Tadhana o Pagsuko

1.9K 62 3
                                    

Sabi nila,
'Kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo siya.';
'Kung mahalaga siya sa'yo, huwag mong bibitawan.'
Sabi nila,
Huwag daw i-asa sa tadhana ang pag-ibig,
Dapat daw ipaglaban mo; ikaw gumawa ng paraan.

Pero pano kung,
Handa ka nga lumaban;
Handa ka gawin lahat para lang sa kanya;
Ipaglaban siya; hinding hindi siya bibitawan.

Pero,
Siya mismo ang bumibitaw.
Siya mismo ang umaayaw.
Siya mismo ang nagsabi na;
'Tama na. Ayoko na.'

Tama pa ba ang gagawin mo?
Lalaban ka parin ba?
Lalaban ka ba kahit na siya na mismo ang sumuko?
Na kahit anong gawin mo,
sabihin mo,
Wala na lang sa kanya?

Oo, masakit.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Pero, wala ka na naman magagawa.
Dahil, kahit na handa ka pa ring lumaban,
Matagal ka na niyang sinukuan.

- leo.banares

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tadhana o PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon