tumuran
"Hindi mo na kailangan
na itanong pa iyan.
Nararamdaman ko naman
na mula noong umpisa,
ako'y gusto mo na."
"Pero ngayon
ay sasabihin ko
kung ano
ang totoo.
Hindi lang kita gusto.
Ang puso ko
ay nabihag mo.
Wala na ito sa akin
kundi nasa iyo.
Mahal na kita.
Rose Marie,
mahal kita."
"Sigurado ka ba?
Baka naman
nabibigla ka.
Pag-isipan
at pakiramdaman
mo muna
nang mabuti
ang damdamin
at ang puso mo.
Pero inaamin ko,
ikaw rin ay aking gusto."
"Ibig mo bang sabihin,
wala na akong dapat gawin?
Ako na ba'y iyong sasagutin?"
"Masyado ka yatang
nasasabik.
Hindi mo ba narinig
ang salitang lumabas
mula sa aking bibig?
Ang gusto
at mahal ba
ay magkapareho?
Ligawan mo muna ako.
Hindi ba't iyan ang sabi mo?"
Kaagad
ako ay naningalang-pugad
Binibigyan ko siya ng bulaklak
Inaabutan ng mga sulat
Pinapadalhan ng matatamis na mensahe
tuwing umaga
at bago matulog sa gabi
Hanggang sa dumaan
ang mga linggo
ang mga buwan
Hindi ako tumigil
Walang makapipigil
Subalit
sa tuwing tinatanong ko siya
kung ako ba'y mahal na niya
umiiling siya
Humihindi
Umaayaw
Ngunit
ang puso ko
ay patuloy pa rin
sa pagsayaw
sa pagsabay
sa pagsunod
sa indak ng pag-ibig
Hindi titigil
hindi susuko
hanggang sa makuha
ang nais
Mahal ko siya nang labis
Kailan ko kaya makukuha
ang oo niyang matamis?
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoésieIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].